1

1 0 0
                                    

"Otso yan,gago."
Bulong sakin ng katabi ko habang may tinitingnan kami sa di kalayuan .

Di ko mapigilan ang mapangisi.
Shet..ganda!

"Gago ka rin. Nueve yan." sabay kgat labi.
Sinundan pa namin ng tingin ang babaeng yun.

Inakbayan naman ako ng kasama ko at nakangisi.
"Oh? Nabakla ka na naman sakin." kunot noo kong sabi sa kanya.
Shet. GWAPO ko talaga.

"Gago. " ismid nya. " Nakangiti ka na kasi ulit. Nakamove on ka na?"

Hahambalusin ko sana sya pagmumura sakin pero nahinto yun dahil sa sunod nyang sinabi

Nakalimutan ko na sana.

Para naman akong nanghihinang napagbuntong hininga.
Tang ina.
Bumalik na naman sya sa isipan ko.

Pero mas tang ina nitong katabi ko.

"Oo sana. Inamo. Pinaalala mo pa." sabay irap sa kanya.

Napatawa na lamang sya at mas hinigit pa ako kaya napasandal nalang ako sa dibdib nyang di naman katigasan.

Ginulo muna nya ang buhok ko bago nagsalita.

"Maging straight ka na kasi,tol!Sayang lahi oh." nakangisi syang turan. Pinisil pisil nya pa ang pisngi ko.

Kanina buhok,ngayon pisngi.
Tsk

"Para ano? Para masolo mo na ang nag gagandahang chikababes dito sa school?Wag na uy!" singhal ko sa kanya.
Sawa na ata tong may kaagaw.
Gwapo ko kase..

"ASA ka naman. Ako lang naman talaga ang pinagnanasaan dito sa school. Gago to."

Parang walang pake nalang akong tumango. Pagbigyan..baka mas lalong lumaki ang ilong eh.

"Pero seryoso tol. Magpakababae ka na. Tingnan mo..kahit anong panliligaw mo, inaayawan ka. Maliban kasi sa babae ka, sikat ka pang idol. Sino bang hindi masashock na babae pag nalamang si Yeri ng Red Velvet nanliligaw sa kanya?"mahaba nitong litanya.

Tinitigan ko sya.

"Ha! Mas mashock sila pag may nanligaw sa kanilang ilong. Inamo. Bitaw!" sabay hawi ng kamay nya.

At oo..tama kayo ng basa.

Ako si Kim Yeri ng Red Velvet. Maknae ng isang sikat na sikat na kpop idol. At oo. Tama ulit kayo ng hinala.

Tomboy ako.
At ayaw kong tinatawag akong maganda.
Dahil hindi ako maganda
FOOGEE ako.
Hehe

At alam kong kilala nyo na kung sino ang kasama ko.
Ilong palang,pamatay na.

Jeon Jungkook. Maknae ng BTS na tulad nami'y sikat din maging sa ibang bansa.

Kami lang na dalawa ang may alam ng totoong pagkatao ko.
Nahihiya kasi akong sabihin kila unnie at baka mailang sila sakin.

Tumayo nalang ako at kinuha ang bag ko at aalis na sana ng magsalita si Jungkook.

"Oh? Saan ka na pupunta? Di pa naman time ah?" Tanong nya.

"Uuwi muna akong dorm at magrerefill ng pasensya.Baka mapatay kita pag di ako nakapagpigil eh."

Tumawa lang sya. "Ge. Alis na. Kita nalang tayo mamaya sa music bank. Special MC ako mamaya. Nood ka baka maging babae ka pag nakita mo kung gaano ako kapogi mamaya."
Mayabang nitong turan.

Umakto naman akong nasusuka.
Lanyang joke yan.

"Ako?magkakagusto sayo? Asa po."

Ngumisi lang sya sakin at pinagcross ang braso.
"Wala naman akong sinabing magkakagusto ka sakin. Sayo nagmula yan. AYIIEEEHHH!Si tol,may HD sakin." Pang aasar nya pa sakin.

My Rival In LoveWhere stories live. Discover now