Third.

20 1 0
                                    

Pilit.
Pipilitin ko ang sarili ko.
Pansamantala.
Pansamantala para makalimutan ko.
Para makalimutan kong nasaktan nga pala ako.
Nasasaktan nga pala ako.
Na sinaktan mo pala ako.
Na iniwan mo pala ako.
Na hindi pala talaga ako.
Na hindi ko alam kung ano nga bang paniniwalaan ko.
Masakit.
Napakasakit.
Ano bang nagawa ko?
Saan ba ako nagkulang?
Bakit siya pa rin?
Bakit hindi nalang ako?
Nasasaktan ako.
Hindi sa ideyang nagawa mong sumuko.
Kundi sa katotohanang hindi ako yung pinili mo.
Na mahal mo pa rin pala yung nakaraan mo.
Anong laban ko?
Maganda sya, ano ba ako?
Maputi sya.
Sexy daw.
At siya yung minahal mo ng todo.
Sino ba naman ako?
Ako lang naman yung babaeng sinasabi nilang matalino.
Matalino?
Pero bakit ganito?
Bakit ang tanga ko?
Pero huwag kang mag alala.
Kasi malapit na rin ako sumuko.
Malapit na akong sumuko sa 'tayo'.
Kung masasabi ko ngang nagkaroon ng ganun.
Malapit ko nang bitawan yung pinanghahawakan ko.
Malapit ng mawalan ng pag asa.
Kasi sobra na.
Inabuso ko na.
Hindi yung pagmamahal ko,
Kundi yung sarili ko.
Naubos ako sayo.
Pero ikaw, buo.
Buo kasi walang nawala sayo.
Okay ka.
Wasak ako.
Masaya ka.
Mag isa ako.
Tanginang tadhana no?
Nakakagago.
Kasabay ng pagbabago ng taon,
Sana magbago na rin tong nararamdaman ko.
Sana mawala na.
Kasi ang sakit palang mahalin ka.
Ang sakit isiping kaya mong bitawan ng ganun kadali yung isang tao,
Para lang sa nakaraan mong sinaktan ka.
Sa nakaraan mong pinaasa ka.
Sa nakaraan mo.
Sa nakaraan mong hanggang ngayon, mahal mo pa.
Salamat.
Salamat sa pagpaparealize sakin na may mas pa sayo.
At yun ang sarili ko.
Sarili ko na nakasama ko nung iniwan mo ako.
Sarili ko na karamay ko sa putanginang sakit na dinulot mo.
Sarili ko na hindi ako iniwan sa panahong walang wala ako.
Sarili ko na magiging kasama ko sa pagbangon.
Maghintay ka.
Babalik ako.
Babalik ako, hindi para mahalin ka.
Babalik ako para mahalin yung sarili ko na nawala nung minahal kita.
At sa panahong yun....



Nakalimutan na kita.

Art of the Unknown.Where stories live. Discover now