Chapter 1: Birth of a Fool

1.4K 35 1
                                    

Wise men say
Only fools rush in
But I can't help falling in love with you
Shall I stay?
Would it be a sin
If I can't help falling in love with you?

"Ella! Will you keep it low? Hindi ko na maintindihan yung binabasa ko!" Den reprimanded Ella who's currently swaying along with the one of Elvis Presley's famous hits. Partida, ginawa pa niyang mic stand yung walis tambo.

Hindi sa ayaw ni Dennise sa kanta, oh God knows how much Dennise loves this song, pero ibang usapan na kung sinasabayan na ito ng kanta at sayaw ng roommate mo.

Bothersome would be an understatement.

"Den naman! Lagyan mo naman ng kahit konting kilig iyang sistema mo! Kahit isang butil lang!" Sigaw ni Ella pabalik.

Ella has been one of the closest friend Dennise ever had since high school. Si Ella ang tipong kaibigan na once in a blue moon lang kung mabusog pero pag kasama mo siya, tiyak na busog ka sa pagmamahal niyan (pati na rin sa sermon)

"Besh. Hindi ako bitter, okay? Maingay lang talaga yang player mo kaya di ko matapos tapos itong binabasa kong libro." Saad ni Den bago nito tiningnan ng seryoso.

"Okaaaaay, fine. Sabi mo yan. Pero besh, wala ka na ba talagang balak maghanap ng bago?"

Naramdaman ni Den na umupo sa tabi niya si Ella kaya naman ibinaba niya ang hawak niyang libro.

"Hoy liit, kung makapagsalita ka kala mo may love life ka!" Pangaasar ni Den sa kanya. Hmp akala mo ah!

"Hoy ka din! Unang una sa lahat, pareho lang tayong maliit! Pangalawa, love life mo ang topic at hindi sa akin kaya dont you dare change the topic young lady!" Singhal nito bago tumayo sa kinauupuan niya. Lumapit si Ella sa player at pinalakasan pa ang volume nito.

"Take my hand,
Take my whole life, too
For I can't help falling in love with you
For I can't help falling in love with you"

Muling sinabayan ni Ella ang tugtog at sinamahan pa ito ng konting kembot.

"Eww Ella ano ba yan! Sa pagkakaalam ko love song yan at hindi music for zumba!" Sabi ni Den sabay harang ng libro sa mukha niya.

"Shut up Dennise!" Sagot niya at muling itinuloy ang pag m-monologue.

Napailing na lang si Dennise.

Naramdaman naman ni Dennise mag vibrate ang phone niya kaya agad niya itong kinuha mula sa lamesa.

Hm? Si Bea?

It was a message from Bea. Nagaaya ito sa isang bar kung saan usually nagpeperform ng spoken word poetry and she got free passes!

Bea knows how much her senior loves spoken word poetries and luckily they were both on the same page! Tawagin niyo na siyang bookworm or whatsoever pero walang makakapaghiwalay sa kanila ng first love niya, which is poetry!

Dennise gave Bea a quick reply before going back to reading one of her favorite classics.

"Ella, want to tag along with us tomorrow night? May event near maginhawa" alok ni Dennise dito. Medyo nahimasmasan na siya from her performance a while ago.

"Is it one of those poetry events na puro hugot? Hay nako, kaya hindi nawawala yung bitterness niyo ni Bea eh!"

"May food an-"

Beyond My ReachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon