Chapter 3: Bittersweet

704 28 0
                                    



"Patawarin mo ako sa hindi ko pagbitiw at patatawarin kita, sa hindi mo pagkapit.

Patawarin mo ako sa hindi ko paglayo at patatawarin kita, sa hindi mo paglapit.

Patawarin mo ako sa hindi ko pagsuko, at patatawarin kita, sa hindi mo pagsugal.

At patawarin mo ako sa hindi ko pagkamuhi sa 'yo, at patatawarin kita, sa hindi mo sa akin pagmamahal, mahal."

Bea was savoring each line when suddenly her phone vibrated. It was a message from her ate Dennise.

"I guess I'll be alone again, huh?" Bea sighed as she placed her phone on the table.

She was about to return her attention back to the performance nang biglang may nahagip ang mga mata niya. Akala niya ay namamalikmata lang siya but when she tried to look closer, sigurado na siya na si Jho nga ang nakita niya.

What on earth are you doing here, Jho?

I know Jho very well and im sure na she's not into this type of event. Mas prefer niya mag karaoke with Ate Ella kesa tumambay sa tahimik na lugar.

She got up from her seat at nagmamadaling nilapitan si Jho. Habang pinipilit niyang makipagsisikan sa mga tao dito sa bar ay naririnig niya pa rin ang mga binibitiwang linya ni Severo.

"Magsisimula ako uli sa umpisa...

Magsisimula ako uli...

Magsisimula ako..."

Every single line pricked her fragile heart as she made her way towards the girl of girl dreams. Para bang pinapatamaan siya ng bawat linya ng tula.

Magsisimula ba ako muli sa umpisa kung saan lahat ay ayos pa?

Magsisimula ba ako muli sa umpisa kung saan hindi pa ako umaasa?

When she realized na she was only few steps away from her, She decided to call her attention.

"Jh-"

But a guy interrupted.

"Jho!" It was Marci. She saw how Jho beamed when she saw the guy and at that moment alam niya na kung saan siya dapat lumugar.

The presence of Jho's suitor constantly reminded Bea na hanggang kaibigan lang talaga sila ni Jho at hindi na pwede pang ipilit ang kung ano mang tumatakbo sa puso't isip niya.

Noong una ay buong akala ni Bea na ngseselos lang siya dahil pakiramdam niya ay nauubusan na ng panahon si Jho sa kanya but she realized na hindi lang pala ito tungkol sa kawalan ng oras sa pagkakaibigan nila kundi tungkol pa sa isang bagay na hihigit pa rito.

Bea tried countless of times na iwasan at kalimutan lahat ng kahibangan niya but she was way too late. Cliche it may seem, but she already fell in love at ang masaklap ay sa kaibigan pa niya.

"Ang kupal mo naman kasi Bea" tumalikod na lang ito at nagkamot ng batok.

Sa halip na bumalik siya sa pwesto niya kanina ay mas pinili niya na lang lumabas ng bar upang magpalamig.

Beyond My ReachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon