B.A: Chapter 7

35 4 0
                                    

Zana Davis

"Zana!" sigaw ni Ty galing sa labas ng bahay kasabay ng pagbusina niya ng tatlong sunod-sunod na beses na mas nagpainis sa 'kin. Lunes ngayon kaya ganiyan kainit ang ulo ni Ty. Lunes na Lunes ba naman kasi, late ako nagising.

"Sandali nga sabi! Atat masyado? Papalabas na nga eh!!" sigaw ko naman pabalik.

Nang matapos akong mag-ayos ng gamit, patakbo akong lumabas ng bahay at inilock 'yon ng mabilis.

Naiisip ko pa lang na sasalubungin niya 'ko sa baba ng nakakunot ang noo at nakataas ang kilay, parang gusto ko na siyang sapakin.

Okay Zana, magready ka na sa masungit mong kuya. Maghanda ka na sa galit at pangit niyang mukha mamaya. Kailangan mo ng matinding pagtitimpi.

Nang makita ako ni Ty na nagl-lock ng pintuan, bumusina ulit siya ng dalawang beses. "Kingina naman oh, 'di makapaghintay? Atat?" pabulong kong sabi, pilit na tinatago ang inis sa mukha ko at naglakad papalapit sa kotse ni Ty.

Pumasok ako agad at nagseatbelt kahit hingal na hingal dahil sa pagmamadali niya.
"Nakakapagod," bulong ko sa sarili ko. Ginamit ko pang pamaypay ang kanang kamay ko kahit malakas na ang aircon sa loob ng kotse.

"Ang tigas kasi ng ulo mo," masungit na sabi ni Ty habang nag d-drive. Mainit ang ulo ng pinakamamahal kong kapatid ngayon dahil na-late lang naman ako ng gising dahil sa kaiisip kay Von simula nung byernes.

Malay ko ba naman kasi na mapupuyat ako kaiisip kagabi 'di ba? tss. Yung utak ko naman kasi, ayaw magtigil.

"Napuyat kasi ako kagabi. At saka, hindi ko naman iniutos sa 'yo na sunduin ako ngayong araw ah? Ikaw 'tong nagprisinta. Bigla-bigla ka na lang sumusulpot diyan ta's sasabihin mo na ihahatid mo 'ko?" sagot ko naman na may halong pagkainis. Nasa dugo niya na talaga yang pagp-prisinta ta's magagalit sa huli. Badtrip.

"Pasalamat ka na lang na sinundo pa kita," sagot niya rin pero sa kalsada nakatuon ang atensyon.

"May sarili naman kasi akong sasakyan eh tss." pagpaparinig ko naman pero parang wala lang siyang narinig. "Nakaka badtrip ka talaga," mas malakas na ang pagkakasabi ko para marinig niya. Pinagsiklop ko pa ang mga braso ko para ipakita sa kanya ang inis ko.

"Sana alam mo rin na binadtrip mo rin ako." siryoso ang itsura niya kaya nanahimik na lang ako. Ayoko namang mag-away kami ngayong umaga.

Wala naman kasi siyang pasabi na susunduin niya ko eh. Edi sana, napaghandaan ko.

Ilang minuto rin kaming tahimik sa loob ng sasakyan pero naputol ito nang magtanong siya.

"Bakit ka nga pala napuyat? Sa'n ka ba galing ha?" tanong ni Ty.

"Wala. Nasa bahay lang ako kagabi." gusto ko sana siyang barahin kaso baka magbuga siya sa apoy sa galit kapag nainis sa 'kin eh.

"Eh ba't puyat ka?" yan ang isa sa pinaka ayaw kong ugali ni Ty. Ang pagiging matanong niya. Hindi siya tatahimik hanggang may naiiwang tanong sa isip niyang bulok. Tsk.

"May iniisip lang," nagaalinlangan kong sagot. Pinaglalaruan ko narin yung seatbelt ko sa sobrang kaba na baka magtanong ulit siya at malaman na si Von ang iniisip ko kagabi. Ang mas malala pa, biyernes hanggang linggo ko siya naiisip. Na-late tuloy ako nv gising. Ang mahirap pa naman kay Ty, alam niya kung nagsisinungaling ako o hindi.  Gusto ko nga sanang sabihin na 'pake mo?' o kaya naman, 'wala' kaso siguradong magtatanong pa yan ng mas marami. At nakakabwisit lang 'yon.

"Anong iniisip mo? Sino?" hindi na ako nagtaka na 'yon na ang kasunod na tanong niya. Napakachismoso kasi, gusto lahat inaalam eh.

"Wala. Pwede bang bilisan mo na lang magdrive? Late na nga ako, mas pinapalate mo pa." hindi ko maiwasang mapairap sa inis. Aga-aga, iniinis niya ko. tsk.

Bravest AttemptTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon