Chapter 2: So Close Yet Never Enough

736 33 0
                                    

"Alyssa by the way" pakilala nito.

"De-"

Akmang aabutin na sana ni Dennise yung kamay niya nang bigla siyang hilain ng isang mabilog na elemento.

"Besh! Nandito ka lang pala!" Panggugulat ni Ella sa kanya habang hila hila pa rin ang braso niya.

Ella naman! Kung kelan hinahanap, hindi nagpapakita. Ngayon na hindi na hinahanap, bigla nalang sumusulpot na parang kabute!

"Hoy, san ka ba galing ha?! Kanina pa kita hinahanap! You didn't even try picking up your phone!" Sigaw ni Den sa kanya.

Sa kanilang magkakaibigan, si Ella ang madaling mawala at mahirap hanapin. Isang beses nga noong namamasyal sila sa mall at nang malingat sila ni Jia ay biglang nalang nawala si Ella sa paningin nila. Paulit ulit nila siyang tinawagan pero hindi naman ito sumasagot. Nalaman na lang nila ni Jia na tumambay na pala ito sa isang doughnut shop dahil bigla daw itong nagutom sa kakalakad.

Tinaasan siya ni Den ng kilay at tiningnan ng masama. Akala mo makakalusot ka ha?!

"Mom- ay este Den, bumili lang ako ng melona ice cream diyan sa malapit na convenience store. Naka silent mode din ata yung phone ko kaya di ko siguro narinig. By the way..." tumikhim muna ito bago magpatuloy.

"SINO YUNG HOTTIE NA KAUSAP MO KANINA?!" pabulong na sigaw nito.

"Huh? Hottie? Oh shit! I almost forgot!" Windang na saad ni Den.

Oo nga pala! Si Alyssa!

"I was about to introduce myself but then... but then bigla ka na lang sumulpot! Argh! Baka isipin nung tao na bastos o snob ako!" Dagdag nito.

Iyan pa naman ang pinaka ayaw niya sa lahat, ang isipan ng masama ng mga tao. Pakiramdam ni Dennise ay may bagyo sa kanyang dibdib tuwing may nanghuhusga sa kanya.

Nagmamadali siyang bumalik sa pwesto kung saan niya huling nakita si Alyssa... unfortunately wala na siya doon.

Sayang, hindi pa nga ako nakapag pasalamat ng maayos dun sa tao eh

Napabuntong hininga na lang siya at nakayukong bumalik sa pwesto nila ni Ella. Nakangiti pa ito habang hinhintay ako bumalik ngunit napawi din nang makita si Dennise na nakabusangot.

"Oh? Ano nangyari? Nasaan na si hottie?" Nagtaakang tanong sa kanya ni Ella.

"Ayun yung hottie mo, naging hot air balloon at tinangay na sa ere. Di ko na nakita" napabuntong hininga muli si Den.

"Sign na yan, mag madre ka na lang kasi! Joke! Pero teka nga, mukhang nasobrahan ka na diyan sa poetry na yan, pati way ng pagsasalita mo nagiging patula na din!" Pangaasar ni Ella. Agad niya naman binatukan sa ulo  ito.

"Anong madre ka diyan?! Nagsalita ang hindi single!" Ganti niya naman sa kanya at sinundan ito ng pag irap.

"FYI Lazaro, hindi ako single-"

"Kasi double ka?" Pagputol niya dito.

"Che! Im currently in a relationship, baby pa nga tawagan namin eh!" Proud na sabi niya bago muling uminom ng palamig.

Beyond My ReachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon