Chapter 1 : You're not alone

84.6K 3.8K 1.1K
                                    


Chapter 1

You're not alone

Amy's POV

11 years after the scenario in prologue



Napabuntong-hininga ako nang muli akong makabalik sa harapan ng laptop ko. Akala ko pinutol na ni Gracie ang skype call namin pero heto at nasa screen ko na parin siya, nakangiti na parang timang habang binabasa ang hawak niyang libro.


"Bed scene 'yan no?" Biro ko dahilan para maitaas niya ang kanyang index finger habang nakatitig parin sa libro. That's Gracie alright; for her the middle finger is too rude and vulgar so she results to using her Index finger instead.


"Index you too, Gracia Silverio." Pabiro kong sambit sabay taas ng index finger ko.


"Ba't ka nawala? Were you dunking your donuts?" Tanong niya habang focus parin ang paningin sa kanyang libro.


Hindi ko na napigilan pang matawa dahil sa sinabi niya, "You said that as a euphemism pero besh, sobrang yucks parin! I'm inlove with Donuts so can you please find another Euphemism for pooping?"


"Amy my loves, let me remind you that Euphemisms are words or phrases that is used to make a message less offensive and vulgar. My Euphemism game is strong, never question the playah," Sagot niya and this time, binaba na niya ang libro at hinarap na ako sa wakas. Shungang 'to eh, nags-skype na nga lang kami, di pa ako binibigyan ng full attention.


"Omg! Anyare sa noo mo? Nawala lang ako saglit, naging magkamukha na kayo nung kalbong bata sa avatar!" Hindi ako nakapagpigil at napagtawanan ko siya. Ngayon ko lang napansin na may blue arrow na palang nakaguhit sa kanyang noo.


"Naidlip ako sa kahihintay sa'yong bumalik at nagising lang naman akong ginuguhitan na ni Dale ang noo ko. I love my twin brother but sometimes, I kinda want to force him back into our mama's baby sack." Kung pagbabasahehan ang tono ng pananalita niya, mukhang naiinis na siya pero iba ang nakikita ko sa mukha niya. Gracie is among those people that gives off an innocent vibe; tipong laging nakangiti at mukhang walang problema sa buhay. Actually, kapwa may mapupungay na mga mata sina Dale at Gracie. Siguro ito ang dahilan kung ba't inosente ang dating ng mga mukha nila.


Napabuntong-hininga si Gracie at napasandal sa swivel chair niya. Nakuha pa niyang ipatong ang mga paa niya sa mesa kaya kitang-kita ko tuloy ang mga kalyo niya sa paa. Everyone at school thinks that Gracie is this adorable sweetheart that treats everyone kindly—well, she is and she does—but once you get close with her, magugulat ka nalang talaga sa kaluwagan ng tornilyo sa utak niya. Minsan nga napapatanong yung ibang mga kaibigan namin kay Dale kung nausog ba si Gracie noong bata pa.


"Ba't ang tahimik ata diyan sa kwarto mo, Gracie? Tulog na ba si Dale?" Tanong ko na lamang. Karaniwan kasing riot ang nangyayari sa tuwing nags-skype kami ni Grace, palibhasa kasi lagi silang nagbabangayan ng kakambal niya kasi naiingayan si Dale kay Gracie.


"Nah, He's downstairs, talking to Lyon on the phone. As usual, binibigyan na naman niya ng friendly death threats ang boyfriend ko." Halatang kinakabahan si Gracie pero sa kabila nito ay patawa-tawa parin siya at nagagwang magpaka-sarcastic.

Here comes DondyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon