AOL Chapter 6

28 2 0
                                    

Dedicated sa kanya dahil siya ang pinakaunang lumabas sa who's reading list. Thank you. ;)

6.

Miguel’s POV

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakuha naming grade ni Alpha sa PE. Tumataginting na 97%. Kami ang nakakuha ng highest grade. Gumagana din pala kapag kami ang nagteamwork.

4 days passed at heto na naman ako. Nagddrive papuntang Laguna. Doon kasi ako nagsstay kina mama tuwing weekends. Ayoko sana kasi hassle lang pero ininsist ni mama. Medyo nasanay kasi yung palagi akong pinapamper. Only boy kasi.

I dropped a near J. Co Shop and bought some donuts. Paborito kasi ni bunso. Kasalukuyan akong nagbabayad sa may counter when I saw a very familiar face from the glass window.

Alpha?

“Bullshit! I thought you’re picking me up. Ano? Urg I hate you!” And she hanged up her phone. I walk towards her. “You alright?” And that made her jump sa gulat.

“Mukha ba akong okay? Ikaw? Okay ka lang?” Pagsusuplada na naman niya. “’Eto naman ang sungit. Meron ka?” Nakita ko namang namula ang pisngi nga.

“Oo meron ako. Meron akong problema kaya pwede ba get your face out of my sight?!” I just smiled. “Halika na nga hatid na kita.”

“No thanks. I’ll be hailing a taxi.”

“Huwag ka ngang maarte. Mababato ka dyan sa kakahintay sige ka.”

Mukha namang hindi niya interes ang maghintay ng matagal kaya sumakay na siya sa kotse ko. “Seatbelt niyo po Mam.” Utos ko sa kanya. “Seatbelt? Ayoko nga.” Hay nako. Matigas talaga ulo. “Magsseatbelt ka o pabababain kita?” Nagsukatan kami ng tingin. “Okay fine! Argg. Mr. Goody goody talaga ‘to.” Inirapan niya lang ako.

Lumipas ang ilang minuto ng konting katahimikan. Hanggang sa mapansin kong pinakekealaman niya na pala ang mga libro nasa shelf malapit sa dashboard clock ng kotse. “You read these books?” Sabay wave sa mga libro. Hindi nga naman siya masisi. Why would a guy read Nicholas Sparks’ A Walk to Remember, The Notebook, Message in a Bottle and Romeo and Juliet?

“Why? They’re cool.” I said smiling.

“Adik alam ko pong cool ang mga ito.  I’ve read them for about a hundred times for Jamie’s sake! But you reading them? Ugh, so gay!” Medyo natatawa pa siya.

“Kasi po I’ve been searching for a different genre of story to write. And I find his works cool, not gay.” Tiningnan ko siya ng masama. “Hahaha. Sa bagay,nerd ka naman. Pwede na rin.” Sabi niya na tumatango pa. Pero ako? Nerd?

“I told you I’m not a NERD.” I said firmly. Mukha naman siyang walang narinig at diretso lang ang tingin. “Parihas din tayo. Naghahanap ng ibang ending, yung hindi paulit ulit.” Nakita kong biglang lumungkot ang mukha niya.

“Bakit? Feeling mo ba masyadong cliché ang takbo ng storya ng buhay mo?” I asked. She just smiled bitterly. “Hm, sabihin na nating mala fairytale ang buhay ko. I’m a princess. I have everything that everyone dreams of. Pero hindi pa rin ako masaya.” Nakita ko siyang yumuko.

“Bakit hindi ka masaya?” Hindi ko masyadong gets ang mga pinagsasabi niya pero alam kong ang lungkot lungkot niya. Hindi ko mapigilang mag-alala.

“Kasi, it’s like my life is planned. I should be what my parents want me to be. My actions should be as proper as bullshit. Nakakabagot ang ganoon diba?” Ngumiti siya ng tipid.

“You know Alpha, I don’t know what you’re exactly talking about pero ang masasabi ko lang, you should choose the things you think that will make you happy. Kahit sinong witch o villain pa ay hindi makakaagaw sa’yo ng kaligayahan mong ‘yan.” I smiled at her. Nawala naman ang ngiti ko ng hampasin niya ako ng librong hawak niya.

