Hina's
" Hi Ayumi! " tumatakbong tukmol papalapit samin.
Aish! badtrip naman oh! Hindi ba pwedeng kami muna yung magusap?
Kailangan laging may epal?
" Pre wait ah! Naguusap kasi kami eh. Pwede kami muna? Mamaya na yan. Importante kasi to. " - sabi ko. Ang bait ko na nyan ah.
Tumingin sya sakin pero inalis din yung tingin nya.
" Ayumi, anu na? Sabay tayo umuwi ah. " Lalaking mukang ingrown ko. Ayy wala pala akong ingrown. So wala siyang mukha?
" Ahhh. Eh kasi Cyle. . . " Ahh Cyle pala pangalan ng lalaking toh. Na wala pa sa kapugian ko. Asa naman syang papayag si Yumi, Naguusap nga eh di ba?
Nakakainis na talaga kaya naman sumingit na ulit ako.
" Mamaya na pre pls. " - Ako. Sabay hawak ko sa kanya sa braso.
" Ahm, Cyle. Maguusap muna kami ni Hina. Importante kasi. "
" Pero sabay tayo di uuwi? "
" Tignan ko. Text nalang. " sagot ni Yumi. Wow! Text nalang? Close kayo? Ayus ah!
Sabay alis nung Cyle.
" Wow. " asik ko.
" Bakit? "
" Kayo? "
" Kami? "
" Ulit ulit? "
" Ang taray mo. " sagot sakin ni Yumi. Hindi ba halatang naiirita ako? I look like a jealous ranting boyfriend which is... I really am.
" Kayo nga? "
" Tayo. . . "
" Ha? " Kunwari di ko narinig.
" Nakamura! " - Allan.
Papansin lang talaga eh noh? Makakapagusap pa kaya kami?
" Ahhh. Sir. Hi. Bakit po? "
parang tanga lang. Nakakainis! Hindi ba pwedeng makapagusap muna kami tapos mamaya na dumating yung mga epal na yan. Hanggang ngayon nakatayo pa din kami dito sa may field.
" Punta ka sa faculty mamaya bago ka umuwi. "
" Ahhm.Sige po. "
Sabay ngiti ni Allan.
Tinatamad talaga ako galangin yan.
At umalis na din.
" Wow. Lagi nalang ah "
" Laging ano? "
" Lagi ka nyang pinapupunta sa faculty. "
" Oh anu namang masama?? "
" Wala. Napapansin ko lang naman. "
" MAYUMI!! " Friend nya. Yung Hanna. Papalapit nanaman dito.
" Bakit? bebs??" - Yumi
" Pupunta ka ba bukas sa bahay? Ayusin na natin yung project natin. "
![](https://img.wattpad.com/cover/916791-288-k406150.jpg)
BINABASA MO ANG
My Mysterious Novelist [Fin] [edited]
General FictionJeje-edit "Hintay. Hinihintay. Naghintay. Maghihintay. Root word. Present tense. Past tense. Future tense. Wala akong ibang ginawa kundi ang maghintay. Kailan kaya ang perfect time?"