4

10 0 0
                                    


"Heechul oppaaaaaaa!!!" Patakbo akong lumapit kay oppa at niyakap ito.

"Yeriiii pangit!"bati nya pabalik sakin. Ginulo nya pa ang buhok ko saka ako humiwalay sa pagkakayakap sa kanya.

Namiss ko tong si Oppa. Tagal na rin ng huli kaming nagkasama. Nabusy kasi kami sa comeback at sya naman ay di nawawalan ng project.

Ngayon nga'y guest ang grupo ko sa isang tv show nya. Yung Knowing Brothers.

"Kamusta na ang pinakapoging maknae ng SM ha?" Sabi nya sakin habang hawak ang magkabilang balikat ko.

Kumindat naman ako sabay pogi pose sa harapan nya para matawa sya.

Bukod kasi kay Jungkook, si Heechul oppa rin ang nasabihan ko ng totoo kong pagkatao.

"Poging pogi pa rin pooooo"

"Ulol mo. Umayos ka ngang bulilit ka." Mura nya sakin. But unlike Jungkook, di nya tanggap. Huhu

Gustong gusto nyang maging ganap na babae ako. Masyado daw akong maganda para maging lesbian.

"Maayos ako oppa." Kindat ulit.

Napaismid naman sya sakin. "Pero teka, musta na pala kayo nung Jungkook?Kayo na ba?"

Nawala ang ngiti ko sa labi nang marinig ko yun.

Kami?Ni Jungkook?OwKamOn!

"Ewwww. Mandiri ka nga sa mga sinasabi mo oppa." Umakto pa akong nasusuka.
I also felt my cheeks heating. Nagpapalpitate din ang heart ko.

Luh!anyare sakin?

"Suuuuussss!Bakit ka namumula?Dalaga ka na talaga. Nagkakacrush na!" Asar nya pa sakin.

Sarap bunutin ng gilagid ng isang to.

"Andwaeeee!Wala akong crush sa kanya at di kami TALO!" Saka ko sya sinuntok suntok sa dibdib. Tawa lang sya ng tawa.

"Uy, kayong dalawa. Tama na harutan. Mag uumpisa na daw ang show. "Saway samin ni Wendy unnie. "And YERI!Ayusin mo nga yang palda mo!AIGOOO this kid really." Saka umalis habang hawak ang noo. Akala mo dala lahat ng problema sa mundo kung umakto.

Napatingin naman ako sa suot kong palda at oo nga.
Nakalagpas na pala ang suot kong short. Hehe.

Nakita ko ang pagngiwi ni Heechul oppa.

Hahaha

------------------------------------

To : YeriBaby ko

Yeri, tol. Daan ka sa dorm bago umuwi ha?Nagluto si Hyung. Isama mo daw yung mga kagrupo mo. Bye. Labyu.😘😘😘

From : YeriBaby ko

Ok. Copy

🖓

Di ko alam kung maiiyak ako o matutuwa kasi nireply nya ako. Haha

Tangna.

"Oh ano, Jungkook?Dadaan daw sila dito?" Excited na tanong ni V hyung habang may hawak na egg beater.

Oo nagluluto kami. At ewan ko nalang kung makakaluto kami ng matiwasay habang andito si V hyung.

Di na nga namin pinapasali pero mapilit. Gusto nya daw busugin si Irene Noona.

Busugin, tsk. Baka patayin?Nakamamatay pa naman to magluto.

"Nag ok. Kaya umalis ka na dito sa kusina kung gusto mong may makain silang matino. Alis!" Pagtataboy ko kay Hyung. Pinagtulakan ko sila ni Namjoon hyung palabas para di sila makagawa ng kababalaghan,

My Rival In LoveWhere stories live. Discover now