7:HIS REQUEST

3 0 0
                                    


RAIN ZANDIE's POV

"NAKO Rain na miss ka namin!"sabay akap ni Jerry sa akin

Ngumiti ako sa kanila
At niyakap din sila

"Ano bang nangyari at absent ka ng 3 days?akala ko na kung anong nangyari sayo!"daldal ni Jamie

"Wala lang may pinuntahan kami!"sagot ko

Ayaw kung sabihin sa kanila dahil alam kung kakaawaan nila ako
Sasabihin ko nalang sa kanila sa TAMANG PANAHON

'kung kailan bulag ka na?'

Napaisip ako sa narinig ko sa Isip ko

"Oh?bakit?"tanong nila

Napatulala kasi ako
Kaya umiling iling nalang ako at ngumiti sa kanila
Umupo na ako sa upuan ko at nakinig na

Simula sa araw na ito
Susuotin ko na ang Ngiti ko
Gusto kong makita ang mga ngiti nila
Bago ako mabulag
Gustong gusto kong makita ang mga gusto ko pang makita bago ako mabulag

Lumabas ako para bumili ng pagkain kasama si Jerry
Nakasalubong ko ang kapatid ni Thunder si Sky
Alam nya na kami ni Thunder pero hindi ko alam kung alam nya na wala na kami
Nginitian ko sya pero nagulat ako ng Umirap sya at nilagpasan kami

Ipinawalang bahala ko nalang iyon
Pati ba naman si Sky galit sa akin?

Pagkatapos naming bumili
Bumalik na kami

Pero hindi pa kami nakarating sa room ay
Nakita ko si Sky na nakatayo at mukhang may inaabangan sya
Napahinto ako pati nadin si Jerry

Lumapit si Sky sa akin
Na ikanagulat ko ang sumunod nyang ginawa




*pak*

"Walang hiya ka!!!
Paano mo nagawa sa kuya ko iyon ha?
Malandi ka!! Akala ko pa naman iba ka sa lahat !! Pareho pa rin ng iba
Paano mo nagawang saktan ang ang Kuya ko ha!!*pak* Akala ko mabait ka"*pak*

Nakapatanggap ako ng sabunot at tatlong napakalakas na sampal

Sinugod ako ni Sky

Hindi ko alam kung bakit pero ang alam ko
Galit na galit sya
Pilit akong nilalayo ni Jerry sa kanya
Pilit din akong inaabot ni Sky

Mabuti nalang at walang medjong tao para maging center of attraction kami
Dahil ayaw kong mapag-usapan ni thunder at Sky
Okay na ako ang pag-usapan nila

"*pak* walang hiya kang babae ka
Sino ka para lokohin sya"nakatanggap ulit ako ng sampal

Hindi na ako lumaban pa

Yumuko nalang ako

Hindi ko kayang lumaban

"SKY!"narinig ko ang boses ni Thunder
napalingon ako
Lumapit sya kay Sky at pinipigilan itong Sabunutin at sampalin ako

"Kuya wag mo nga akong pigilan!!!
malandi to eh
Ipagpalit ka ba naman sa Ex nya??
Sinungaling nga talaga!!"sabi ni Sky

Pilit syang kumakawala kay thunder pero hindi sya makawala

"Ano? LUMABAN KA!"sigaw nya

Napaiyak ako

"Kung ano man ang iniisip mo
Hindi ko niloko at ipinagpalit ang kuya mo
Pero kung galit ka at ayaw mo akong paniwalan Sige magalit ka
Kaparapatan mong magalit Sky"sabi ko sa kanya

Tumawa sya ng pagkalakas lakas

"At nagpapaawa ka?
Malandi!"sigaw nya pero hindi nya ako nasugod

THE MAN THAT I LOVE(shortstory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon