Chapter IV

26 2 0
                                    

She heaved a long sigh. Hindi na nila itinuloy ang panonood. She told Eric that she's not feeling well. Of course that's a lie. Alam niyang ramdam ni Eric na nagdadahilan lang naman siya.

I just decided to go home. Saka ko na lamang siguro aayain si Eric na manood kapag wala na ang mga mukha ng mga taong iyon sa kahit saang theater ng US. Pakiramdam ko'y biglang sumakit ang ulo ko.

Binasa ko lamang ang mga labi ko. Pakiramdam ko'y nanunuyo ang mga iyon sa hindi malamang dahilan. Napagod ako kahit na wala naman akong masyadong ginawa sa araw na ito. I think thinking of the past is really not good for me. I feel exhausted all over and that's not a good sign.

Inihiga ko na lamang ang katawan ko sa couch na kinauupuan ko. Malaki naman ang espasyo noon at kasyang kasya ang mahaba kong katawan pero mas pinili kong mamaluktot na parang isang nilalamig na tuta.

I thought I already forgot everything. Isang taon lamang ang nakakalipas pero pakiramdam ko naging sapat na ang isang taon nay un para palitan ang mga naging alaala ko kasama siya. I don't understand.

Napakadali para sa mga lalaki ang makalimot. Para kang isang lumang damit na kapag naisuot na nila ay hindi na binibigyang halaga. Ganoon nila ituring ang mga babae.

Para silang magnanakaw. Na matapos makuha ang lahat ng iniingatan mo ay tahimik silang aalis.

Para silang mga preso. Puspusang nag-iisip ng plano para kumawala, para tumakas at pagkatapos ay hindi na muling magpapakita..

Para silang mga holdaper.. Na pagkatapos limasin ang lahat ng meron ka ay maghahanap ng panibagong biktima.

Ganoon sila kalupit.

Walang patawad, walang awa.

Hindi ko maintindihan kung bakit napakahina ng mga babae. Madaling makalimot sa nagawang kasalanan ng kapareha nila. Madaling makapagpatawad. Madaling mauto.

Ganoon siguro kalalim kapag nagmahal ang babae. Selfless.

Hindi iniisip ang kahahantungan ng desisyon nila. Hindi iniisip ang kahihinatnan ng relasyong pinili nila. Sapat na siguro sa amin yung kahit papaano, naging masaya kami.

Madami sigurong babae diyan na naiinggit sa kung anong tinatamasa niya. Bakit hindi?

Maganda siya, mayaman, sikat.. pangarap ng mga kalahi ni Adan.

Hindi ko tuloy mapigilang mapatawa sa naiisip. Oo, lahat ng yun nasa akin pero masaya ba ako? Minahal din ba ako? Hindi porket nasa mga kagaya na namin ang lahat eh exempted na kaming hindi masaktan.

-

I woke up still wearing the same clothes as yesterday.

Hinubad ko naman ang suot ko pa ding varsity jacket ni Eric. Mabuti na lamang at airconditioned ang buong kwarto ko kaya kahit matulog ako sa couch ay ayos lang.

"Breakfast?" narinig kong tanong sa labas habang inaayos ang kama ko.

Hindi ko naman maiwasang mapapitlag ng marinig ang baritonong boses na mukhang nanggagaling sa labas ng pinto ko.

That's Eric.

Kung ganoon ay ditto pala ito natulog. That explains why I woke up in my bed dahil ang huling naaalala ko ay sa couch na ako nakatulog.

Hindi na naman ako nag-abalang mag-ayos pa. I just went to my bathroom to brush my teeth and wash my face. Nagpalit na din ako ng pambahay na damit. It's weekend.

Dapat ay nakapag-early jog ako pero mukhang tinanghali na ako ng gising. Agad naman akong lumabas ng kwarto pagkatapos. Baka magalit na naman ang isang iyon at pinaghihintay ko siya ng matagal.

Naabutan ko naman itong may kung anong binabaliktad sa frying pan. It must be pancakes! That's my favorite for breakfast. Napangiti tuloy ako.

Eric is really a husband material.

Well, maybe it's more beyond that.. kahit naman kasi gawain ng ilaw ng tahanan ay kayang kaya nitong gawin tulad na lamang ngayon.

He can cook. Yung mga simple nga lang na putahe unlike L-Lu-

Agad ko naming kinalimutan ang isipin na iyon. That will just ruin my day.

"Goodmorning." I greeted him matapos kong ipulupot ang mga kamay ko sa katawan niya na ikinagulat niya.

"Sht. A-aww." Nasasaktang sabi nito. Nabitawan pa nito ang hawak na frying pan. Mukhang napaso.

Napabitaw naman agad ako mula sa pagkakayakap ko dito. Balak ko lang naman siyang lokohin sana pero mukhang napasobra naman ata. Muntik na tuloy matapon yung isang pancake. Sayang sana.

"I-I'm sorry. Masakit ba?" tanong ko agad dito. Gusto ko tuloy kutusan ang sarili.

Malamang masakit kasi napaso. Baka lumobo pa iyon. Ganoon ang nangyayari kapag hindi agad naagapan. Agad ko naming hinawakan ang isa nitong kamay at itinapat sa faucet.

"It's okay babes.. I can do it." Naiilang na sabi nito habang unti unting binabawi ang kamay mula sa pagkakahawak ko.

"Hindi ko sinasadya." Nakalabing sabi ko dito.

Nauunawaan naman ako nitong nilingon. Ngumiti lamang ito sa akin.

"I know.. I know that you're sometimes capable of doing stupid things." Nang-aasar na sabi nito na ikinayamot ko kaya nahampas ko tuloy ito na malakas sa braso pero mukhang ako pa yata ang nasaktan sa ginawa ko kaya tinigilan ko na.

Umupo na lamang ako habang nag-aantay sa luto nito. Naghanda na din ako ng mga plato para may maitulong naman ako kahit papaano.

Maybe I should try browsing the internet for recipes and maybe I can learn how to cook para hindi naman habang buhay ay umaasa ako sa luto ng iba.

Pancakes, bacon, hotdog and breadloaf ng inihain nito sa lamesa.

Meron ding cappuccino itong inilapag sa lamesa. Frustrated barista din kasi iyang si Eric. Nag-aral din naman kasi iyan noon na magbarista. Naitanong ko na din sa kanya noon kung bakit. Ang sabi niya gusto niya lang daw malaman kung paano gumawa ng masarap na kape.

Minsan weird din ang isang 'to eh. Kung ano anong gusting matutunan which is good dahil kahit papaano ay nalilibang din naman ako dahil parati akong kasama sa mga lakad nito kapag walang naka-schedule na photoshoot.

"Mahapdi na ba?" nag-aalalang tanong ko.

"N-no. It's fine. Lalagyan ko na lang siguro ng ointment mamaya." Nakangiti pa ding sagot nito.

I just smiled.

Eric and I are still the same. I mean, ganoon pa din kami makitungo sa isa't isa katulad ng dati. We haven't talked about what happened after the kiss we've shared.

Hindi ko nga alam kung dapat kong ipagpasalamat dahil hindi na din naman kasi ako nito tinanong pa.

Mabuti na din naman siguro na ganoon na muna. Hindi ko din naman kasi alam kung anong isasagot.

Isa lang ang malinaw sa akin ngayon.

Ayokong makasakit. Ayokong saktan si Eric.

Because I know how it feels to get hurt..

A/N:

What do you think guys? Let me know..

VOTE. COMMENT. SHARE :)

#COMPLICATED Book II: The Chase BeginsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon