May kaklase ako, ang pangalan niya ay Andi. Kasali siya sa top ten at isa siya sa math wizards ng klase. Lagi siyang nakakakuha nung mga merit cards. Isa siya sa mga kaagaw ko sa top. Lagi siyang napipili bilang leader sa isang grupo at lagi rin siyang nagrerecite. Kilala siya ng halos lahat ng teachers at matuturingan siyang mabuting mag-aaral.
Pero sa likod ng lahat ng iyon, siya talaga ay masama ang ugali. Nalaman ko 'yon nung naging kagrupo ko siya sa Algebra.
"Andi, tuloy pa ba ang paggawa ng project sa bahay niyo sa sabado?" tanong ko sa kanya.
Liningon niya ako, nagkamot ng ulo at humingi ng tawad, "Naku Shina, hindi pwede sa sabado eh. Bawal sa bahay. Ako na lang bahala sa project natin."
Hindi kasi ako yung tipong hindi pumapayag na may ibang gumagawa ng gawain ko. Masyado rin kasi akong mabait. Kaya pumunta ako sa bahay ni Andi nung sabado. Laking gulat ko nung nandoon ang mga kaklase naming si Andrei, Shine, Shaine at Josh. Silang lima ay naka-upo sa lamesa sa labas at gumagawa ng proyekto habang nag-uusap.
"Andi, ba't ikaw nanaman gumagawa ng project niyo?" tanong ni Andrei.
Nagbuntong hininga lang si Andi, "Maspipiliin kong gumawa ng project mag-isa kaysa makasama ang mga taong kunwari lang namang tumutulong. Masmabilis ko pa 'to matatapos!"
Matapos noon ay naasar na ako kay Andi. Hindi kasi nakakatuwa ang matawag na nagkukunwari. Masaya na akong hindi ko siya naging kagrupo sa ibang subjects. Halata namang di kami magkakasundo.
Natapos na ang pagproproblema sa mga proyekto, ang Periodic Exam naman ang kailangan naming paghandaan. Sunod-sunod nanamang pagsusulit ang dapat naming kunin at ipasa.
Maayos naman ang mga score ko, nasa kalahating pataas ako. Mapapatingin naman ako sa score ni Andi na minsa'y highest o kaya naman pumapangalawa o pumapangatlo. Hindi mo talaga maiitanggi na matalino siya, pero kung ganoon ang ugali niya, hindi mo siya maako.
Lumipas na ang exam season, dumating naman ang bigayan ng mga grade. Ikalawa sa klase si Andi. Gulat ang buong klase, kahit siya. Napuno ng tuwa ang kanyang mukha at hindi niya mapigilang magsaya. Aaminin ko, nabitter ako. Ako kasi di nakapasok sa top ten. Hindi ko maalis ang asar ko sa kanya, kahit anong gawin ko. May nakukuha akong feeling na hindi niya dapat nakuha ang ranking na 'yon. Masaya siyang lumapit sa nanay niya at ibinigay sa kanya ang merit card. Ginamit lamang bilang pamaypay.
Nung second grading, nakakagulat ang pagbabago sa ranking. Galing sa ikalawa, naging ikasiyam si Andi. Nagulat ang buong klase, kahit siya. Isang maliit na ngiti ang tumakas sa aking mga labi. 'Buti nga sa'yo,' naisip ko. Top eleven pa rin ako, pero ayos na sa akin yun. Meron pa rin siyang Merit Card at ako wala. Linapitan niya ang kanyang nanay at ibinigay ang merit card. Nilagay lamang ito sa bag at agad silang umalis.
Simula noon ay hindi na siya masyado naging aktibo sa klase. Hindi na niya sineryoso ang pag-aaral. Lagi na lang siyang naka-upo at nakatitig sa board, o kaya minsan nagdo-drowing sa notebook. Bumababa ang mga scores niya sa seatwork at quizzes. Hindi na rin siya napipili bilang leader sa mga groupings. Akala ko may pag-asa na akong makapasok sa top ten, akala ko ako na papalit sa kanya.
Pero hindi eh, dumating ang ikatlong markahan, tumaas pa ranking ni Andi! Mula ikasiyam, ikapito na siya. Ako? Nasa labing-isa pa rin! Hindi ko maintindihan. Halata namang hindi siya masyadong nagpaparticipate sa klase at bumabagsak na rin siya sa mga quizzes, ngunit bakit?! May merit card pa rin siya, kaso nga lang iniipit lang niya ito sa notebook niya, o kaya naman ginagawa niya itong pamapay. Nangiinsulto ba talaga siya?
Fourth Grading na, at naging kagrupo ko si Dreya sa TLE at MAPEH Asar na asar ako, pero kung gusto kong pumasa, kailangan kong makipagsundo sa kanya.
"Andi, paano yung mga project natin?" tanong ko sa kanya, pilit na tinatago ang galit.
"Ewan. Si leader ang tanungin mo, 'wag ako," tumayo siya at umalis bigla.
Kumulo ang dugo ko. Hindi ko na siya kinausap ulit. Nilapitan ko na lang si Andrei -yung leader sa TLE- at si Kristine -yung leader sa MAPEH- at sinabi sa kanya na kami-kami na lang gumawa ng proyekto. Hindi tumulong si Andi.
Nung araw ng pasahan, nilagay ni Andrei ang pangalan ni Andi sa listahan ng mga tumulong. Agad kong tinanong kung bakit.
"Si Andi kasi gumawa nung project namin sa Chemistry mag-isa nung second grading. Hindi niya kami siningil. Ito na lang ang magagawa ko para matulungan din siya." sagot ni Andrei.
"Si Andi kasi gumawa nung project namin sa Physics, AP at TLE nung second at third grading. Itong project sa MAPEH ay isang maliit na pasasalamat sa kanya," sagot naman ni Kristine.
Naiintindihan ko sila, kung may taong gumawa rin ng project ko ay magpapasalamat ako- pero naasar talaga ako sa mga taong katulad ni Andi! Yung taong nanghuhusga at di nagsesryoso pero maraming kaibigan at nagiging successful.
Ang daya.
Dumating na ang bigayan ng grades. Sinabay na rin ang closing party at recognition. Ito na kasi ang huling araw namin bilang seksyon. Sa mga susunod na araw kasi ay magpapaclearance na lang kami at maglilinis ng classroom.
"Top five, Andi Cuevas," inanunsyo ni Ma'am Rowena. Pumunta si Andi sa harap. Binigyan siya ng certificate at ng medal. "Congratulations. Magbigay ka naman ng speech."
Ayaw kong makinig, hindi ko gusto marinig ang kailangan niyang sabihin.
"Um... una sa lahat. Masaya ang school year na 'to. Naenjoy ko siya kahit papaano-" inisa-isa ang mga events ng buong taon at kung anong naramdaman niya. Wala na akong pakielam sa kung anong naramdaman niya.
"-at huling-huli, sorry sa lahat ng naasar ko. Ito ako eh, wala na kayong magagawa."
Naiwan kami ni Andi sa klase, pareho kaming cleaners eh. Kaso nga lang, ako naglilinis, siya tinitigan lang ang certificate na natanggap niya. Parang pinagmumukha talaga niyang siya meron at ako wala.
"May balak ka bang tulungan ako?" tinaasan ko siya ng boses habang nagtatanong.
Nagbuntong hininga siya, tumayo at liningon ako, "Wala eh."
Sisigawan ko sana siya, kaso nga lang nagulat ako sa susunod niyang ginawa--
Pinunit niya ang certificate of merit niya.
"Bakit-?"
Naglakad siya patungo sa pinto, "Kalat lang 'yan. Wala rin namang kwenta yan. Hindi na nga ako nag-aaral ng mabuti, nakakakuha pa rin ako niyan. Anong saysay nun?"
Bago pa an siya makalabas, pinigilan ko siya. "So binabalewala mo lang ang certificate na 'yon?!"
Nagulat siya sa reaksyon ko, pero hindi ko naman din inakala na maapektuhan ako eh, "Apat na markahan akong nag-aral para sa certificate na 'yan. Pero hindi ko siya nakuha! Ikaw, kahit na 'di ka nag-aaral ng mabuti, dapat tine-treasure mo pa rin 'yan! Hindi lahat ng tao ay nakukuha iyan bilang gantimpala!"
"Talaga lang ah?"
Nanigas ako sa pwesto ko. Si Andi ay nakangiti, pero mali eh. Sa unang pagkakataon ay nakita ko siyang malungkot.
"Hindi lang naman ako yung taong binabalewala ang gantimpala na mahirap kunin sa school natin eh. Kahit magsipag ako o hindi, wala ring naman magbabago eh. Makukuha ko pa rin and merit card, pero ,ay mga tao talaga na mahirap pahangain."
Binitawan ko siya at siya'y umalis nang di ko naiintindihan ang kanyang sinabi.
![](https://img.wattpad.com/cover/8911911-288-k540990.jpg)