Once again, sorry sa super tagal na update. I've been very busy with school and work :(
(Previously, Gracie witnessed (sort of) the death of Amy on chapter one)
9
Listen to me
Gracie
Napatitig ako sa mukha ng walang malay kong kakambal.
Parang pinupunit ang puso ko habang nakikita ang napakalaking pasa sa kanyang mukha at ang mga tubong nakakabit sa kanya.
Habang nakaupo sa kanyang tabi, dahan-dahan kong hinawakan ang kamay ni Dale at idinampi ang likod nito sa pisngi ko. Marahan kong hinaplos-haplos ang kanyang palad, umaasang mararamdaman niya ito at magigising siya.
"Dale, I've been very dependent on you ever since we were kids. Lahat nalang ginawa mo para sa'kin, pero sa huli iniwan kitang mag-isa. Dale, masyado akong nasanay na ikaw ang kailangan ko, hindi ko alam na kailangan mo rin pala ako.... Patawarin mo ako kung hindi kita nadamayan noong mga panahong marami kang pinagdadaanan. Akala ko ako ang pabigat sa'yo, yun pala meron pang iba. Pero Dale, andito na ulit ako at hindi na kita iiwan kaya naman please gumising ka na."
Napakabigat ng pakiramdam ko, gusto kong idaan nalang ito sa iyak pero hindi ko magawa, siguro kasi pinalaki ako ni Dale na matatag. Dale always told me, crying will only make the pain real.
Maniniwala ako kay Dale. Hindi ako iiyak kasi andito pa naman siya sa tabi ko. Gigising rin siya at makakabawi ako sa pang-iiwan sa kanya.
"Gracie..."
Napapitlag ako nang bigla kong marinig ang boses ni Dale. Agad kumurba ang ngiti sa mukha ko at dali-daling dumako ang paningin ko sa kanyang mukha, ngunit laking dismaya ko nang makitang natutulog parin siya at hindi parin gumagalaw. Unti-unti kong binitawan ang kamay niya.
Ewan ko ba pero bigla kong naramdamang para bang may nakatayo sa likuran ko. Kinilabutan ako bigla lalo na nang maalala kong ini-lock ko ang pinto para maiwang mag-isa kasama ni Dale.
Kinikilabutan man, unti-unti akong napalingon.
"D-dale?" Napasinghap ako sa gulat nang makita ko si Dale sa likuran ko. Hindi ako nagkakamali, si Dale itong nakikita ko.
Lumuluha siya, duguan at tila ba hinang-hina.
Dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang kamay at itinuro ang direksyon ng kama. Sa puntong ito'y muli akong nakaramdam ng matinding takot. Parang may gusto siyang sabihin, gumagalaw ang labi niya pero hindi ko maintindihan ang kanyang sinasabi. May sinasabi siya pero pabulong ito—marami akong bulong na naririnig at hindi ko mahinuha kung aling boses ang papakinggan ko.
Unti-unti akong humarap pabalik sa direksyon ng kama. Otomatiko akong napatayo at napaatras sa gulat nang makitang nag-iba na ang hitsura ni Dale. Hindi ko ito kilala dahil nababalot siya ng putik pero sa nakikita kong pangangatawan niya, isa lang ang nasisiguro ko—Hindi ito si Dale.
BINABASA MO ANG
Here comes Dondy
Horror"Last year he was buried. last week he appeared. Last night he was seen. Today he began to kill. Here comes Dondy and he's coming for you." (Taglish/Completed)