Creepy Neighbor

854 64 18
                                    

"ALING Lucia, may sapi ba itong nirerentahan kong unit?" Tanong ni Rigz sa may-ari ng apartment na kanyang inuupahan.

"Kanino mo naman nalaman ang chismis na 'yan?" Balik tanong ni Aling Lucia kay Rigz habang abala sa pagwawalis.

"Natanong ko lang po dahil tuwing gabi kasi palagi akong nakaririnig ng iyak ng babae. Nakakikilabot. Hindi rin ako makatulog nang maayos dahil palagi kong naririnig yon. Napabendisyunan po ba ninyo ang apartment na ito?"

"Aba'y oo naman, hijo. Pinabendisyunan ko 'yan. Saka imposible rin 'yang sinasabi mo na may sapi ang unit mo."

Kung walang multo, eh, kaninong iyak ang gabi-gabi niyang naririnig? Saka, bakit ganoon iyon umiyak? Nakakikilabot!

"Eh, kung gano'n, sino po ang naririnig kong umiiyak tuwing gabi?" Takang tanong ni Rigz.

"Baka si Concha ang naririnig mong umiiyak gabi-gabi." Ani Aling Lucia na tila ba sanay nang banggitin ang pangalan na iyon sa tuwing may magtatanong.

"Concha?" Ngayon lang narinig Rigz ang pangalan na iyon.

"Oo si Concha. Siya iyong babaeng nakatira na katabi lang ng unit mo."

"May kapitbahay ako?" Hindi halata. Sa loob ng isang linggong paninirahan ni Rigz sa kanyang unit ay ni minsan hindi pa niya nakitang bumukas o sumara ang pinto ng katabi niyang unit.

"Hindi multo si Concha kung 'yan ang iniisip mo, hijo." Natatawang komento ni Aling Lucia.

"Hindi ko naman po nakikitang may lumalabas-masok sa katabi kong unit."

"Hindi talaga lumalabas ng unit na 'yon si Concha. Ganoon talaga 'yon kapag brokenhearted. Kaya baka siya ang naririnig mong umiiyak gabi-gabi. Daig pa ng batang 'yon ang namatayan."

Napakamot na lang sa pisngi si Rigz. Seriously? Mambubulahaw lang ang babaeng iyon tuwing gabi nang dahil sawi ito sa love life? Aba! Hindi iyon makatarungan! Isang linggo na siyang hindi nakatutulog nang maayos. At nang dahil lang sa pesteng brokenhearted na babaeng iyon ay mang-iistorbo ito ng mga taong gusto nang matulog nang matiwasay?


IKATLO impunto ng madaling araw ay hindi pa rin makatulog si Rigz. Paano, eh, naririnig na naman niya ang nakakikilabot na iyak ng babaeng iyon!

"Pambihira! Ayan na naman ang iyak na 'yan!"

Armado ng kaba at takot, bumaba si Rigz sa higaan saka lumabas. Tinungo niya ang pinto ng katabing unit kung saan nagmumula ang nakakikilabot na iyak na iyon saka niya sinimulang katukin.

"Hey! Open this door!" Malakas na katok ni Rigz sa pinto. "Alam mo bang nakabubulahaw ka na sa mga kapitbahay mo?!"

Noong una, walang anumang naramdaman si Rigz na kakaiba sa pinto. Ngunit unti-unti na rin niyang naririnig ang papalapit na yabag ng mga paang nagmumula sa loob. Sinundan pa iyon ng langitngit ng pinto hanggang sa dahan-dahan iyong bumukas at nagkaroon ng maliit na awang. Isang liwanag mula sa isang kandila galing sa loob ang nakita ni Rigz.

Hindi tuloy napigilan ni Rigz ang mapahiyaw at mabuwal sa kanyang kinatatayuan dahil sa takot. Pero hindi naman kagaya sa mga white lady na kanyang napapanood sa TV. Marahil dala lang ng gulat kaya natakot si Rigz sa biglang pagsulpot ng babae sa kanyang harap.

Magulo lang ang buhok nito na para bang ilang araw nang hindi nasasayaran ng suklay na tumataklob sa buong mukha nito. Idagdag pa ang mga mata nitong mugto na sa pag-iyak. Kung kanina, kinakabahan si Rigz sa takot ng kakaibang pag-iyak nito, ngayon ay kinakabahan siya sa kakaibang tibok ng kanyang puso para sa babaeng ito. Shet! Mukhang nakulam yata ng babae ang kanyang puso!

Creepy NeighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon