“MK, palagay na tayo ng built in induction cooktop sa kitchen?’ tanong ni Glaiza habang busy sa pagre-research.“Sige Love,” sagot ni Rhian nang hindi tumitingin.
“Sabay na natin yung built in oven?” si Glaiza ulit.
“Okay.”
“MK, tingnan mo dito kung alin ang mas gusto mong design. Kapag pinalagay natin ‘to ire-renovate yung kitchen.”
Walang sagot.
“Rhian”
“Hmmm?” sagot lang ni Rhi habang busy sa cellphone.
“Hay nakakainis ka naman MK, kanina pa ko salita ng sa salita dito parang wala akong kausap.”
“Ang hot ni Marc Nelson noh?” biglang sabi ni Rhian.
“Ano?” iritableng sabi ni Glaiza at pinakita naman ni Rhian ang cellphone niya.
“Ayon, nag-i-stalk ka lang naman pala kay Marc Nelson sa IG kaya hindi mo ko pinapansin.”
“Stalk? Nakita ko lang pic niya while browsing Love, tapos chineck ko lang profile niya kasi narealize ko tagal na pala naming hindi nagkikita.”
“So gusto mo siyang makita?”
“Wala akong sinasabing ganyan Love – “
“Anong wala eh kakasabi mo lang. Teka, dinate mo yan dati diba?” sabi ni Glaiza. Lalo nang nag-iinit ang ulo niya.
“Hala Love, tsismis yan. Ikaw ha, updated ka sa mga tsismis sakin dati. Gym buddies lang kami before, hindi kami nag-date.” sagot ni Rhian habang nagpipigil ng ngiti. Mahirap na, baka mabugahan siya ng apoy. Haha.
“Hindi kayo nag-date pero curious na curious ka sa kanya” .
“Love, magkaibigan kami. It’s normal na ma-curious ka sa whereabouts ng kaibigan mo.”
“So okay lang ma-curious ako kay Trixie?” sagot ni Glaiza. Ayon naman pala eh, pwedeng ma-curious.
“What?! Hell no!”
“Eh kakasabi mo lang –“
Pinutol na siya agad ni Rhian. “Trixie is not your friend. Ikaw siguro friend ka niya pero siya, iba ang intentions niya sa’yo. Tsaka si Marc, matagal kong hindi nakita. Si Trixie, kulang na tumira sa bahay niyo.”
Napabuntong-hininga na lang si Glaiza.
“Alis na lang muna ko Rhi, punta muna kong RK.”
“What? Diba may dinner tayo nila Rocco?” gulat na sabi ni Rhian.
“Pass muna siguro ako Rhi. Papalipas lang.”
“Glaiz –“
“Rhian, kanina kinakausap kita. Salita ako ng salita. Tinatanong kita about sa renovation ng kitchen natin pero mukhang may mas importante sa’yo. Ngayon binibigyan kita ng time na gawin ang gusto mong gawin, ayaw mo naman akong paalisin. Ano ba talaga?”
Patay. Napikon na nga ng tuluyan si Glaiza.
“Okay Love. So.. Let’s just meet here later tonight then?” Rhian had no choice but to agree.
“Hindi ko pa alam. Bahala na,”
“I’ll wait for you here. Sa Flame, sa Discovery Primea lang kami nila Rocco, you know where to find me.”
Glaiza only nodded and left.
Rhian’s POV
It’s been more than 5 freaking hours and I am not getting any response from my girlfriend. I am out with some friends, talking about life in general but my mind has drifted somewhere far where my heart is. Kay Glaiza.