Photoshoot ✔

341 5 2
                                    

Mula dito sa inuupuan ko ay rinig na rinig ko ang shutter ng camera na kumukuha sa mukha at katawan ni Hina.

" Hina, wala pa yung babaeng kapartner mo. "  sabi ng manager niya. siya yung sinabihan ni Hina ng mga malalaswa na bagay. Hindi ako makatingin sa kanya pero kinakausap naman niya ako paminsan minsan.

" Oh? Anu ngaun? Problema ko ba yun? "

Hina's

Andito ako ngaun sa photoshoot ko. Nakalimutan ko kasing may photoshoot kami ngayon ehh kadate ko pa si Yumi loves ko.. Ayun sinama ko si Yumi ko para mapanuod nya ang poging pogi nyang boyfriend. Kaso etoo! Pa-V.I.P yung kapartner ko. Feeling sikat. Nakakainis kaya! Anung feeling nya? Maghihintay ako sakanya?

" Alam mo nagkaroon ako ng idea! Pano kung yung girlfriend ko nalang yung maging partner ko? Hindi naman kasi msyadong pasikat yung kinuha nyong pipitsuging babae di ba? "  sabi ko.

" Girlfriend mo? Asan ba? "

Tinuro ko yung babaeng nakaupo sa likod ng mraming tao.

" Ahhhhh! Pwede! Maganda sya! "

~~~~

" Miss Nakamura pls. use more expression and don't look at the camera " - sigaw ni Mr. Photographer.

" Uy! " tawag ko sabay hawak ko sa bewang nya gamit yung right hand ko tapos yung left hand ko hinawak ko sa mukha nya nilapit ko pa yung katawan ko sa katawan nya kaya nagblush sya. Hahahahaha! She should've seen her face! She looks like a tomatoe ready for harvest.

" Bwisit ka talaga! " - Bulong nya sakin.

ngumiti lang ako sa kanya.

" Alam mo minsan mabait ka, madalas hayop ka! Minsan lang talaga yung minsan! At sobrang dalas ng madalas! "

Yumi's

Pesteng Hinata toh! Dinamay pa ko sa photoshoot nila! >< Bwisit lang talaga sya! Peste kasi yung partner nya di dumating! Pa-V.I.P masyado! Papasalvage ko yun!

Siguro naman may idea na kayo kung pano ako napapayag sa photoshoot na toh? By the use of BLACK MAIL. Lesheee lang talaga sya. Kanina sa boutique feel ko na yung presence nya eh. ang sweet nya na nga eh! Sabi na pahamak lang sya sa masaya, maganda at simpleng buhay ko. Ngayun ganito na sya!

Hulaan nyo pa kung sino yung photographer! Si Mr. Servantes pa! Peste lang talaga! Di ko maiwasang di sya tignan! Ang pogi nya. Kesa dito sa may hawak sa mukha at bewang ko! Hinahalay na nya ko!

" Ang stiff mo naman kasi my loves " - bulong nya

" Ka-kasi.. "

" Nahihiya ka pa din? Nakita ko naman na YAN kanina. Tsaka iba na toh. Swim wear lang "

Ramdam na ramdam ko na talaga ngayon yung pamumula ng pisngi ko habang rinig ko naman yung tunog ng kamera.

Alam nyo? Sana umulan tapos kumidalat! Tapos sya yung tamaan! Swim wear lang pero grabe! Alam nyo yung feeling na suman na walang balot? Ako yun!

At kung may makakakita ng katawan ko, si Allan my dearest lang yun:")

Ayy ang harot! Anu beeee.

Ayoko na syang sagutin! Matatalo lang ako! Never naman akong mananalo eh!

~~~~

" Good job everyone! " sabi ng manager ni Hinata

" sorry po late ako "

My Mysterious Novelist [Fin] [edited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon