5

5 0 0
                                    


Bakit na naman sila magkasama?

Inis kong binalibag ang dalang basckpack sa upuan ko.
Tss. Bwisit na Jungkook, di na ako sinasamahan sa mga lakad ko. Laging si Sana ang kasama.

Bwisit talaga.
Bwisit!

Sinamaan ko ng tingin ang bag nya na nasa tabi ng upuan ko.

"Bumara sana kulangot mo sa ilong ng matigok ka na." Nanggigil kong bulong sa bag nya,

Yaan mo, alam kong nararamdaman nyang minumura ko sya ngayon kung asan man sya.

Nakabusangot lang akong naupo at hinintay na mag start na ang klase nang may umupo sa tabi ko.

Asar kong nilingon ito ng akalain kong si Jungkook pero nabigla ako sa nakita.

"Yugyeom oppa. " Gulat kong bulalas ng pangalan nya.

Teka, classmate ko ba to?
Ehh?

"Lalim ng iniisip ah. Musta na bata?" Saka nya ginulo ang buhok ko kaya naman sinamaan ko sya ng tingin.

Tinampal ko ang kamay nya na nakapatong sa ulo ko. "Wag mo kong tawaging bata. Di na ako bata!" Naiinis kong sigaw sa kanya.

Kainis na higanti to.

Napatawa naman sya sa reaksyon ko. Gago talaga forevs.

Patuloy nya lang akong inasar nang inasar. Muntik muntikan ko na syang sapakin kung hindi lang kami nasa school. Yaan mo at makakaganti ako sa kulangot na to. Tsk.

"Ehem."

Nahinto kami sa pag aasaran ni Yugyeom oppa at sabay na napalingon sa pinagmulan ng boses.

Agad naman akong napairap nang makita ko kung sino. Pangit Alert! Pangit Alert!

"Yo, Yugyeomie. Bakit ka nandito?Sa kabilang room ka dapat di ba?" Taas kilay na tanong ni Jungkook kay Yugyeom. Tiningnan nya pa ito na parang nagsasabing 'Lumayas-ka-sa-upuan-ko-di-sayo-yan-gago'.

Pero ang Yugyeom, prente pang sinandal ang katawan sa balikat ko. Tangna nito. Akala nya ba maliit syang tao at kung makasandal sakin akala mo pader ako?
Inis ko syang sinuntok sa likuran nya para mapahiyaw sya sa sakit.

"Di mo pa sinasagot ang tanong ko, bakit ka nandito?" Halatang asar na tanong ulit ni Jungkook.

"Ahh, yun ba. " Nilingon ako ni Higante saka nagpacute sakin. "Binibisita ko lang si YeriYeri ko. Masama ba yun?"

YeriYeri ko?
Pauso amp!

Halos umusok naman ang ilong ni Jungkook kaya bago pa sumabog ang isang yun ay tinulak ko na paalis si Yugyeom sa upuan niya. Arte ng ilong na yan, ayaw na ayaw na may gumagamit ng kahit anong ginagamit din nya.

Inilagay na ni Jungkook ang gamit sa upuan nya at mahinang sinuntok ang braso ng tumatawang si Yugyeom.

"You two seems so close, huh?" Nakangiting tanong ni Sana saka umupo sa tabi ko.

Di ko alam kung bakit pero naiinis ako sa kanya.

Wait, teka lang?Bakit ako naiinis sa bebe ko?Hindi na maganda to!huhu.

"Syempre naman. Kami ang pinakaclose sa lahat ng 97 liners na K idols. " sagot ni Yugyeom habang sinasakal si Jungkook.

"Tangna mo, Yugyeom!Bitaw!"pagpupumiglas nya. Sige lang higante, patayin mo na yan para mawalan na ako ng karibal. Wahahahaha dejoke lang. Labyu Jungkook.

Eww.

"Tawang tawa ka ah?Gustong gusto mo talagang nasasaktan ako." Madrama nyang sumbat sakin nang makaupo na sa tabi ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 14, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Rival In LoveWhere stories live. Discover now