Chapter 5

151 6 0
                                    

          "Kaila, ito ang magiging kwarto mo. Ito ang kwarto noon ni Katie, kaya sana ingatan mo ang mga bagay na nandito, at kung maaari, wala kang babaguhin,"  nakangiting saad ni Mrs. Dionisio. Hindi naman umimik si Kaila, yakap pa rin niya ang lumang manika niya at nanatiling nakatungo. Aminin man niya o hindi, ayaw niya sa mag-asawa. Dahil alam niya na hindi siya inampon ng mga ito para maging anak nila kundi para maging kapalit lamang ng anak nilang namatay na. Gusto nilang panatilihing buhay si Katie sa mismong katauhan ng batang si Kaila.

          Lumipas pa ang ilang linggo, maayos naman ang lahat sa buhay ni Kaila, nakatira siya sa maayos at malaking bahay, nakakakain siya ng higit sa tatlong beses sa isang araw at higit sa lahat may magulang na siya.

          Ngunit sa araw-araw na kasama niya ang mag-asawa, lagi na lamang din siyang ikinukumpara ng mga ito sa namayapa na nilang anak. Kulang na lang, pilitin siya ng mag-asawa na magpanggap bilang si Katie. Marahil inampon nga siya ng mag-asawa, ngunit para lamang nga maging panakip sa pagkamatay ng kanilang anak.

         Katie, katie, katie. Halos ito na nga rin ang itawag sa kaniya sa halip na Kaila. Hanggang sa isang araw, kumakain noon ng tanghalian ang mag-aswang Dionisio kasama si Kaila. Tahimik lang si Kaila habang hawak nito ang tinidor at kutsilyo para sa nakahain na stake sa harapan niya.

          "Katie, okay lang bang lagyan mo ulit ng tubig 'yong pitsel?" mahinahong utos ni Mrs Dionisio. Hindi umimik si Kaila, pero sumunod ito. Pumunta ito sa kusina, ngunit hindi pitsel ang dala nito ng bumalik kundi isang matalas na kutsilyo.

          Hindi ito batid ng mag-asawa, kaya huli na  ang lahat nang biglang gamitin  na lamang ito ni Kaila sa paglaslas sa leeg ng tumatayong ina niya. Hindi mababakasan ng emosyon o anumang pagsisisi ang mukha ni Kaila. Tila walang emosyon ang mukha nito.

           Ikinabigla ito ni Mr. Dionisio at napatumba sa kinauupuan niya, "O Diyos ko, anong ginawa mo!" Naluluhang tinignan ni Mr. Dionisio ang nangingisay niyang asawa, duguan na ito at nakatirik na ang mga mata habang nakatingin sa kaniya, hanggang sa tuluyan na itong lagutan ng hininga.

            "Ako si Kaila, at hindi ako si Katie," mariing banggit ni Kaila habang hawak nito sa kaliwang kamay niya ang duguang kutsilyo.

          Dala na rin siguro ng panghihina ng loob, kaya di agad nakatayo si Mr. Dionisio. Dahan-dahang lumapit sa kaniya sa Kaila, nakangisi ito, tila nananabik na muling makapatay.

         "K-katie! H-hindi tama iyang naiisip mo," pahabol na litanya ni Mr. Dionisio, umaasang mababago nito ang naiisip ng batang kaharap. Nagsimula na rin itong gumapang palayo sa musmos na bata.

           Ibang Kaila ang nasa harap niya, ang tahimik at mahinhing bata na nagustuhan nila noon ay bigla na lamang naging demonyo sa harapan niya, Muling ngumisi si Kaila bago bitawan ang mga huling salita niya, "You're next Daddy!" Patalon na dinakma ni Kaila ang gumagapang palayo na ama niya at saka niya ito sunud-sunod na pinaulanan ng saksak sa likod nang tumalikod ito sa kaniya para sana lumayo.

          Dalawang bangkay ang nasa harapan ng batang si Kaila. Ngunit mas inaatupag ng munti niyang mga kamay ang paglalaro sa kaniyang lumang manika. 

***

          Nagulat na lang si Reya nang biglang lamunin siya ng dilim habang na sa library, mukhang hindi siya napansin ng librarian na nasa loob pa siya. Malas pa dahil patay na ang baterya ng kaniyang cellphone.

          "Hello? May tao pa ba diyan? Mrs. Thompson?" tukoy niya sa Librarian nila. Naglakad pa siya sa kabuuan ng silid sa tulong ng mga  bookshelves sa paligid niya, inaalalayan siya ng mga ito. Hanggang sa matuon ang paningin niya sa kabilang dulo ng isa sa mga book shelve. May taong nakatayo roon, marahil ay nakulong din kagaya niya.

Slambook Case [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon