Glaiza's
Merry Christmas, Mahal Ko. Kahit malayo ka man, may kasamang iba o hindi ako naaalala, ikaw pa rin ang unang-una kong gustong batiin - kahit sa isip ko lang. Ilang pasko pa kaya ang darating na wala akong ibang hihilingin bukod sa'yo? Yung makita ka sa umaga paggising ko, lalo na kapag Christmas morning. Mag-aalmusal tayo ng sabay tapos pupunta tayo sa mga pamilya natin. Yung lunch, sa family ko muna. Mas marami kasing bata dun. Magdadala tayo ng mga regalo, at makikipagkulitan sa kanila. Hihilahin ka ng mga Ate ko at ni Nanay para makipagkwentuhan, medyo mahihiya ka ng konti. Sa kabilang sulok, andun kami ni Alchris at ni Tatay pero syempre nakatitig lang ako sa'yo kasi baka kung anu-ano ang ikwento nila at bigla kang mauntog at ma-realize na hindi pala ako kasing lalim ng inaakala mo. Siguro ako as a person, pwedeng hindi ganon kalalim. Pero yung pagmamahal ko sa'yo, hindi mo makwe-kwestyon. Ipupusta ko lahat, pati paborito kong gitara, mapatunayan lang sa'yo kung gaano kita kamahal. Kasi kung hindi ganon kalalim, eh di sana hindi rin ganito kasakit.
Sa dinner, sa family niyo naman tayo. Ako naman ang medyo awkward, puro sosyal kasi ang mga kamag-anak mo. Kahit naka-t shirt and shorts lang sila, parang mga hindi marunong magtagalog. Sasalubungin tayo ni Tita Clara, papagalitan ako dahil hanggang ngayon Tita pa rin tawag ko sa kanya. Ngingiti lang ako ng awkward. Kinakabahan pa rin ako eh. Papagalitan ka dahil bihira lang tayo dumalaw. Ikaw naman kasi Lab, gusto mo laging tayong dalawa lang. Deadma ka lang naman sa tampo ng mommy mo dahil alam mo na kayang-kaya mo siyang amuhin. Parang ako. Isang ngiti mo lang, isang yakap, isang halik.. Kahit isang milyong kasalanan yata ang nagawa mo mapapatawad ko. Magpapamigay din tayo syempre ng gift. Mapapansin mo na medyo naiilang ako kaya lalo mong hihigpitan ang hawak sa kamay ko. Lalo kang magiging affectionate. Hindi ka nahihiyang humawak, humalik or umakbay. Isa yan sa mga pinaka-nagustuhan ko sa'yo. As a partner, never mo pinaramdam sakin na mag-isa ako. Matatakot pa lang ako, nasa likod na kita agad. Nagchi-cheer. Pinaparamdam sakin na never ako magiging mag-isa sa mundong 'to. Habang lumalalim ang gabi, magiging at ease na rin ako. Nakainom na rin ang mga tao sa bahay niyo, salamat sa pag-sponsor ni Nadine ng Pedro. Okay naman pala yung mga relatives mo. Hindi na ko mahihiya, makikikanta na ko sa videoke. Kasi diba ultimate test ng relationship yun. Hindi ka pa part ng family hangga't hindi ka kumakanta sa videoke sa harap ng mga kamag-anak ng partner mo. Hehe. So kakantahan kita. Syempre gagalingan ko dahil nakakahiya naman sa mga kamag-anak mo tsaka syempre para may reward ako sa'yo. Haha. Tutuksuhin ako ng mga pinsan mo at yung isa sasabihin sakin na, "Glaiza, ang galing mo pala kumanta.." At syempre ikaw, bilang possessive as you are at medyo nakainom na rin, you would possessively wrap your arms around me and say, "For the record, she's mine." Lalo tayong tutuksuhin at hindi mo na aalisin ang kamay mo sakin buong gabi. At sa moment na yun, alam ko wala na kong hihilingin pa.
Bukod sa sana, maging reality ang lahat.
Quota na rin ako sa hopia at sa pag-asa sa'yo. Simula TRMD hanggang ngayon, halos dalawang taon na.. Andito pa rin ako. Nagsisisi sa mga salitang hindi ko nasabi, sa mga pangakong hindi ko natupad. It was never a question of love. Hindi pa kasi ako ready nun. Natakot ako na baka hindi ko kayanin, na baka hindi ko naman magawang ibigay what you truly deserve. Natakot ako to be never enough for you. Natakot na baka someday pagsisihan mo na ako ang pinili mo, kung bakit ni-let go mo pa si Jason. Natakot ako na baka iwanan mo ko kung kailan hindi ko na kayang mawala ka. But I guess I'm wrong. Dahil hindi natin kailangang magkasama ng matagal at bumuo ng mga pangarap para hindi ko kayaning mawala ka.
Life without you is empty. And I am sorry every day na I did not choose you while I can. Rhi, sana binalikan kita nung pwede pa. Nung mahal mo pa ko. Kasi ngayon, hindi ko na alam. Mailap na yung mga mata mo nung huli tayong nagkita. Hindi mo na ko tinititigan. Sinubukan kitang bawiin, kumbinsihin na bumalik sakin ulit. Pero siguro nga hindi ganon kadaling magtiwala ulit, na iwan ang taong walang ibang ginawa kundi mahalin ka. Mahirap ipagpalit yung certainty na kaya niyang ibigay sa'yo. Pero Rhi, ngayon lang ako magiging selfish sa buong buhay ko. Please choose me. Love me. I may not be the easier choice, but we have always been meant to be. Alam mo yan. Wag mo naman sanang tuluyang kalimutan Rhi how great our love was. Diba sabi natin, forever and always? Alam ko nagkulang ako. Naging duwag. Pero Rhi, eto na. Ready na ko. Alam na ng pamilya ko and kahit sino pa ang umayaw hinding-hindi na ko ulit bibitaw sa'yo. I will say sorry to you every day, for the rest of our lives hanggang mawala lahat ng pain na naidulot ko sa'yo just please, wag mo kong sukuan. Wag mong bitawan yung tayo.. Please, Rhian.
The other day, napakingggan ko yung guesting mo sa isang radio station while you were promoting Saving Sally. Sabi mo there's this someone na nagkagusto sa'yo pero hindi itinuloy dahil may boyfriend ka, pero confident ka na babalik pa rin siya sa'yo. You never mentioned a name pero feeling ko ako yun. Siguro dahil guilty ako. I'm still not over you Rhi and maybe I'll never be. And I don't know which is sadder: the fact that I may have lost you forever or me knowing that I will never love anyone the way I love you. You are my greatest love at tinanggap ko na sa sarili ko na I will always be in love with you. But I need to save myself too. You took my heart with you Rhian and I will never be as happy with anyone as I am with you. But loving you is killing me. I need to live at siguro lolokohin ko ang sarili ko kung kinakailangan. Please know that I will always dream about your smile and laughter. Na kapag malungkot ako ikaw pa rin ang happy thought ko. You broke my heart Rhi pero hindi ko makalimutan how you felt like Christmas morning. Kasi diba kapag Christmas morning everyone is happy, positive and warm. Please be happy Rhi. Kahit isa man lang satin maging masaya.
Kantahan kita. Hindi ko masasabing last na, pero isa sa mga huli siguro..
"At kahit pa magkaanak kayo't magkatuluyan balang-araw, hahanap-hanapin ka.. Hahanap-hanapin ka.."
Hanggang sa muli, Mahal Ko. Sana by then kung hindi pa magaling ang puso ko, pwede na tayo.