Jealousy of boys & Girlfriend's feelings ✔

281 4 9
                                    

Fast Forward

Yumi's

Babe?

Darling?

Honey?

Boo?

Baby?

Loves?

Boss?

Honey Boo?

Lovey?

Lovieduds?

Anu ba magandang tawagan?

Anu ba yan!?

Feel na feel ko na kami na talaga. Nitong mga nakaraang araw, hindi sya umaalis sa tabi ko. Literally! Para siyang naligo ng mighty bond at ayaw na matanggal sa pagkakadikit sakin.

Medyo sweet nga eh. Natatawa din ako nung last time na ang daming kumakausap sakin! Tapos niyakap nya ko nung lumapit na si Christoff para tanunging kung sino yung partner ko sa acquaintance.

Medyo matagal na din nung time na nagusap kami ni Tita Hazel - yung mama ni Hina.

Balak ko na kasi maging sweet kay Hina. Aamin na ata ako sakanya eh. Hindi na ko natatakot sa kung anuman ang sasabihin ng ibang people. Tsaka, okay naman na kami. Confirmed na hindi ko sya kapatid.

Pwede na kaming magmahalan - big word. I know! After ng acquaintance, sembreak na. Excited na ko sa 2nd semester. Nga pala, habang iniisip ko ang lahat ng toh, kasama ko nanaman sya. Lagi naman ehh.

Hulaan nyo kung nasan kami!

Hulaan nyo!

Hulaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!

Sige siret na?

Nanunuod kami ng Friends With Benefits ngayon. kanina, yung Going the Distance dito sa condo nya. Siguro papayag naman ako kahit saang lugar basta kasama ko sya.

Itanung nyo naman kung bakit Going the Distance at Friends with Benefits yung pinanunuod namin! Itanung nyo. Ang kulit ko lang eh noh?

Kasi naman. Super wala akong idea kung ano yung gagawin ko sa next story ko. Kelngan na maging mas erotic yon. Para matalo ko yung mama ni Hina sa susunod na rankings. Para makuha ko yung jourmal ni papa.

Sabi nga ni Hina manuod nalang daw kami ng porn. Gago eh noh?

Badtrip. Binatukan ko kaya sya nung sinabi nya yun.

Tapos nagtampu-tampuhan. Nilambing ko, okay na tapos tuturuan nalang daw nya ko. Kainis. Napakataba ng utak!

Syempre hindi ko na pinatulan. Adik lang eh.

Alam na din sa school na kami na nga.

Alam nyo kung panoo?

Pinagkalat ng grupo nila Cynthia.

Ano?! Inggit sya? Inggit sya!

After ng mga pinagiisip kong ito, napahikab naman si Hina. Indikasyon na talagang pagod siya dahil halos araw araw ay may photoshoot siya. Ano pa bang ieexpect ko? Pero masaya pa rin kasi katulad ngayon, may oras pa rin siya para sa akin.

My Mysterious Novelist [Fin] [edited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon