Chapter 3 - Sophie

20 2 0
                                    



UNEDITED



Bumalik na sa bar si jm kung saan nya iniwan si rico, hinanap niya ito at nagsisimula ng uminom.

"yow!" Bati ni jm kay rico. Tumango naman si rico bilang tugon.

"naiuwi mo ba ng safe si samantha." Wika ni rico.

"anong palagay mo sakin? Pababayaan ko ba yung mapahamak?" Sarkastikong tugon ni jm.

"naninigurado lang. So, ano bang paguusapan natin ng tayong dalawa lang?" Rico.

"mahal mo na ba ang bestfriend ko?" Jm.

"oo." Walang pagalinlangang sagot naman ni rico.

"kung ganon, pinagkakatiwala ko sya sayo, at wala kang karapatang saktan sya." Jm.

"yan ang di ko maipapangako." Rico.

"kung ganon pwede ka nang mawala sa landas naming dalawa." Jm.

"hindi ko pwedeng gawin yan." Rico.

"bakit??" Halatang naiinis na si jm sa kausap.

"mahal ko si samantha at alam ko nararamdaman kong papunta na sya don, iingatan ko sya na parang pagiingat ko sa mommy ko, pero hindi maiiwasang masaktan ko sya lalo na ngayong kinikilala pa lamang namin ang isa't isa. Ang maipapangako ko lang, hindi ko sasadyaing saktan sya." Rico. Napahanga naman si jm sa kanyang narinig.

"okay." Jm. Uminom naman ng isang baso si jm bago magsalita. "kung sasadyain mo syang saktan kukunin ko sya sayo."

"walang problema, hindi yan mangyayari." Rico.

Sandaling katahimkan ang namutawi sa kanilang dalawa. Ngunit nagsalita si rico na ikinakunot ng kanyang noo.

"mahal mo ba si samantha?" Rico.

"what?!" Jm.

"looks like, double meaning sayo ang tanong ko." Rico.

Napaisip naman si jm sa mga sinabi ni rico, parang naisahan sya doon.

"kung ang tinatanong mo ay ang pagmamahal bilang kaibigan, oo sagad na sagad she's my little sister for your information." Jm.

"oh, okay." Rico.

Lumipas ang oras na nakita na lng nila ang sarili nilang nagtatawanan, na parang mga ugok maaring lasing na pero ang sigurado? May nabuong pagkakaibigan sa dalawang ito.

Ilang buwan na din ang nakakaraan mula ng nagpaalam si rico manligaw kay samantha, mukang hindi nga ito papalya sa panliligaw, tinulungan din ni jm manligaw si rico kay samantha pero karamihan ay puro frank lang trip na trip nyang pagtripan ang dalawang ito. Sinasuggest ni jm ang mga ayaw ni samantha na paulit ulit naman kinakagat nitong si rico, minsan kasi ay okay naman ang mga suhestyon nito kaya hindi alam ni rico kung ano ang totoo at hindi. Pero hindi naman niya magawang mapikon dahil na rin sa bestfriend ito ni samantha, saka na lamang ito gaganti kapag nainlove na ito, sya naman ang mamahiya dito.

Muka namang okay kay jm ang kaibigang si rico para kay samantha, not until today...

"yes, rico, mahal din kita sinasagot na kita." Sabi ni samantha kay rico ng buong puso at don sinunggaban ito ni rico ng halik sa labi hanggang sa lumalim iyon.

Sa hindi inaasahang dahilan biglang kumirot ang dibdib ni jm hindi nya alam kung san nanggaling yon, kung bakit imbis na maging masaya ay hindi nya maintindihan ang nararamdaman nya, parang may masakit.

Untold Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon