May sipon siya. Kawawa naman siya. Gusto ko sana siyang alagaan kaso nga lang para magawa yun ay kailangan ko pa makipag gera.
Ang hirap naman kasi nang buhay ko... Ang crush ko ay isang super duper ultra mega heartthrob sa school namin. Hindi lang ang same year ang nagkakagutso sa kanya, kung di pati higher at lower years... Bukod pa doon, may mga babaeng galing ibang school para makasilay lang sa kanya.
Ngayon ay kalat na kalat na sa buong school na siya'y may sakit, at iyon ay sipon. Pinalibutan kaagad siya ng mga babae sa upuan niya. Take note, kalahati nang mga babaeng yun ay hindi namin mga kaklase.
Napabugtong hininga na lang ako at isinuot ang aking mga earphones. Ayaw kong marinig ang landian nila sa crush ko... nakakairita.
Kahit chicboy yan si crush, never siya naging mayabang. Mabait pa rin siya at maayos pa rin ang grades niya. Siya yung masasabi niyong 'halos perpekto' na nilalang. Kaso ang mga imperfections niya ay sensitive ang skin niya at madaling masugatan, madali siyang magkasakit, marami siyang peklat sa paa't kamay (ui! Nakikita ko pag nagbabasketball siya. Hindi ako naninilip!), mahina siya math at madali daw siyang mahiya. Imperfections yun para sa kanya, pero para sa akin ayos lang... masasabi ko pa ngang cute siya pag ganun eh.
Napangiti ako sa iniisip ko.
Pero nag snap out lang ako nung nakita kong umalis isa-isa yung mga babaeng di namin kaklase dahil pumasok na ang aming teacher. Inalis ko na ang aking earphones at, bago man makinig sa kung anong sasabihin ng guro namin, sinulyapan ko siya at nakita kong nagbuntong hininga siya.
Ayaw pa rin niya sa atensyon, kahit kailan talaga.
_____________________________________
_____________________________________Nandito ako sa canteen ngayon at umupo ako doon sa lamesang katabi nang lamesa ni crush, as usual pinapalibutan pa rin siya nang mga babae. Bawat isa ay inaalayan siya ng pagkain, iba naman inumin. Lahat naman ay tinatanggi niya, dahil siguro may sakit siya, hindi niya kayang kainin lahat yun.
Sinuot ko nanaman ang earphones ko at tumitig sa di kalayuan. Iniimagine kong binibigyan ko siya ng pagkain, tapos yun tinaggap niya... bukod pa doon, nag-request siya na ako ang magpakain sa kanya.
Ano ba 'tong isip ko, naglalandi nanaman. Mahina akong tumawa tapos nag-sink in doon sa kanta.
Natapos ang kantang iyon, tapos napalitan nang iba, tapos napalitan rin iyon, at napalitan rin iyon. Hindi na ako nakakain, inenjoy ko lang ang musika habang iniisip si crush. Nagha-hum pa ako.
Tumigil lamang ako nung may tumapik sa balikat ko, at laking gulat ko nung paglingon ka ay si crush! Oo, nagulat ako, pero hindi ako tumili or napatalon... kumalma lang ako, baka kasi mahalata.
Kasama pa rin niya ang mga babae, at medyo na disappoint lang ako. Napapoker face na lang tuloy ako.
Nagsalita siya pero hindi ko narinig.
"Huh?" sabi ko, at inulit niya sinabi niya pero hindi ko pa rin narinig.
"Pakiulit?" sabi ko ulit, pero this time nakita ko siyang magbuntong hininga at nag-lean siya papalapit sa aking mukha. Lahat nang dugo ko ay tumakbo sa utak ko. Ramdam na ramdam ko na ako'y namumula.
Pero ginawa lang pala niya yun para hugutin ang earphones ko at upang sabihing "Nagring na ang bell."
Umalis na siya, at sinundan ko siya nang tingin... sumunod din ang mga chics niya na ang sama ng tingin sa akin.