Glaiza's Random Thoughts

5K 164 93
                                    

Halos alas-dos nanaman pala. Inumaga nanaman ako sa pag-iisip. Marami talagang araw na ganito na kapag hindi ako nakatulog agad, sigurado nonstop na sa pagtakbo ang utak ko. Paulit-ulit lang naman; trabaho, pamilya at ikaw.

Sabi nila choosy ako at mataas ang standards kaya siguro mahigit limang taon din akong single. Marami rin namang nanligaw at nagpaligaw naman ako pero ewan ko ba, hindi ko talaga maramdaman yung sparks. Wala akong connection sa kanila. Karamihan sa kanila wala akong maipintas. Mabait, talentado, matyaga, gusto ng pamilya ko.. Pero kahit anong pilit ng utak ko sa puso kong nakalimutan na yatang makaramdam, wala talaga. Hindi ko talaga maramdaman.

Hanggang sa nakita ulit kita.

Trip yata talaga ako ni tadhana kasi matagal na kong may crush sa’yo. Oo, gusto kita dati pa. Alam kong kapag nabasa mo ‘to eh ngingiti ka ng nakakaloko at magiging conceited pero hindi ko na idi-deny na matagal na kitang gusto. Stairway To Heaven days pa lang, gandang-ganda na ko sa’yo. Sanay naman akong makakita ng maganda pero iba ka sa lahat. You are a paradox.  Extrovert ka pero mysterious at the same time. Sarcastic pero never rude. Sweet pero hindi nakakaumay. Selosa pero nakakakilig. Ang depinisyon ng mga bagay na gusto ko eh nag-iba simula nung nakilala kita. Narealize ko ikaw ang lahat ng gusto ko at gugustuhin ko sa isang tao.

Rhian.

Kung gaano kadaling sabihin ang pangalan mo, ganon ka kahirap kalimutan.

Mahigit limang taon akong single pero tatlong linggo pa lang tayong nagte-taping para sa TRMD pakiramdam ko eh mahal na yata kita. Hulog na hulog ako sa’yo. Napaka-sincere mo naman kasi. Yung mga hirit mo na kahit ilang daang beses ko na yatang narinig sa iba eh siguradong kikiligin ako kapag galing sa’yo. Yung pagdadala mo sakin ng kung anu-ano, pagsigurado mo na ayos ako, pag-check mo sakin lagi, pagpapasensya.. Lahat Rhi.. Lahat. Wala kang ginawa na hindi ko ikinahulog lalo sa’yo.  Nabulag na ko sa mga ngiti mo, sa tunog ng tawa mo, sa init mo.. Tinitingnan mo pa nga lang ako gusto ko ng maghubad. Ganon katindi Rhian. Wala na kong ibang nakikita. Wala na kong ibang nararamdaman. Pero natakot ako. Masyado kasing intense ang nararamdaman ko sa’yo. Natakot din ako sa pamilya ko, sa sasabihin ng ibang tao.. Natakot akong mawala lahat ng pinaghirapan ko. Sabi mo iiwan mo si Jason pero pinigilan kita. Hindi ko kasi alam kung maibibigay ko lahat ng deserve mo. Ang hirap naman kasi ng ka-kompetensya ko. Mahal na mahal ka niya. Di hamak na mas magiging maayos ang buhay mo sa kanya. Siya yung better choice. Easier choice. Nasaktan ka. Umiyak. Nag-walk out. Pero wala pa yatang isang oras eh tinatawagan mo na ako ulit, nagmamakaawa. Nakikiusap na bumalik. Nagmamakaawa na wag kong itapon ang lahat.. Bakit ka ganyan Rhian? Dapat nagagalit ka sakin. Kilala kita, ma-pride ka. Never kang naghabol. Pero heto ka, nakikipag-bargain. Sinasabi mo sakin na ayos lang kung itago kita, kung di ako mag-out. Hindi ka magiging demanding. Hindi ka maghahanap ng higit sa maibibigay ko sa’yo basta wag lang kitang iiwan.. Pero iniwan pa rin kita. And that stupid decision of mine broke both of our hearts last year.

Buti na lang matigas talaga ang ulo mo because you never gave up on me. Dahil kung hindi, hindi na siguro tayo ngayon.

Mahigit isang taon na rin Rhi nung sumugal tayo dito. Nung nag-desisyon tayo na, “Sige. Let’s make this official. I want you in my future.” Isang taon na tayong nagtatago, nagpo-post ng cryptic messages sa Twitter and Instagram (na lagi namang nade-decode ng mga Rebels). Mahigit isang taon na and aaminin ko, mahirap. But I’d rather have this than mawala ka. Naalala ko nung nagtampo ako sa’yo around late May and early June of this year. Ang tagal-tagal naman kasi ng Europe trip niyo ni Jason. Pagbalik niyo dito, may Boracay pa. Kahit never ka naman nagkulang ng pagpapaalala at pagpaparamdam sakin na ako ang mahal mo at hindi siya, ang sakit sakit pa rin. Pakiramdam ko mababaliw ako kakaisip na magkasama kayo at kayo lang dalawa ang nandun sa malayong lugar. Dapat ako yun eh. Kahit mas malaki at mas malakas siya sa akin, walang pagdadalawang-isip kong bubuhatin lahat ng maleta mo kapag magtra-travel tayo. Ako ang maglalaba kapag naubusan na tayo ng damit. Ako ang mag-aayos ng kama sa umaga. May bonus ka pang foot massage Rhi pag-uwi natin sa hotel pagkatapos ng maghapong pamamasyal. Pero siya ang kasama mo at hindi ako. Ang sakit sakit lang. Kaya naman pagbalik mo todo iwas ako at di ko sinasagot ang mga tawag mo. Akala ko matitiis kita until I saw that picture na tagged ka while nasa airport at papuntang Cebu. Namumugto ang mga mata mo. Nung makita kitang ganon, pakiramdam ko piniga ng mahigit sampung doble ang puso ko. Hindi ko kaya. Just the thought of you crying, hindi ko kaya.. Kaya that night, napa-post tuloy ako ng Sorry ni Justin Bieber. Kasi nga ‘can we both say the words and forget this?’ We made up and forgave each other that night. At simula nun, I know hindi ko na kayang mapalayo sa’yo.

And now 5 months after that incident, here we are. Still together. Napapagod pa rin minsan pero kahit kailan hindi ko naisip makipaghiwalay sa’yo. You are still perfect in my eyes. Wala kang ipinagbago. Ikaw pa rin ang pinaka-malambing at pinaka-mapagmahal na taong nakilala ko.  Siguro nga kaya rin kita minahal ng ganito kasi you also love me in the same intensity if not more. Grabe pa rin ang pasensya mo sakin kahit lagi akong tinotopak. Walang kaso sa’yo magbalikan from Davao to Manila makasama lang ako ng ilang oras. Clingy ka pa rin; laging nakayakap at nagnanakaw ng halik. Hindi nag-iimprove ang pagluluto mo pero naneu-netralize na yata ang dila ko kaya okay lang. Haha. Selosa ka pa rin at nagiging Hitler kapag nagagalit pero hindi ako magsasawang suyuin ka. I’m not as expressive as you are, pero ngayon sasabihin ko sa’yo na thank you at mahal na mahal mo ako. If you didn’t shower me with this kind of love, I wouldn’t be as happy as I am right now. Hindi rin siguro ako magiging ganito katapang. I see you in my future, Rhi. Actually, I see no one else but you. Times like this, ang iniiisip ko eh kung gaano ka kaganda kapag nakasuot ng wedding dress at kung ilang galong happy tears kaya ang iiiyak ko habang hinihintay ka sa altar. Ilang beses kayang mamumula ang mukha ko sa mga stolen and lingering kisses mo (na gusto ko rin naman) during the reception? May masisira kaya tayong gamit sa hotel room during the honeymoon? Ano kaya ang itsura natin habang naggro-grocery (at magkano kaya aabutin ang bill natin)? Lahat ng thoughts and aspirations ko sa buhay no matter how small and big they are always includes you.  You are my today and my future, Rhi. After Encantadia, mag-out na tayo? May mga tututol, pero sigurado naman akong meron ding susuporta. Ready na ko. I can’t wait na hawakan ang kamay mo no matter where we are. No more hiding. Gusto kong kiligin ng hindi nagpipigil kapag tinititigan mo ko. Gusto kong maging free tayong sumama sa events ng isa’t isa, kahit barkada dinner man yan, gig, race, or trabaho. Gusto kitang samahan sa salon kapag trip mong magpakulay ng buhok or sa Posh Nails kagaya nung nagsisimula pa lang ang TRMD. Gusto kitang isama sa band rehearsals ko and gigs, at titigan ka habang kumakanta. I want to be where you are because there is no place I would rather be. All of these and more, Rhi. All of these and so much more. For you.


———————————————————————————

So yeah. Hi everyone. This is my first time ever writing in Wattpad. I’ve always been a silent reader pero so much longing for RaStro is taking its toll on me, so here. I decided to write something. Pangarap ko lang na sabihin ‘to ni G kay R though as you all already know, this is hopia but for me it’s still better than nothing. At least dito happy sila and very much together. Hehe. I may or may not write again so while I can, I just want to tell you guys na sobrang bilib ako sa inyo RaStro Rebels. You guys are so resilient. Lahat na yata ng klase ng hopia eh natikman ng fandom na ‘to but you guys are still here. Let’s all be thankful for the connections made. Thank you sa inyong lahat. :)

Next Year Where stories live. Discover now