“A-Aray! Anong problema mo!”I snorted. Eh ang sakit. Hard covered ang mga librong ‘yan.  She just chuckled. “Thank you. Galing mong magpayo. Mag-apply ka kayang assistant ni Papa Jack?” Napatawa nalang siya sa sinabi niya.

“Mas maganda ka kapag palagi kang tumatawa.” Putik hindi ko napigilan ang bibig ko.

Inismiran niya lang ako. “Forever beautiful kaya ako.” Kapal talag nito.

“Wow confident.”

BRRR!@#$%^&*()T

Ano yun?

BRRR!@#$%^&*()T

Tumunog ulit. Pinigilan ko ang tawa ko nang malaman kong si tiyan pala ni Alpha ‘yung tumunog. “Are you hungry?” I asked. “A-ah.. hindi. Jusog pa ako.”

“Ows? It’s not what your stomach is shouting.”

“Hindi nga sabi ako gu-- * BRRR!@#$%^&*()T” I wasn’t able to control my laughter. “HAHAHAHAHA! Hindi ka talaga gutom?! HAHAHAHA” Sinamaan naman niya ako ng tingin. “Che!” Yaan lang ang tanging nasabi niya. Ibinaling nalang niya ang tingin niya labas. Hays Alpha.

“Ito o. Gusto daw magpakain sa’yo ang mga donuts.” Sabay abot ko sa kanya ng donuts. Hindi naman niya ako pinansin. Napikon ata. “Huy, ito na nga o. Donuts. Peace offering sa pagtawa kanina.”

“Huwag na. Baka kapag sinimulan kong kumain maubos ko ‘yang lahat.”

“Okay lang. Kain na dali.” At kinuha niya ang box ng donuts. Matapos ang ilang minuto..

“Yum! *Brrp* Jusog!” Wooh. Ang takaw naman ng babaeng ‘to. She never fails to amuse me. “Ikaw na. Pwede ka na sa Guinness.” Ininom muna niya ang orange juice na nasa backseat. “Sabi ko naman sa’yo magsisisi ka kapag pinakain mo ang donuts sa’kin.” Oo na. Ikaw na ang reyna ng katakawan.

“Maiba, bakit ka nga ba mag-isa kanina? At sino ‘yung tinatawagan mo?” Hindi ko maiwasang magtanong.

“A-ah kanina. Naghahanap kasi ako ng cheaper apartment na matutuluyan. Tapos itong bruha kong best friend may date daw kaya hindi ako masusundo. Inuna pa ang kaharutan.” Napaka harsh talaga nito.

“Bakit ka naghahanap ng mas mura? Masyado bang mahal ang apartment mo?”

“Hindi naman sa ganon. Gusto ko lang mag ipon. Pero FYI, hindi ako namumulubi. Medyo matipirin lang.” Nginitian niya ako ng tipid. “Nasaan ba ang parents mo?” Nakita kong lumungkot uli ang expression ng mukha na.

“Nasa China. Nagbabakasyon.” Tipid niyang sagot. “China? Kailan sila balak umuwi?”

“A-alam mo ang dami mong tanong. Mgdrive ka na nga lang.” Lumalabas na naman ang pag-aattitude nito.

 Tumahimik na din ako baka kako ayaw niya talagang pag-usapan ang tungkol sa parents niya. Ilang minuto ay dumating na kami sa apartment niya.

“Ikaw lang mag-isa diyan sa apartment mo diba?” Tanong ko. Tinaasan naman niya ako ng kilay. “B-bakit mo natanong?” “Wala lang. Huwag kang feeling hindi kita papasukin dyan at hahalayin.” That made her turn red. “You! P-pervert! Hindi ako papahalay sa’yo! Pangit!” At dali dali siyang lumabas ng kotse ko and slammed the car door.

“Alpha!” Tawag ko. “What now?” Halatang galit siya. “Wala lang. Good night. You’re welcome na din kahit hindi ka nag thank you.” At pinaandar ko na ang kotse ko na hindi na inalam ang isasagot niya.

Isha: Dedicated sa mga nakaabot hanggang sa chapter na ito. Vote at comment po sa mga silent readers. Hihi. Ingat. :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 21, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Alpha of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon