KABABANATA 1 : Pusong Nag-Mamahal

1K 38 23
                                    

Kung sino man ang magbabasa ng story na ito ay wag nyong kalimutang mag vote at mag comment . If you do that it will help me alot Kaya please gawin nyo . Love yah all readers ....

P.S

Ang story po na Ito ay talagang kakaiba at kaunti Lang ang ginaya sa takbo ng totoong Enchantadia . Ang ating kwento po ay mag uumpisa sa parte kung saan bago nakita ni Ybaro si Alena sa gubat at ang mga kasunod na KABANATA ay di ko gagayahin sa TV.... Oo Nga po pala Hindi ko po magagaya Yung mga sinabi nila sa TV pero Yung ibang plot po ay yun ang gagayahin ko ....

👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑👑
KABANATA 1 : Pusong Nag-Mamahal 💗💗👸💗💗

( Author's POV )





Hindi mapawi ang ngiti ng Reyna Amihan Pag-dating ng bukang liwayway . Di parin nito makalimutan ang nangyari kagabi , ang nangyaring Pag-amin nila ng Prinsipe Ybrahim sa kanilang nararamdaman para sa isat-isa . Napapansin naman Ito ng mga ibang Kapanalig Subalit punapawi na lamang mula sa kanilang isip pero may isang nilalang naman ang Hindi na kinaya ang mga Nakikita .

Mula ng mag-bukang liwayway ay Napapansin na nito ang napaka-tamis at puno ng siglang ngiti ng Reyna at napansin Rin nya Ito sa kanilang Prinsipe . Ang Hindi nya inaasahan ay ang pagpapalitan ng mga tingin at makahulugang ngiti ng kanyang mga Kamahalan . Hindi Rin maiwasang mapangiti ni Alira Naswen mapagtanto ang mga nangyayari .

Linapitan nya ang Reyna ng mga Diwata at palihim na kinausap Ito na ikinabigla ng kanyang Kamahalan.


" Avisala Hara Amihan. " Nakangiting bati ni Alira sa Reyna na Nagulat naman dahil sa bigla nitong pagsulpot pero ng makabawi Ito sa pagkagulat ay muli ulit itong ngumiti ng Kay tamis na ikinailing naman ng babaeng Sapiryan .


" Avisala Alira . " Bati ng Reyna pabalik sa Sapiryan at muling ipinag-patuloy ang ginagawa .

" Mahal na Hara ako po ay may gustong itanong sa Iyo kung iyong mamarapatin lamang ... " Pagpapaalam nI Alira at napatingin naman aakanya si Amihan na mukhang nagaalala na dahil seryo ang tono at ekspresyon ng mukha ng babae .

" Ano iyon Alira ?? Iyong iwika lamang at wag mahiyang mag-tanong .... " Kalmadong tugon ng Reyna Subalit sakanyang kalooban ay kinakabahan na Ito .

" Kanina ko pa kasi Napapansin ang pagpapalitan nyo ni Prinsipe Ybrahim ng mga makakahulugang tingin Mahal na Hara . " Paliwanag ni Alira Naswen na nakita naman ang pamumula ng Reyna at ang katahimikan nito . Dito naman ay nakakasigurado na sya na may mga namamagitan na sa Reyna at sakanyang Prinsipe .

" Alira -------- " Hindi naman natapos ni Amihan ang kanyang pagpapaliwanag sa babaeng Sapiryan ng muli itong mag wika ..

" Hara wag Kang mabahala dahil ang mga nalaman ko ay tanging mananatili na lamang sa akin at di Ito muli pang Pag-uusapan .." Sabi ng babae at parang nabunutan naman si Amihan ng tinik sa lalamunan ng marinig ang wika ni Alira . Hindi kasi gusto ni Amihan at Ybrahim na may Maka-alam ng kanilang munting relasyon .

" kung gayon ay Avisala Eshma Alira ... " Naka-ingiting sambit ng kamahalan sa babae at napangiti na lamang sya sa sinabi ng Reyna sapagkat napatunayan nya na tama ang ang kanyang mga hinala .

"May tangi lamang akong hiling Mahal na Reyna ... " Muling wika ni Alira at tiningnan na lamang sya ni Amihan .

" Sana po ay maging masaya kayo ng aming Prinsipe , kamahalan . Yun lamang po ... " Magalang na wika ni Alira na ikinangiti ni Amihan . Kanina pa sya nababagabag dahil sa nalaman Ito ni Alira at akala nya ay tutol ang Sapiryan sa Pag-iibigan nila ni Ybrahim subalit mukhang sangayon pa ang babae para sakanila ..

Encantadia : Tadhana Ng ReynaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon