Elemento Singko: Oracle

125 15 0
                                    


Oracle

Continuation of Lilias Point of view(People of Avalon: a small village of the south)

Dalawang araw na ang lumipas ngunit hindi parin nagigising ang babae na natagpuan namin ni haya sa ilog ng Phlegethon.Base sa pananamit nya at kutis noong una   namin syang natagpuan sa ilog ay alam kong nagmula ito sa mayamang angkan.Maaring galing ito sa Bayan ng Agartha O maari namang sa utopia o baka sa kaharian ng Wilfiheilm,mabuti nga  kung doon sya galing para matulungan nya ako sa aking paglalakbay papunta doon.Bali balita kasi na maraming nang masasamang elemento ang pagala gala sa boung Hapherseus.Natigil lamang ang pagmumuni muni ko ng patakbong lumapit sa akin si haya

"Ate, pinapatawag ka ni cybele" sabi nya

"Bakit daw haya?,nagigising na ba ang babae?" tanong ko

"Hindi ko rin alam ate, basta puntahan mo na lang sya at baka yun ang gusto nyang ipaalam"mariing turan nya

Dali dali naman akong pumunta sa kubo ni cybele para malaman kung ano nais nyang ibalita sa akin.Umaasa ako na sana nagising na ang babae para malaman na rin kung ano ang pagkakakilanlan nya,mahirap magpatuloy ng isang estranghero.

Ngunit pagdating sa kubo ni cybele ay dismayado akong tumingin sa mahimbing na natutulog na babae.kung gayon ibang bagay ang nais iparating sa akin ni Cybele,maaring nagkaroon ulit ito ng pangitain.

"Manggagaway Cybele, nandito na ako ano ang nais nyong ibalita?"sabi ko sa matandang shaman ng Avalon.Si cybele ang huling shaman na natitira sa aming nayon.Ang iba kasi ay nagsilipatan na sa malalaking bayan o siyudad.Bahagyang nakatalikod si cybele sa akin habang may dala dalang sungkod,nakatingin ito sa siwang ng kanyang bintana na parang pinagmamasdan ang boung Hapherseus habang ang isang kamay ay nasa kanyang likod.Halos puti narin ang kanyang buhok at meron itong antigong kwentas sa kanyang leeg.Kalimitan lamang nagkakaroon ng Pangitain si Cybele kaya kinakabahan ako sa kanyang maaring Sabihin ngayon.

"Maupo ka Lilia at makinig kang mabuti sa aking sasabihin" Sabi nya ngunit nakatalikod parin sa akin at nakatingin parin ito sa siwang ng kanyang bintana.

Bahagya naman akong umupo sa kahoy na upuan

"Noong unang panahon ay Balanse ang Ikot ng boung Hapherseus.Masaya ito  tahimik at pinamumunuan ng haring Zandro at reyna theia ng Wilfiheilm.Masagana ito hitik na hitik sa biyaya sa tulong narin ng mga diyos at diyosa na sina Alphea(water Godess) Epione(Earth God) Helios(Fire God) at Aura(Air Goddes) sila apat ang nagbabalanse sa ikot ng boung Hapherseus.Ngunit dumating sa punto na naghari na ang kadiliman sa boung hapherseus at nagdulot ito ng matinding kasiraan bawat mamayan nito.Maraming dugo ang dumanak at marami ang nawalan ng pag asa"

Kinakabahan ako sa tinuran ni Cybele,ito ang unang pagkakataon na ikwinento nya sa akin ang nakaraan sa boung Hapherseus.kahit na may alam akong kaunti sa nakaraan ng nito ay di ko parin alam ang boung kwento kaya nakinig akong sa bawat salitang binibigkas ni Cybele.

"Pinamumunuan ito ng isang makapanyarihang kampon ng kadiliman na si Hades.Si hades ay ang kanang kamay at tapat na tagapagsunod ni Haring Zandro.Dahil sa inggit sa trono kapanyarihan at galit na dumadaloy sa itim nyang budhi ay sumanib ito sa kampon ng kasamaan.Sinakop nya ang bawat naglalakihang siyudad,lungsod at nayon sa boung hapherseus.Kahit pa pinagsama sama ng mga malalaking siyudad ang kanilang kapanyarihan ay hindi ito nagwagi sa kanya.Maging ang kaharian ng Wilfiheilm ay di rin nagtagumpay laban kay hades.Inagaw ni Hades ang trono ng kanyang kapatid at naghari siya ng napakaraming taon.Sa araw ng kanyang paghahari ay puro kasamaan ang lumalaganap sa boung hapherseus.Ngunit hindi ito naging sapat sa kanya,binalak nya rin na sakupin ang taga kabilang dimensyon.Sinimulan nyang lagyan ng kasamaan ang tagakabilang dimensyon.Galit,inggit,kasakiman ang iilan sa kanyang itinanim sa puso ng bawat nilalang doon.Labis na nahabag ang mga diyos sa kanilang nasaksihan sa mundong kanilang nilikha.Kaya naman pumili ang mga diyos ng mga karapat dapat na mga mamayan ng Haphersus na bigyan ng natatanging kakayahan para lumaban sa kampon ng kasamaan.Ang iba ay may nakuhang pisikal na kakayahan(Third class)Ang iba naman ay natutong gumamit ng salamangka (Second class) at ang iba ay natutong gumamit ng elemento(first class).Matinding digmaan laban sa kabutihan at kasamaan ang namutawi sa boung lugar.Ngunit bigo parin sila na matalo si Hades,dahil sa pambihirang mga kakayahan na nakuha ng mga tao galing sa diyos at diyosa ay dinakip ni hades ang mga ito at ginawa nyang hukbo.Kaya naman napagdesisyunan na ng mga bathala na bumaba sa hapherseus at nag anyong mortal sila.Tinapos nila lahat ng kasamaan,at nilabanan nila si hades hanggang sa kanilang huling lakas.Hindi nila ito napatay ngunit natalo nila si hades,naging bato ito at itinapon nila sa isang silyadong dimensyon.Simula noon ay naibalik na ang balanse sa hapherseus at sa mga kabilang dimensyon ngunit hindi parin naalis sa puso ng bawat  isa ang kasamaang itinanim ni Hades, nasa atin na iyon kung paano natin ito lalabanan at iaalis sa ating sistema"Paliwanag ng matandang cybele

The chosen one'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon