"Panget! Panget gising! Panget! Hoy panget! Pang--" Oo na. Ako na panget. Pinatay ko yung alarm ko. Oo alarm ko yun. Ni record ko yan nung wala akong magawa.
Oo nga pala may pasok na naman-.-
Naligo nako Nagbihis saka ako lumabas ng kwarto para mag breakfast.
"Good morning princess!" Bati sakin ni mama.
"Morning ma, pa, kuyas" bati ko sa kanilang lahat.
Tumango lang sila. Umupo nalang ako at nag simulang kumain.
Alam kong spoiled ako pero di naman ibig sabihin non lagi na lang ako pinag bibigyan meron din naman akong 4 na kuya at kailangan ko din silang bigyan ng chance para masunod kung ano yung gusto nila di naman pedeng lagi nalang ako porket ako yung only girl saming mag kakapatid mahal ko rin naman mga kuya ko eh:)))
"Ma, pa ,kuyas pasok na po ako." Sabi ko sa kanila.
"Ingat ka ah." Sabi sakin ni mama.
Sumakay na ko sa sasakyan at pinag drive ako nung driver namin papuntang school.
Pag ka dating sa school bumaba agad ako at pumasok sa loob tapos hinanap sila isabelle at chloe.
Tumingin tingin ako sa paligid at nakita ko si chloe at isabelle na may kasamang lalake... Di ko makita yung muka nung lalake kasi naka talikod sya.
Lalapit sana ako kaso nag bell na.
Mamayang lunch na lang makikita at makaka usap ko naman sila eh.
Dumiretso nako sa classroom kasi ayokong ma detention na naman.
1 minute bago mag simula ang klase, may pumasok.
At s'ya nga yung lalakeng na sampal ko umupo s'ya sa likod... Lalapit sana ako sa kanya para mag sorry sa nangyari kahapon, pero dumating na yung teacher namin.
"As you can see may test tayo ngayon" What?? Ugghhhh sabi ko nga... Di ako nakapag review -.-
Halata namang na irita din yung iba kong classmate pero nung tinignan ko s'ya walang expresiyon yung mukha nya...
X skip test X
Pagka tapos naming mag test pinasa na namin yung mga test paper namin.
And we spend the time listening to our teacher's life story... Like duh?
"At yung nga na--" Di na natuloy nung teacher namin yung pag kukwento nya kasi nag bell na.
Bigla akong nasiglahan kasi lunch na after 918383827 yearssssss...
"Ok. Class dismiss!" Sabi nung teacher namin.
Habang papa labas na yung iba kong classmate naiwan ako kasi inaayos ko pa mga gamit ko.
Pagka tapos kong mag ayos nang gamit aalis na sana ako kaso nakita ko s'ya...
Yung lalakeng nasampal ko kahapon.
Nilapitan ko sya para mag sorry.
Nung nilapitan ko s'ya naka patong yung kamay nya sa desk at naka patong yung ulo nya sa kamay nya.
"Ammm... So.. Sorry nga pala sa nagawa ko sayo kahapon... Nagulat lang naman ako eh... At alam kong nagulat ka rin kaya peace na tayo..." Sabi ko pero di sya umimik.
Nilapitan ko pa s'ya para makita yung reaction ng mukha n'ya...
Nung nilapitan ko s'ya...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Aba. Natutulog naman pala tong tao nato! Nag sayang lang ako ng oras at laway. Tss bahala s'ya sa buhay nya...
Umalis nako sa classroom at dumiretsyo sa canteen at hinanap sila chloe at isabelle.
"Viaaaaa dito!!!" Narinig kong tawag sakin ni chloe.
Agad akong lumapit sa table kung nasaan sila nakaupo.
"Oh. Bat ngayon kalang." Tanong ni isabelle.
Ayoko namang sabihin na nag sorry ako dun sa lalakeng sinampal ko kasi pag tatawanan lang nila ako like hahahahahahaha kaya gumawa ako ng palusot.
"Nag cr pa kasi ako eh" pag sisinungaling ko.
"Sige kukuha lang ako ng pagkain" Tumayo nako para bumili ng makaka kain
Pero di ko inaasahan na makakasalubong ko yung lalaking sinampal ko kahapon... kaya napaisip isip ako na kakapalan ko na yung mukha ko magso-sorry na ako sa kanya kahit madaming tao dito sa canteen kasi naka-ka guilty yung ginawa ko...
"ahmm... hi?" sabi ko sa kanya tapos lumingon siya sakin.
"Sorry nga pala kahapon" sabi ko uli sa kanya pero TF para akong ewan dito wala man lang s'yang imik pero nagulat ako nung bigla siyang lumapit sakin at may binulong.
"I'll accept your apology if you're willing to be my project"
Huh? ano daw project?
"Anong project yung pinagsasabi mo?" tanong ko sa kanya ng nakataas ang kilay.
"You'll be my project for the whole school year... It means you will be my new entertainment to play on" Maangas n'yang sabi habang naka smirk.
"Ako? Paglalaruan mo? Bagong pagkakasiyahan? No way!" Naguguluhan kong sabi. Hindi po ako laruan. Please lang. Don't me bes.
"Yes way! Starting next week, Monday you will always be with me 24/7... Bye baby..." Sunod-sunod nyang sabi sakin saka umalis na...
Haluhhhh! Di ako papayag ahhh! Bakit ba... Arghh! Bahala na nga basta tatanggapin ko na lang... Atleast tatanggapin n'ya din yung sorry ko. Hayssttt.
*fast forward*
Actual routine...klase,exam,recess
"3:30 oo nga pala last exam ko na ngayon bibilisan ko na" bulong ko sa sarili ko O.o
*EXAM*
-x-x-x-x-x- *KINABUKASAN*
Maaga akong pumasok ngayon para naman may time ako makipag usap kila chloe at isabelle...
Pag ka pasok ko agad kong nakita sila chloe at nilapitan ako...
"Via, I smell something cheesy ahhh what is it?" Nakakalokong tanong ni isabelle. Luh. Bago to ah? Isabelle isdatchu? Por da pers taym in poreber may topak ata tong babaitang to ah...
"Oo nga via! Sabi nila you're someone's project... Sino yung mysterious guy???" Nakakalokong tanong din ni chloe.
Wtf O.o Sabi na nga ba eh.
Pano nila nalaman to? Sinong nagsabi?
"Huh? Saang lupalop ng mars nyo nalaman yang balitang yan?" Medyo kinakabahan kong tanong...
"FACEBOOK?!" Medyo napalakas ata yung pag kaka sabi ko kaya napatingin sakin yung ibang estudyante at nag bulungan...
Holy-- wahhhhhh!!!!
"Oo kaya! Di ka ba nag online kagabi? May anonymous na nag post na naka tag ka" sabi ni chloe... At pinakita sakin yung phone nya...
New project, New toy & New entertainment<3 with Vianca G.
20k likes 300 comments
"Via, may mga comments pa nga eh." Sabi ni chloe habang naka tingin lang sa phone nya...
"Like what?" Medyo kinakabahan kong tanong pero di ko pina pahalata sa kanila...
"WTF? Who's the mysterious guy?"
"OMG! New student pa lang sya sa Burlington may admirer at mysterious guy pa sya!" Sunod sunod na sabi ni chloe.
"Haysss.. Okay okay fine! Oo na I'm someone's project. I don't mean to accept it but then again It's the only way para tanggapin niya yung sorry ko..." Pag eexplain ko sa kanila...
"Oh... S'ya ba yung lalaking naka bangga mo??" Tanong ni isabelle.