Araw ng Kalayaan, 170611.

18 1 0
                                    

170611, ang araw ng kalayaan natin.
Kalayaan mula sa sakit na dulot ng naging pagmamahalan natin.
Kalahating taon.
Kalahating taong pagpapalaya.
Kalahating taong pamumuhay sa ating alaala.
Kalahating taong umaasang babalik ka pa.
Kalahating taon mula noong ipinagpalit mo ako sa kanya.
Kalahating taon mula noong sinabi kong mahal kita...
Kalahati, parang ako.
Kalahati lang sayo.
Este may kahati sayo.
Mali. Mali.
Kanyang kanya ka pala.
Wala lang pala ako...

Isinusulat ko ito, hindi dahil sa bitter ako o hindi ako makamove-on sayo.
Sinusulat ko to, dahil tanggap ko na...
Dahil handa na ako...
Handa na akong palayain ang sarili ko sa gapos ng pagmamahal sayo...
Tanggap ko ng wala ng tayo,
Tanggap ko ng hindi na ako,
Tanggap ko ng siya pa rin ang mahal ko,
Tanggap ko ng nasaktan ako,
Tanggap ko ng minahal kita sa kabila ng lahat ng ito,
Tanggap ko na at handa na akong palayain ang sarili ko..
Palayain sa sakit na naging dulot mo.
Tanggap ko nang lahat ng naging ngiti natin ay pighati ang kapalit sa dulo.
Pighati na magiging daan para maging 'mas' tayo at makita ko ang halaga ng isang tao...
Isang ako...

Isinusulat ko ito, dahil handa na akong tanggaping muli ang sarili ko.
Dahil balang araw, maaaring makalimutan ko na ito.
Makalimutan ko na yung naramdaman ko sayo kaya heto, isinusulat ko...

Sa huling pagkakataon, magsusulat ako para sayo...
Na sana tulad ko, palayain mo ang sarili mo,
Matuto kang tanggapin ang halaga mo,
Na hindi ka lang basta isang tao...
Hindi ko sinasabing tularan mo ako.
Ang sakin lang, mahalin mo ang sarili mo at sana mahanap mo ang kasiyahan mo...
Kasi hindi kita pinalaya para umiyak...
Hindi kita pinalaya para kwestyunin mo yung halaga mo.
Pinalaya kita para sa ikakasaya mo...
Dahil yun lang naman ang gusto ko...
Ang maging masaya ka kahit na hindi na ako ang kapiling mo...

Kaya sa huling pagkakataong ito, gusto kong sabihin sayo na pinapalaya na kita at maghihintay ako...
Maghihintay akong makamit mo ang kasiyahan mo,
Maghihintay akong maabot mo ang mga pangarap mo,
Maghihintay akong maging isa kang ganap na inhinyero,
Maghihintay akong magawan mo ng bahay ang mama mo,
Maghihintay ako sa tunay na mga ngiti mo...
Dahil sa pagkakataong yun, masasabi ko na sa sarili kong nagtagumpay ako...
Na nagtagumpay ako sa pagpapaubaya at pagpapalaya sayo.
Na hindi naging sayang ang mga sakit na naramdaman natin sa salitang 'tayo.'
Na worth it lahat ng naging resulta ng paglimot sa magagandang alaala nating dalawa.
Na tama ang pagpili sa pagtanggap at pagpapalaya.
Sa araw ng kalayaan, malaya na tayong dalawa...
At ang hinihiling ko nalang ay...




maging masaya ka.

Art of the Unknown.Where stories live. Discover now