Kasalukyang nasa harap ng laptop si Alison, ka-skype niya ang mga kaibigang sina Reya, Bingelle at Myra.
"Until now, hindi pa rin ako makapaniwala wala na rin si Patricia. Parang kailan lang kumakain pa tayo sa Mcdo." Bakas ang lungkot ni Reya sa boses nito.
"Me too, nag-aalala na nga rin ang parents ko. Pinapabalik na nila ako sa Canada para raw mas safe ako," dismayadong pahayag naman ni Alison.
"How about you Myra?" Hindi agad nakasagot si Myra, tila lumilipad sa kawalan ang pag-iisip nito.
"Myra, a-are you okay?" puna ni Reya sa kaniya.
Saka lang nakaalala si Myra na may kausap pa nga pala siya sa online, "Huh? I'm sorry, a-ano nga ulit 'yong sinasabi n'yo?"
"We're just asking kung kumusta ka na? After all those terrible things happened."
"I-I'm fine, I'm j-just, just thinking-- what if, sabihin na natin ang tungkol sa pagkamatay ni Clo--."
Hindi pa man tapos sa sasabihin ay sabay-sabay nang sumagot ang mga kaibigan niya na para bang nagkaroon ng pagkakaisa ang mga isip nila, "No Myra!"
"Iyan ang huwag mong gagawin, dahil for sure, madadamay tayong lahat sa pagkamatay ng mga sumunod kay Cloe. Basta tandaan mo! Wala tayong kasalanan, hindi natin ginusto ang nagyare sa kaniya. At saka hindi rin naman natin alam na aabot siya sa ganoon, we don't deserve to be in prison dahil sa katangahan niya!" giit no Bingelle.
"I'm agree with Bingelle, we're too young for that! Uulitin ko, hindi natin ginusto iyon," iritable namang tugon ni Reya.
"I can't help it! Nag-guilty na ako, We know what really happen to Cloe! Kung bakit ginawa niya iyon. And it was all our fault!"
"If you do it! You'll regret this Myra!" May tono ng pagbabanta ang tinig ni Bingelle. Napatahimik naman ang dalawa pa nilang kaibigan na si Alison at Reya. Maririnig ng tatlo ang pagbitaw ni Myra ng malalim na buntong-hininga. "Okay, I'm sorry! I will not mention it again."
"Promise?" Nag-pinky promise pa si Bingelle at inilapit ito sa camera, waiting for the others na ganoon din ang gawin nila. As she expected, iyon nga ang ginawa ng lahat, a sign that no matter what, they will keep their words and secrets untold.
Maririnig naman sa background ni Myra ang boses ng mama nito, "Myra, why are you still up? Go and sleep now."
"Sorry guys, I have to go now." Isinira ni Myra ang laptop at nagkunwaring kanina pa nakahiga. "Y-yes mom~ I'm about to..."
"So paano ba iyan, Myra is out. I have to go na rin," paalam ni Reya.
"W-wait Reya! Aren't you scared?" Namagitan sa kanila ang biglaang katahimikan.
"A-afraid from w-what?" Kahit nagmamaang-maangan ito, bakas pa rin sa boses niya ang kakaibang kaba na dinulot ng tanong ni Alison.
"If the slambook curse was true, it means posibleng malapit ka na rin sumunod kina Patricia? Ta—tayo?"
Halata naman na hindi natuwa sa Reya sa mga ganoong usapin, "Alison, itigil mo na nga iyang kahibangan mo. Ilan beses ko bang sasabihin na walang kabuluhan iyang mga teyorya mo! They died because it was their time to die and some of them chose to die! That's it! I'm not in the mood to talk to anyone anymore, I have to go now! Bye!"
BINABASA MO ANG
Slambook Case [complete]
Mystery / ThrillerHilig mo bang sumagot ng Slam Book? Paano kung ito ang magtakda kung kelan ka mamamatay? Handa ka bang sagutan ito? At handa ka ba sa maaring kahantungan mo? What is your name? What is your age? What is your address? Tell me-- So I could kill you. ...