Ano po satingin nyo ?? Ayos Lang ba ang takbo ng kwento o Hindi nyo nagustuhan ?? Pakiusap po ay mag comment at mag vote kayo . Kailangan po kasi Ito Kaya nagmamalaawa ako . Alam Kong baguhan pa lamang ako at Hindi magaling sa pagsulang ng istorya subalit kailangan ko po ang opinyon ninyo para sa mga susunod pang mga KABANATA ng Tadhana na Nararapat .
@whiteNblack_Hime
🏰🏰🏰🏰🏰🏰🏰🏰🏰🏰🏰🏰🏰🏰🏰
KABANATA Ⅲ : Pagbabalik 😱
( Author's POV )
Napangiti si Danaya ng Muling masilayan ang Enchantadia at si Lira naman ay Manghang mangha ,ni sa panaginip kasi nito ay talagang Hindi nya aasahang makatapak talaga sa Enchantadia .
" Wow !! Ang ganda naman rito Ashti ." Manghang wika ni Lira at napatawa nalamang si Lakan sa inasal ng Diwani Lira at tahimik namang pinapanood ni Danaya ang kanyang Hadia. Bigla namang ibinalik ni Lira ang tingin Kay Lakan na ngayon ay Nakangiti sa kanya .
" Ang bilis mong lumipad Lakan !! Kung pwede yang gamitin sa Mundo ng mga Tao ay mahihiya sayo Ang traffic sa EDSA .. " Nakangiting wika ni Lira na mas lalo namang ikinatawa ng Mulawin dahil namamangha parin talaga Ito sa mga salitang ginagamin ng Diwani .
" Ako ay namamangha hanggang ngayon sa mga salitang lumalabas sa iyong bibig Lira .. " Natatawang wika nI Lakan at napasimangot naman si Lira dahil pinagtatawanan sya dahil sa kanyang inaasta .
" Hayaan mo na lamang ang aking Hadia Lakan . Avisala Eshma Lakan ... " Pagpapasalamat ng Sang'gre sa Mulawin at Ito naman ay ngumiti Lang upang pagtugon sa pasasalamat ni Danaya. Natutuwa naman si Danaya dahil bakabalik na sya sa kanyang tirahan at ang kailangan na lamang ay bumalik sila sa Lireo upang ipakita si Lira sa kanyang Ada na matagal ng naghihintay at nangungulila rito ..
" Mahal na Diwani kung may kailangan ka ay wag ka lamang mahiyang tawagin ako upang humingi ng tulong at Hindi ako magdadalawang isip na puntahan ka at tulungan . " Nakangiting Saad ng Mulawin sa batang Diwani . Ngimiti naman ang Magiliw na Prinsesa at Hindi nagdalawang isip na yakapin ang Mulawin. Hindi Ito inaasahan ni Lakan subalit ibinalik nya Rin ang yakap sa Prinsesa.
" Maraming Salamat Lakan ... " Pagpapasalamat ni Lira bago tuluyang lumipad si Lakan papalayo sa kanila . Nang tuluyan ng makaalis ang Mulawin ay Muling pinagmasdan ni Lira ang paligid at sinabit ang mga katagang Ito sa kanyang Ashti .
" Ashti eto na ba ang Enchantadia ? " Lira
" Oo , Aking Hadia ito na Nga ang Enchantadia . " Nakangiting sagot ni Danaya Kay Lira na di naman nya inaasahang Makita sa Mundo ng mga tao kasama si Muyak . Kahit papaano ay nagpapasalamat si Danaya sa taksil nyang kapatid na si Perena ,dahil tinapon sya nito sa Mundo ng mga tao dahilan para malaman nya ang ibang suliranin sa Enchantadia at pakita sI Muyak na kasama ang tunay na Hadia .
Nag-umpisa naman ng maglakbay si Danaya at Lira ng biglang may lumitaw ka kanilang harapan ...
" Avisala Sang'gre Danaya at Diwani Lira. .... " Agad namang napatingin si Danaya at Lira sa nagsalita at ito pala ay si Cassiopea ang nag-iisang Ninuno nilang hanggang ngayon ay nananatili sa Enchantadia dahil sa sya ay Isinumpa ni Emre ...
" Ninunong Cassiopea Natutuwa akong Makita ka Muli ... " Nakangiting bati ng Sang'gre sa kanilang Ninuno .
" Maging ako man ay Natutuwang makabalik ka rito sa Enchantadia at tayo ay magkita ... " Sabi ni Cassiopea na Hindi ibinubuka ang bunganga Habang nagsasalita na ikinamangha naman ng Diwani . Namamangha talaga si Lira sa bagong Mundo kung nasaan sya at pati narin ng mga natutuklasan nya rito .
BINABASA MO ANG
Encantadia : Tadhana Ng Reyna
Fiksi PenggemarMasakit man pero nagiging matatag lamang si Amihan para sa Enchantadia at para na Rin sa kanyang munting Diwani na si Lira ... Pero paano kung ang storya ni Alena at Ybaro ay di naging maganda at pawang lahat ng kanilang pinagsaluhan na mga masayang...