Chapter 11 - falling

21 2 0
                                    


NAKATANGGAP NANAMAN AKO NG PICTURE NA NAPAKACUTE. 

HAHAHAHAHA ETO NA.. 


UNEDITED


---------------------------------------------

Jm's Pov

"Oh! Jun!! hindi sinabi ni Sam na pupunta ka dito?" bati ng tita melda sakin, yung nanay ni Sam.

"Hi tita, okay lang po biglaan lang hehe." Ako.

"Ay nako, kumain ka na ba? Halika at sumabay ka na, pasensya na at ito lang hindi ka agad nagpasabi na dadating ka, Samantha kuha mo ng plato si Junjun." Tita melda. Binigyan lang ako ni Sam ng usap-tayo-mamaya-look nag peace sign lang ako sa kanya umirap naman ito sakin hehe.

"Ah tita, kamusta na po? si Samuel po?" si Samuel ay kuya ni Samantha na nakakatanda dito, isang taon lang ang edad sakin,

"nako, ayon sa kanila apat na ang anak. Sa Pista uuwi yun dito." Tita.

"aba, masipag din si Kuya ano?" nagtawanan naman kami sa sinabi kong yon.

"Sinabi mo pa, sa hirap ng buhay nakuha pang bumuntis ng apat, maryosep, eh ikaw ba hindi pa ba magaasawa?" napatingin naman ako kay Sam, pwede bang si Sam na lang ang makatuluyan? Hehehe.

"Naku tita, wala pa po sa isip ko yan sa ngayon, hindi pa po kasi pwede." Ako.

"Bakit, ayaw ka pa ba payagan ng magulang mo?" tita.

"Ayaw pa po ni Sam" pagbibiro ko.

"A-ano??" Sam.

"HAHAHAHAHA, biro lang." ako.

"nako kayo talagang mga bata kayo, sige na at kumain na kayo tatawagin ko lang si Erning." Tita. Umalis naman si tita para tawagin ang tatay ni Sam.

"Bakit ka andito?" Sam.

"Masama ba? Namiss kita eh." Ako. Kitang kita ko ang pamumula niya, tama nga ang hinala ko may gusto din to sakin. "Ako? Hindi mo ba miss?"

"Sus, ni hindi mo nga ako kinakamusta ng pitong buwan ano lang ba yung isang gabi pa lamang ako dito, tigilan mo nga ako." Sam.

"Oh, Jun! kamusta." Biglang dating naman nila tita melda at tito erning.

"Okay lang tito, magbabakasyon po sana ako dito kasama ni Sam." Ako.

"ganun ba, oh sya sige, kumain na tayo." Nagsimula na kaming kumain at nakipagkwentuhan naman ako kala tita at tito.

Natapos kaming kumain at tinulungan ko si sam na maglinis ng pinagkainan namin kahit di naman ako sanay hehehe..

"matutulog na ko." Paalam ni Sam at akmang pupunta na sa kanyang silid.

"Wait up!" hinawakan ko sya sa braso, pero tinignan niya ito kaya para akong napaso sa hawak kong iyon. "Sorry, can we talk?" sabi ko kasabay ng pagbitaw sa kanyang braso.

"para san? Sabi mo di ba bigyan kita ng panahon? Bakit nandito ka na agad?" sam.

"I can't. namimis kita." Tinitigan niya lang ako sa mata. Nakipagtitigan naman ako, sya din naman ang unang umiwas.

"Jun, ano bang ginagawa mo? Si Aubrey, baka hanapin ka nya." I grinned.

"nagpaalam ako." Ako.

"wow. Okay. Bye. Night." Sam.

Untold Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon