Walang nakakakilala sayo, kung di ikaw lamang. Walang nakakaalam kung anong sakit ang naranasan mo kung di ang sarili mo. Walang ibang makakatulong sa 'yo kung di ikaw.
Alam ko yun. Nararanasan ko yun. Mga wala silang pakielam, hindi nila ako pinapansin. Nakikita na nga nilang hindi ko na kaya, ipinagpatuloy pa rin nila. Hindi ba nila alam na nakakasakit na sila? Na onti-onti nilang tinutulak ang isang tao sa punto ng pagwasak?
Kung hindi nga... MGA MANHID! Oo, ginagawa nila yun! Nawasak na nila ang puso't isipan ko sa puntong hindi ko na kayang mag-isip ng happy thoughts.
Araw-araw na lang ako nakakulong sa apartment room ko at nagpapakagutom. Walang ginagawa at naka-upo lamang sa kama na pinapalibutan ng mga punit na larawan at liham.
Pamilya sila? O sige nga, nasaan sila?! Nandito ako ngayon, naghihirap!
Kaibigan ko sila? Ba't di ko sila maaninag?! Nandito ako ngayon, nalulungkot.
Nakahiga lang ako sa kama ko at nakatitig sa kisame ng napakalaking na apartment room na ito. Hindi ko pa rin winawalis ang mga punit na liham at larawan sa lapag. Ayaw ko nang hawakan ang mga iyon.
Di naglaon ay nagsawa na ako sa aking puting kisame na punong puno ng mga supot ng gagamba, at natuon naman ang pansin ko doon sa gitara ko.
Nag-iisang bagay na nagpapasaya sa akin. Kinuha ko ito at tumugtog.
"La da da da da
I'm gonna burry you in the ground
La da da da da
I'm gonna burry you with my sound"
Minsan lang ako makapag-online, o manood ng T. V. kaya onti lang alam kong itugtog. Sa lahat pa ng alam ko, kanta galing sa isang cartoon pa! Wala talaga akong kwenta. Napatawa na lang ako.
"I'm gonna drink the red, from your pretty pink face.
I'm gonna-"
Nandilim ang paningin ko.
"Sorry I don't treat you like a goddess
Is that what you want me to do?
Sorry I don't treat you like your perfect
like all your little loyal subjects do.
Sorry I'm not made of sugar
Am I not sweet enough for you?
Is that why you always avoide me, that must be such an inconvinience to you... well,"
Onti-onti na akong nawalan ng gana tumugtog. Pero tinuloy ko pa rin. Napatungo nanaman ang aking tingin doon sa kisame.
Ito na yung punto ng kanta na di ko makayanan...
"I'm just your problem.
I'm just your problem.
It's like I'm not even a person, am I?
I'm just your problem!"
Kaya ako tumingin sa taas para hindi tumulo ang mga luha ko, bukod pa doon, nakangiti ko pa itong tinugtog. Nakakatawa kasing isipin na masyadong makatotohanan ang kantang ito.
"Well, I shouldn't have to justify what I do
I shouldn't have to prove anything to you
Sorry that I exist, I forgot what landed me on your blacklist...
I shouldn't be the one who makes up with you."