Dunno.

13 1 0
                                    

"Tama na."
"Wala ng kayo."
"Iniwan ka na."
"Pinagpalit ka na."
"Bumalik na sa ex nya."
"Hindi ka minahal."
"Wala lang naman sa kanya."
"Awat na, masyado ng tanga."
Masakit. Simpleng salita, pero masakit.
Tama na daw. Tama nga naman.
Tama na.
Move on na.
Pero sabi ko sa sarili ko, paano ba?
Paano nga ba makausad?
Kahit naman ako, alam kong hindi na dapat.
Alam kong dapat ng bumitaw.
Bumitaw sa alaalang ako nalang ang may alam.
Sa alaalang makakalimutan ko rin naman balang araw.
Sabi ko sa sarili ko, okay lang yan.
Kaya mo yan, ikaw pa ba?
Maraming dahilan para maging masaya.
Na hindi lang porke iniwan ka eh titigil na sa pag ikot yung mundo.
Na hindi lang naman sya ang nagpasaya sayo.
Sabi nila kapag humuhugot ako tungkol sa sakit ng pang iiwan mo,
Bakit daw puro masasakit?
Bakit daw puro hindi magagandang nangyari?
Bakit hindi ko daw isipin yung magagandang nangyari sa pansamantalang relasyon natin?
Sa isip isip ko, oo maraming magandang alaala.
Pero tangina, sa tingin mo ba kapag inisip ko yun eh uusad ako?
Malulugmok lang uli ako sa pag asang wala na..
Ayoko na...
Kailangan kong isipin lahat ng masasama kasi gusto kong mawalan ng pake.
Gusto kong iparealize sa sarili ko na hindi to worth it..
Ngayon lang, nabasa ko yung gusto mong ipaconfess sa isang page sa twitter.
Like wtf? Hanggang dun ba naman, magddeny ka?
Kaibigan? Wag ako.
Tapos na akong maniwala at magtiwala sa isang gaya mo.
Sabi mo sa confession na yun, bakit ikaw, bakit hindi mo sya makuha?
Nakakatawang isipin na kaya mo pang itanong yan, na kaya mo pang magconfess ng ganun.
Gusto kong isipin na mahal na mahal mo talaga sya.
Pero hindi eh.
Kung ganyan pala ang nagmamahal, ayoko ng magmahal.
Ayokong maging tulad mo.
Nagtataka ka kung bakit ganyan nagyayari sayo? Hahaha.
Bakit hindi mo muna isipin yung ginawa mo sa ibang tao?
Karma nga naman.
Sarap ba? Wag kang mag alala..
Wala pa yan sa kalahati ng pinaggagawa mo, may darating pa.
Ingat ha? Tanga ka pa naman.
Hindi ko masasabing tanga ka sa pag ibig,
Dahil hindi naman ganyan ang pag ibig.
Ang pag ibig kasi..
hindi nanggagamit,
hindi makasarili,
hindi bumabalik balik,
hindi mapagpanggap,
at higit sa lahat, hindi nananakit.
Balang araw, sana malaman mo yung tunay na kahulugan ng pag ibig.
Hindi yun laro.
Na kapag di mo makuha,
Eh pupunta ka muna sa iba, konting pahinga,tas balik na naman sakanya.
Gusto kong sabihin na maswerte sya kaso hindi eh.
Naisip ko paano kung ako yun?
Na pupunta muna sa iba tas akin na naman?
Ayoko.
Ayoko ng may iba.
Kasi kung ako talaga, ako lang.
Walang sya. Walang sila.
Ako lang, isa lang, hindi kaming dalawa.
At kung uusad man ako, gusto ko kusa.
Ayoko ng pinilit.
Gusto ko muna damahin yung sakit.
Sakit na nagpapaalala saking hindi pa ako manhid.
At ayokong pilitin yung paglimot sayo..
Ayokong maging unfair sa taong mamahalin ko.
Ayokong magmahal nang hindi pa buo.

Art of the Unknown.Where stories live. Discover now