Mahal Kita
Mahal kita, puso ko sayo lang ilalaan
Mga salitang masarap pakinggan
Pero napakahirap ng paniwalaan
Dahil sa dami mong kasinungalinganMahal kita, pero handa kitang pakawalan
Ramdam kong hindi na pinapahalagahan
Dahil atensyon mo sa iba na nakalaan
Hindi mo naisip sakit na mararamdamanMahal kita, pero tama na ang lokohan
Relasyon ay wala ng patutunguhan
Puro nalang tayo away at sumbatan
Simpleng bagay laging pinagtatalunanMahal kita, ngunit hindi ko na kaya
Kaya nanaisin ko na lang na magparaya
Handa ng tapusin ang pagpapakatanga
Mas masakit kung patatagalin paMahal kita, pero hindi na ako masaya
Sa piling mo gugustuhin ko ng lumaya
Pipilin ng masaktan ng pansamantala
Kaysa ang muli na namang magtiwalaMahal kita, ngunit ako ay bibitaw na
Masakit dahil sa tagal ng pagsasama
Sa hiwalayan din pala tayo mapupunta
Binigyan mo ng rason upang sukuan ka…..

YOU ARE READING
Poem From The Heart
PoesiaJust an emotional outlet....One way of expressing my emotion is to make something out of anything....Whenever words pop up on my mind I just cant stop not to make something out of it....iAmAspire