First.

27 2 1
                                    

Tangina.
Tangina lang.
Nakakagago lang.
Ang hirap sa pakiramdam.
Yung tipong ang daming tao pero feeling mo mag isa ka lang.
Yung tipong mag isa ka lang pero para kang sinasakal.
Parang lahat gustong iparamdam.
Pakiramdam ng nag iisa.
Pakiramdam ng walang mapuntahan.
Pakiramdam ng iniwan.
Pakiramdam ng nasasaktan.
Sa dami ng tao sa mundo bakit ako pa.
Bakit ako pa yung nakaramdam nito.
Yung tipong gusto mo nalang umalis.
Pumunta sa lugar na bago sa paningin.
Umalis sa lugar na puno ng nananakit.
Parang ako si Tinker Bell.
Tinker Bell pero walang peter pan.
Tinker Bell na walang kaibigan.
Sabagay, kelan ba naging si tinker bell at peter pan? Kelan ba sya pinili?
Oo, sabihin na nating bumabalik sya. Pero ano, babalik sya pagkatapos nyang magpakasaya? Habang ako parang mamamatay na.
Sa kaiisip na babalik sya.
Sa kaiisip na hindi na magiging mag isa. Hindi na nag iisa.
Nag iisa. Nag iisa sa kawalan.
Pwede bang mawala nalang?
Pwede bang mabura nalang?
Pwede bang katulad nalang sana to ng isang cellphone na pwede ng iformat.
Pwedeng iformat kapag punong puno na.
Kapag madami ng virus na nakasira.
Ang sakit sa pakiramdam.
Na sa sobrang daming tao sa paligid mo, wala man lang ni isang nagtanong kung okay ka lang.
Bakit nga ba tatanungin ang isang taong wala lang?
Ang isang taong wasak na.
Wasak na sa kasusubok.
Wasak na sa pagmamahal.
Wasak na sa pag isip ng pag asa.
Isang taong durog na durog na.
Sana nga ako nalang yung subject nyo na matematika.
Pinipilit intindihin.
Kahit mahirap.
Nagtitiis.
Kahit masakit sa ulo.
Sinusubukang intindihin.
Masakit. Masakit isipin na kahit kelan. Kahit na anong gawin ko, hindi ako magiging paborito ko.
Hindi nga ako naging paborito nya, maging paborito ko pa kaya?
Kelan kaya darating yung panahong yun.
Panahong may darating na magsasabi sakin na okay lang yan, may natira pa sayo. Nandito pa ako.
Yung tipong panahon na pwedeng maging ikaw ikaw.
Hindi kailangang magpanggap.
Hindi kailangang maghabol.
Hindi masasaktan sa mga nawawala na parang bula.
Mga palitaw na bigla bigla nalang lilitaw. Biglang susulpot pero bigla ring mawawala.
Magulo. Magulo to. Kasi magulo ako.
Kasi kahit kelan walang makakaintindi sa magulo. Walang makakakita sa tinatago ng isang bagay na magulo.
Kasi nga magulo. Kasi nga ako ito

Art of the Unknown.Where stories live. Discover now