Chapter 4: Bringing back the past.

78 0 0
                                    

{Mei's POV}

DUG.DUG.DUG. And there it goes again. What a very uncomfortable feeling. -.- Hindi ko na lang pinansin pa.

"Ah, oo ako nga. Hahaha. At ikaw 'yong transferee 'di ba? Nakalimutan ko pangalan mo, dalawang beses ka kasi nagpakilala e. :))" Ako.

"HAHA. Oo nga e. Pwede bang magpakilala na lang sa faculty room para isahan na? -_____-'" Jay. May sense of humor din naman pala siya e. :))

"Hahaha. :) Hindi ko namalayan na magkatabi pala tayo. Sorry, madaldal kasi ako e. Okay lang ba sa'yo?" Ako.

"Oo naman! Gusto ko kasi magkaro'n ng bagong kaibigan, lalo na babae. Kulang ako do'n, e." Jay.

At dahil do'n, nakapag-small talk naman kami kahit saglit lang kasi nagpa-dismiss na rin si Ma'am. Next subject na pala namin, hindi ko ulit namalayan. Grabe na 'tong pagka-daldal ko, ha. XD

Sunod pala namin, PE. So great! Monday na monday, may PE kami. So, very great. -.- Anyway, orientation lang naman din ngayon kaya hindi namin kailangan magpalit ng damit. Mabait teacher namin at babae pa siya. Si Miss Garcia. I like herr. :)

*RIIIIIIIIIIIIIING* *RIIIIIIIIIIIIIIING* Hohoho, lunch time na pala. Kailangan magmadali sa canteeeeeen! Baka maunahan sa pagkain! HINDI 'YAN PUPWEDE!

"Oy Mei! KALMA! Walang sunog!" Gelo.

"HAHAHA. Kilala niyo naman 'yang si Mei, basta pagkain, hindi pwedeng mahuhuli siya. >:)" Lyza.

"Napakabuti niyong kaibigan. T^T  E pagkain 'yon, kung mauunahan lang tayo, sayang ang biyaya ng Diyos! Bwahahaha. Kaya TARA!" Ako.

Matapos naming bumili ng pagkain, umupo kami sa isang table malapit sa pintuan. Favorite table ko 'yon e. Nakakatuwa kasi panoorin 'yong mga tao lumabas at pumasok. Ewan ko, nahawa ako sa hobby ng nanay ko e: people watching. :3 

Kasama rin namin si Jay. Mabuti 'yan, dagdag sa barkada. Dagdag sa mga taong pinagkakatiwalaan ko. :)

"Mei. MEI!!" Pau.

"Ha? Bakit? o____O" Ako.

"May paparating. SHHH. 'Wag kang titingin sa likod mo." Pau.

Sana hindi mo na lang sinabi para 'di na rin ako na-curious, 'di ba? -________-''

At dahil do'n, tumingin nga ako. HAHAHA. Galing kasi ni Pau, e. 

Pero, isang malaking pagkakamali ang pagtingin kong  'yon. Dahil may nakita akong isang panget na hinayupak na unggoy na may kasalanan sa'kin. At ang kasalanan niya ay ninakaw niya ang puso ko at tinorture. </3

Sinbukan kong hindi magpakita. Baka hindi naman niya 'ko nakita. Tama, act normal.

"Hi Mei. :)"

Hindi ko na lang pinansin. Pa'no ba niya 'yon nagagawa? Pa'no niya nagawang batiin ako na parang walang nangyari sa'min? Na parang hindi niya ako iniwan? Na parang MAGKAIBIGAN kami? Wala ata ako no'ng nag-usap sila ng katawan ko na okay na kami. Na pinatawad ko na siya at kinalimutan ko na ang nangyari sa'min dalawa.

Iniwas ko na lang tingin ko at umub-ob sa table dahil nawalan ako ng gana kumain. Feeling ko tutulo na naman luha ko. Ayokong ipakita sa kanila 'tong malungkot kong side.

"Sino 'yon?" Sabi ni Jay pagkadaan nila. Oo nga pala. Hindi siya kilala ni Jay. Ipagpapaubaya ko muna ang explanation ng tanong na 'yan sa inyo, aking mga munting kaibigan.

"Ah wala, gago 'yon." Jem. Salamat. :') Napatawa naman ako do'n, kahit papa'no. Hahaha.

Pagkatapos ng lunch, tinanong nila 'ko kung okay lang ako. Um-okay naman ako.

Pagkatapos no'n, bumalik na kami sa classroom. Tumambay lang kami sa room kasi wala na kaming klase. Monday kasi ngayon kaya Homeroom at PE lang ang subjects.

Nagkwentuhan na lang kami do'n, pero bigla akong nakaramdam ng uhaw. Oo nga pala, hindi na nga pala ako kumain pagkatapos niyang dumaan. Nawalan na kasi ako ng gana, pero nakakain pa rin ako. Hindi nga lang ako nakainom ng tubig.

"Uy, nakita niyo ba tubig ko?" Ako.

"Hindi mo ba dala kanina papunta dito?" Lyza.

"Malamang, kaya nga hinahanap ko ngayon, e. -_______-'" Ako.

"Hahaha. Onga naman. Chill! Baka nasa canteen lang. Kung wala, bili ka na lang ng bago." Lyza.

"Gege. Punta muna akong canteen, ha." Ako.

{Lyza's POV}

Pagkaalis ni Mei, bumalik kami sa usapan namin. Magkakausap kami nina Pau at Jem. Sina Anton, Gelo at Jay kasi may sariling mundo. Anong mundo? DoTA. -.-'' E sinama ko si Jem sa usapan namin at okay lang naman sa kanya. :3

"Nagpakita na naman si Josh, e. Nakakainis. Tapos bumati pa. Tsk." Pau.

"Oo nga e, ano bang problema no'n? Napakamanhid." Jem.

"Ganda na ng mood ni Mei kanina e, sinira pa niya. Ayan, nagtataray na naman ngayon." Ako.

"Hamunin ko 'yon sa DoTA e, sobrang talo 'yon sa'kin. Hahaha." Gelo.

Nakisama na 'yong tatlo sa'kin. Natuwa naman ako. :>

Hahaha. Oo, hindi ko na idedeny. Alam na naman kasi nina Pau, Jem at Mei, e. Crush ko si Gelo. Last year pa. Sobrang kilig ko nga no'ng naging close kaming tatlo sa kanila e. At least mapapalapit ako sa kanya. :""">

Sa totoo lang, 'yon 'yong pinag-uusapan naming tatlo nina Pau at Jem bago umalis ng room si Mei. Buti nga pala umalis siya kundi hindi namin natigil 'yong usapan tungkol sa crush ko. HAHA.

"Nako. 'Wag na, ayaw naman ni Mei 'yon. Sa DoTA mo pa tatalunin, e suntukan na lang sana. Hahaha." Pau. 

"Ikaw kasi Pau, ang BRUTAL mong mag-isip. E ang pagka-brutal lang namin, lumalabas sa DoTA. HAHA." Anton.

"Weak pala kayo e. NYENYE. :P" Ako.

"Uy, sino ba 'yong Josh na 'yon? 'Yong sinabi ni Jem na gago na bumati kay Mei kanina?" Jay.

Nagtinginan kaming lima. Dapat ba naming sabihin sa kanya? Sensitive kasi si Mei tungkol sa bagay na 'yon, at alam kong hindi pa siya over sa topic na 'yon. Hindi ko alam kung dapat bang kami ang magkwento no'n o si Mei na lang mismo.

Walang umimik sa'min, nagtitigan lang. Hanggang sa pumasok si Mei sa kwarto.

"Hoy. Ba't ang tahimik niyo diyan? o_____O May multo ba? HALAAA! Takot ako sa multo. O____O" Mei.

"Gaga. May pinag-usapan lang kami. Haha." Pau.

"Na-gaga pa nga naman oh. -.- Sorry ha. Ano ba 'yon?" Mei.

Tiningnan ko sina Pau, Jem, Gelo at Anton (in order). Tapos sinabi ko sa kanya.

"Tinatanong kasi ni Jay kung sino si Josh." Ako.

"Ah. Jay. Ex ko 'yon." Mei.

---------------------------------------

A/N: Sorry sa napagka-tagal na update. Tinamad ako e. :))) So, sana nagustuhan niyo so far. Beginner pa lang ako kaya hindi ako magtataka kung panget siya. Kaya, ayun. Enjoy na lang din. ^________^ ~ B.

You & Me.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon