Baliw (sa jeep)

151 4 0
                                    

Isang pangyayari na tumatak sa isipan ko dahil sa sitwasyong iyon ako nakaramdam ng kaba, takot, awa, pagtataka at iba pang emosyon.

Nangyari ito noong nakaraang Setyembre. Bago pa sumikat ang araw naghahanda na ako para sa pagpasok sa eskwelahan. Gaya ng lagi kong ginagawa, ako ay naghihintay ng jeep sa may waiting shed. Pumara na ako ng jeep at sumakay. Ako'y nag bayad agad ng aking pamasahe. Kakaunti pa lamang ang sakay na pasahero ng jeep, hindi ko na siguro maabutan na mapuno ang jeep dahil nakaramdam na ako ng antok.

Nagising ako sa may bandang San Vicente, may sumakay na babaeng studyante siguro taga National Highschool ata, tumabi siya sa akin. Pipikit na sana ako kaso tumigil ulit ang jeep at may sumakay na isang matandang babae maputi ang buhok nito at nakapolo. Napaisip ako parang nakikita ko na iyong matandang babae, hindi ko maisip kung saan. Tutulog na ulit sana ako kaso

"Makikisuyo nga ng bayad" sabi ng katabi kong babae, inaantok parin ako pero kinuha ko to at inabot sabay sabing

"Makikisuyo daw po ng ba-" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil kinuha ito ng marahas ng matandang babae, akala ko iaabot niya ito pero hindi binulsa niya ito!

Laking gulat ko, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ang buong diwa ko ay nagising dahil sa ginawa niya at napagtanto ko din na hindi siya normal na tao kundi isang baliw. Sinong matinong tao ang magbubulsa ng bayad ng kapwa mo na pasahero din?

Hindi ko alam pero tiningnan ko ang babaeng katabi ko. Ano kaya ang nasa isipan niya? Sinisisi niya kaya ako sa nangyari? Ang daming salita na nabubuo sa isipan ko pero hindi ko ito maintindihan. Ang daming emosyon ang nararamdaman ko ngayon pero hindi ko mawari kung ano ba talaga ang nararamdaman ko sa sitwasyon na ito.

Tumingin ako sa aking paligid, nagmasid kung may magsasalita dahil sa nangyari, walang nagreact. Napatingin naman ako sa matandang babae, may mga sinasabi siya na kung ano-ano tipikal na baliw. Sa sobrang dami ng iniisip ko hindi ko namalayan na nasa bayan na pala kami.

"Sino pa ang hindi nagbabayad?" tanong ng drayber ng jeep, nagaalinlangan ako kung sasabihin ko ba yung nangyari o hindi dahil nakokonsyensya ako sinabi ko.

"M-manong kinuha po niya yung bayad" turo ko doon sa matandang babae.

'Ale yung bayad na kinuha niyo ibalik niyo na' sabi ni manong drayber

"Ibalik? Walang balik balik" matandang babae, bukod a sinabi niya may iba pa siyang sinasabi.

"Nasa iyo daw yung bayad" sabi ni manong drayber.

"Wala sa akin" sabi noong matandang babae sabay pakita ng kanyang dalawang bulsa sa pantalon niya. Wala naman talaga sa pantalon niya yung pera kundi na sa bulsa niya sa polo.

"Miss, paumanhin hindi na natin makukuha yung pera" sabi ni manong drayber saakin

"Hindi po iyon saakin sa kanya po" sabi ko at tinuro ko yung katabi ko

"Ineng, magkano ang bayad mo?"tanong ni manong dyaber sa katabi ko

"Dalawampung piso po" sabi ng katabi ko

"Paumanhin talaga ineng" sabi ni manong dyaber

"Okay lang po" sabi ng katabi ko

"Sige po" sabi ko kay manong drayber

Hindi ko alam kung bakit ko gusto kong sabihin ang salitang ito sa babaeng katabi ko.

"Sorry" sabi ko sa kanya, wala siyang sinabi pabalik pero tumango lamang siya at bumaba sa jeep.

Bumaba na ako sa jeep at sumakay sa tricycle. Hanggang sa makarating ako sa eskwelahan iyong sitwasyon na yon parin ang laman ng isipan ko. Hindi ko nagawa ang mga gawain ko ng ayos dahil hindi parin maalis saaking isipan iyon. Mapahanggang awasan walang ibang laman ang utak ko kundi ang pangyayaring iyon.

Pagtataka ko kaya siguro nasabi ko ang salitang iyon dahil naawa ako sa kanya pero ang kalahating ako ay nakokonsyensya dahil parang ako yung may kasalanan na hindi.

Baliw Where stories live. Discover now