Scarlett's POV
"Ang tagal naman nila" bulong ko sa sarili ko kasi kanina pa ko na naiinip dito kaka hintay sa dalawang bruha.
"Viaaaaaaa!!!" May narinig akong familiar na boses kaya agad akong lumingon, At nakita ko si Chloe na kasama si Isabelle.
"Where the hell have you been?!" Irita kong sabi ng maka lapit sila sakin.
"Sorrrrrrryyyyyy si ma'am kasi ehh ang tagal kaming palabansin -.-" Pag papa cute ni Chloe.
"Never Mind, halika na baka maubusan na naman tayo ng mauupuan" Kalmado kong sabi.
Hi. Ako si Scarlett Vianca my friends call me Via but only my FRIENDS. Wala kang karapatan tawagin akong Via lalo na kung hindi naman tayo close. Well kaka transfer ko lang dito sa Burlington University napilitan akong lumipat dito dahil nandito ang mga kaibigan ko at me and chloe's parents are great business partners at parents ni chloe ang may ari nitong school so...yeah
Kaka tapos lang namin kumuha nang lunch at nag simula nang mag hunting nang mauupuan.
"Yay! Ayun ohhh!!" Masayang sabi ni chloe habang tinuturo yung bakanteng table.
Tahimik lang kaming kumakain nang may dumating na lalake at tumabi kay chloe.
Nagulat kaming dalawa ni isabelle pero hindi si chloe parang kilala nya ata...tsss
"Oh Tristan! Napadaan ka?" Nagtatakang tanong ni chloe.
Hindi nya pinansin si chloe imbis kinuha n'ya yung brownies n'ya (ni chloe) at kinain yun...
"Luh!!! Akin yun eh!!! Isusumbong kita kay kuya!!!" Sabi ni chloe at nag pout.
"Hahahahaha sorry na... Ito o pinapabigay nang kuya mo" May inabot yung tristan na pera.
"Ano to?" Tanong ni chloe.
"Baon mo daw. Baka daw kasi wala kang baon kaya pinadala n'ya sakin yan" sabi ni tristan
"Bakit di nalang s'ya yung pumunta dito at mag bigay sakin???" Malungkot na sabi ni chloe.
"Pinatawag s'ya nang daddy nyo eh..." Sabi naman ni tristan.
Habang nakikinig lang kami ni isabelle kila tristan at chloe napansin ko na parang titig na titig si isabelle kay tristan..
Kulang na lang malusaw na yung tao...
"Sige alis na ko bye!" Sabi ni tristan.
"Ba-bye thank you ah!" Sabi naman ni chloe.
Nginitian na lang sya ni tristan saka umalis na napansin ko na pinag mamasdan parin ni isabelle maka alis si tristan...
"Sino yon?" Tanong ko.
"Si tristan, kaibigan ng kuya ko..." Sabi ni chloe.
"May kuya ka pala?" Luh. Parang di ko ata alam yun ah akala ko only child lang s'ya
"Oo naman! Gusto mo pakilala ki--" Di natuloy yung sinasabi ni chloe kasi pinigilan ko sya at sinenyasan na tignan si isabelle..
"Isabelle?" Tawag ni chloe.
Pero parang di nya kami narinig kasi sinigawan namin sya.
"Isabelle!!!" Nagulat s'ya at binigyan kami ng what- the- hell-was-that-for look.
"May gusto ka ba kay tristan?" Diretsyong tanong ni chloe kay Isabelle.
Woah.
Nagulat kami ni Isabelle sa tanong ni chloe.

BINABASA MO ANG
Expensive Girl
Fiksi RemajaWe're not GOOD We're not BAD We're EXPENSIVE But PRICELESS