Chapter 2 - The King of all JERKS ---> Mr. Weak

84 1 2
  • Dedicated kay Khate Dumapias
                                    

Hayy ..

As usual, pagkagaling ng school ay uuwi muna sa bahay para magpalit ng damit .. Tapos direstso sa bar kung saan ako kumakanta .. Ang Night Tavern ..

Pagpasok ko ng naturang bar ay nakasalubong ko agad ang mga kabanda ko na sina David, Jeter at Sherwin.

"Oh, andito na pala ang bunso naten." sabi ni Sherwin. Si Sherwin ang pinakamatanda sa aming lahat. Sumunod si David tapos si Jeter. At ako ang pinakabata.

"Hi, bunsoy." sabi ni David at ginulo pa ang buhok ko. Natural na ang ganoong seremonya namin.

"Naroon ang mga kaibigan mo, oh. Panunoorin ka daw nila." at itinuro ni Jeter sina Khate at iba png kasama nito.

Ngumiti ako kay Khate. Ngumiti din siya saken pero nang makita niyang nakangiti din sa kanya si Jeter ay bigla siyang sumimangot. Hmmmm .. I smell something fishy.

"Mukhang may aayusin ka pang gusot Jeter, ah. Ayusin mo muna bago magsimula ang pagtugtog naten."sabi ko sa katabi kong nakatitig pa rin kay Khate. Naglalaban ng tingin ang dalawang ito. Tumikhim ako saka tinulak si Jeter.

"Oo, alam ko" tumingin muna siya sa iba pa naming kabanda. "Sandali lang mga 'tol, may aayusin lang akong problema, kayo muna ang bumili sa labas. Ingatan niyo ang unica hija naten ah. Pag may nangyari dyan, pag-uumpugin ko kayong dalawang hudyo kayo."saka ito naglakad patungo kay Khate. Nakita pa naming hinila ni Jeter si Khate palayo. Napangiti na lang ako. Matagl na kasing may problema ang dalawang iyon. At alam ko at nararamdaman ko rin naman na may gusto sila sa isa't isa eh. Ayaw lang nila aminin.

"Tara na." at umalis na kami. Nagkwentuhan pa kami saglit sa labas pagkatapos ay pumasok na kami. Kami na pala ang tutugtog. Umakyat na kami sa stage. Unang kanta, World as I see it.

"The World As I See It, Is A Remarkable Place

ABeautiful HouseIn A Forest, OfStars InOuter Space.

From A Birds Eye View, I Can See It Has A Well-Rounded Personality

From A Birds Eye View, I Can See We Are Family"

"It’s Not Hard For Me To Love You

Hard For Me To Love You

No It’s Not A Difficult Thing.

It’s Not Hard For Me To Love You

Hard For Me To Love You Because You Are TheWorld To Me.

Yeah The World As I See It

Is A Remarkable Place Every Man Makes A Difference And Every Mothers Child Is A Saint"

ang ganda ng kantang ito .. Nakangiting  sinuyod ko ng tingin ang mga manunuod. Una kong nakita si Khate, di ko alam kung namamalikmata lang ako pero mukha talagang nagba-blush siya.

Inilibot ko ulit ang tingin ko. At may nakita akong nakatitig sa akin.

Napkunot ako ng noo pero agad kong binawi iyon para hindi mahalata ang mga customers sa bar. Tinitigan ko ang lalakeng nakatitig saken. Hindi ko alam kung anong problema ng isang ito at bigla na lang akong nginitian.

Nanlaki ang mata ko nang maalala kung sino ang hudyong ito.

Iyong lalake kaninang umaga. Si Mr. King of all JERKS. Tama! Mr. King of all JERKS na ang pangalan niya from now on. In fairness, ang haba ng name niya.

From Me To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon