Chapter 1 - Hello, Artemis Academy ...Hi, Chii .. :D

86 1 1
                                    

Nakakabadtrip! First day na first day ng school late ako. Naku naman, oo!

Kasalanan 'to ng epal kong alarm clock eh! Hindi nag-alarm! Walang-silbi.

Biglang nag-ring ang cellphone ko.

"Hello?"

"Hoy bruhilda! Nandito na si Ma'am! Wala ka pa rin!" si Khate, one of my bestfriends, tinawagan na ako ng bruha. Nakakainis talaga!

"Heto na nga at nagmamadali na sa paglalakad eh. Kainis kasi yung alarm clock ko eh, hindi tumunog, ayan tuloy, hindi ako nagising ng maaga! Tapos wala pang masakyang tricycle. Kainis talaga!" reklamo ko sa kanya.

"Malas mo bru, bilisan mo na. Sige, ibababa ko na 'tong cellphone at baka mahuli pa ako ni Ma'am"

"Okay." pagkatapos no'n ay busy tone na lang ang narinig ko.

Kailangan ko na talagang magmadali. Nagsimula na akong tumakbo. Nakakainis talaga!

Huminto ako saglit malapit sa gate ng Artemis Academy. Hinihingal na ako eh.

~ splash! ~

Ayy, SHEETTT! 

Natalsikan ng putik ang uniform ko. Naku naman!

Tumingin ako ng masama dun sa lulan ng pulang kotse.

"Hoy, kung sino ka mang hudyo ka, tinalsikan mo nag putik ang uniform ko. At kasalukuyang papasok pa lang ako sa school. Sira na nga ang umaga ko dahil sa konsumisyong dala ng walang silbi kong alarm clock at wala pa akong masakyan kanina tapos dadagdag ka pa!" shett! wala na! sirang-sira na ang umaga ko. Boset!

"Pasensiya na, Miss. Ipa-dry clean mo na lang. Heto ang pera, oh" at walang pasubaling ibinato niya sa mukha ko ang pera niya.

"Hoy, Mister, hindi ko hinihingi ang pera at hindi ako mukhang pera! Naku, mga mayayaman talaga ngayon wala ng ginawa kundi ang maggasta ng pera. At higit sa lahat, walang manners!" 

"Ayaw mo naman pala eh, sana sinabi mo nalang. Nabawasan pa tuloy ng sobrang konti ang kayamanan ko. Ano bang gusto mo?"

Boset 'tong hudyong ito ah. Masyadong mayabang, arogante, feelingero at charotero! Saktong-sakto sa hate na hate kong lalake. "Just get out of my sight." at hindi na kayang matagalan ng mga mata kong makakita ng mga taong gaya mo.

"Okay. No problem." at saka pinasibad niya na ang kotse. At dahil sa ginawa niya ay natalsikan na naman ako. Nakakainis talaga! Ipinagpatuloy ko na ang pagtakbo hanggang sa umabot ako sa gate ng Artemis Academy.

Papasok na ako nang gate nang bigla akong hinarang ni Mang Ben, ang guard ng Artemis Academy.

"Miss, security check lang po. Dito ho ba kayo nag-aaral?"

Ganoon ba talaga kalala ang talsik ng putik sa akin? At hindi na ako nagawang makilala ni Mang Ben?

"Mang Ben, ako po ito. Si Stephanie."

Halatang nagulat si Mang Ben. Diyos ko, ano bang hitsura ko?

"Weh? Di nga?"

"Mang Ben naman! Natalsikan ako ng putik kaya nagkaganito ang hitsura ko. Oh, 'etong ID ko." at ipinakita ko sa kanya ang ID ko.

"Diyos ko, anong nangyari sayong bata ka? Bakit ganyan ang hitsura mo 'neng?"

"Eh kasi po may epal na kotseng dinaan ako at natalsikan ako ng putik na nadaan niya."

From Me To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon