CHAPTER 10: CHEATED

14 0 0
                                    

AETHAN'S POV

                The heck is wrong in my building?? Dali dali akong pumunta sa building ko ng tumawag sakin ang assistant kong si Sunny. Si Sunny ang assistant ko sa mafia business ko. Siya ang namamahala if wala ako. Pumasok ako sa building ko at nakita ko si Sehun na nakaupo sa couch sa office ko.
"Bat ka nandito? Diba sabi mo uuwi ka agad pagkatapos mo kong puntahan sa bahay?"-ako.
"Oo pero nakatanggap kasi ako ng text na may problema daw dito sa building mo kaya pumunta ako dito agad. Remember hinabilin ka sakin ni Therese at Kai. Pag may nangyari sayo tiyak kong papatayin ako ng boyfriend mo"-Sehun.
"Ows! ......................... so ano ang nangyari dito?"-ako. Tinanong ko si Sunny.
"May isang grupong pumunta dito at ikaw ang hinahanap. May sulat pa ngang iniwan.!"-Sunny.  Binigay niya sakin ang envelope. Tinignan ko itong maigi. Alam ko kung kanino galing tuh. Sa kulay pala ng envelope kilala ko na siya ang nagbigay nito. Binuksan ko ang envelope at binasa ang nakasulat.

(Hi babe. Miss me? It's been years na di tayo nagkita. Pumunta ka sa resthouse mo mamayang 7:00 pm kung ayaw mong patayin ko ang lahat ng tao na nandidito sa palibot ng resthouse mo nakatira. See you!
------CHRISTIAN)

"Argh!! Christian!! Bat ka pa bumalik?! For what reasons!!?"-ako. Sinipa ko lahat ng upuan sa loob ng office ko.
"Chill. Sino si Christian?"-Sehun
"Christian was.................................. my highschool Ex-lover!"-ako.
"Ilang tao ang nakatira sa palibot ng resthouse ko?"-ako. Tinanong ko si Sunny.
"Tatlong pamilya ang nakatira sa palibot ng resthouse mo."-Sunny.
"Bwisit!  Dito lang kayo. Walang susunod sakin!"-ako.
"Pero?!"-Sehun. Tinutukan ko siya ng baril.
"Wag kang sumunod!!"-ako. Lumabas ako at iniwan si Sehun sa building ko. 5:30 pm na pala. Nagmaneho ako at dumiretso sa resthouse ko. Yun yung resthouse ko na kung saan pumunta si Kai. Bago ako bumaba kinuha ko ang baril at dalawang magazin ng bala tsaka ang silencer. Tinago ko muna ang baril sa likuran ko. Inipit ko sa waist line ng pantalon ko. Pumasok ako sa resthouse ko at nadatnan ko agad si Christian na nakaupo sa couch.
"Nandito kana pala babe!"-Christian. Lumapit siya sakin at hahalik sana sa pisngi ko pero umiwas ako at tinulak siya.
"Ano pa ang kailangan mo at bumalik ka?"-ako.
"Uhm.... babalikan ka!"-Christian.
"For what! Iniwan mo ko for almost three years tas babalik ka?! Sorry pero may mahal na kong iba!"-ako. Bigla niyang hinigit ang braso ko.
"ANO!! MAY IBA KANA?! AT SINO NAMAN YANG TARANTADONG YAN?!"--Christian.
"Ano ba Christian?! Sinasaktan mo na ako!!"-ako.
"Ano ba siya?! Saan ba siya magaling?! Sa dito!"-Christian. Hinigit niya ng sobrang higpit ang dalawa kong braso. At pinaghahalikan niya ang leeg ko at ang mga braso ko.
"Ano ba tumigil ka?!!"-ako. Tinulak ko siya at sinipa sa maselang parte. Tumakbo ako palabas ng resthouse. Nagtago ako sa isang malaking tanim. Kinuha ko ang baril ko at nilagyan ng magazin. Di muna ako lumabas sa pinagtataguan ko dahil rinig ko pa ang pag utos ni Christian sa mga tauhan niya.
"Hanapin nyo siya!"-Christian. Pasalamat ako at tatlong tauhan niya lang ang dala niya. Pero bad news dahil puro armado. Tsch! Patay ako nito. Naghahanap na ang tatlo niyang unggoy sakin. Naghihiwalay ang tatlo niyang tauhan para hanapin ako at ngumiti ako ng malapit lang ang isang unggoy sakin. Tinutok ko ang baril sa kanya at pinaputok. Goal! Sabog ang ulo niya. Dalawang unggoy na lang at yung baliw nilang amo. Lumipat ako ng tinataguan. Alam ko ang pasikot sikot sa resthouse kaya survive ako dito.
Nagtago ako sa isanh malaking puno.
"Ayun siya!"  Oh fuck! Nakita nila ako. Shit! May nagpaputok sa kanila at bigla na lang ako nakaramdam ng masakit sa binti ko. Tumayo ako at tumakbo pero dahil may tama ang isa kong binti ay di ako gaano kabilis. Tumigil ako ng makaramdam ako ng pangangalay ng binti ko.
"Oh bat ka tumigil? Pagod kana?"-tanong ng isang unggoy na to. Ngumiti ako. Nilapitan nila ako at tinulungang tumayo. Nakalagay ang kamay ko palibot sa leeg nila. Di ako papayag na ibabalik nila ako sa baliw nilang amo nuh. Hinigpitan ko anh pagkakahawak ko sa mga leeg ng dalwang unggoy at pinihit ito ng palibot hanggang makarinig na ko ng pagbali ng buto. At tagumpay naman ako. Patay na ang dalawang unggoy. Binitiwan ko sila at naglakad ng paika ika papuntang sasakyan ko pero biglang humarang si Christian sa dadaanan ko.
"San ka pupunta?"-Christian
"Diba obvious?! Sa sasakyan ko siyempre!"-ako.
"Sinong may sabing aalis ka?"-Christian.
"Ako! May angal ka!"-ako. Lumalapit siya sakin kaya tinutok ko ang baril sa kanya.
"Try mong lumapit. Kakalabitin ko ang gantsilyo ng baril!"-ako.
"Kaya mo ba?"-Christian. Pinaputok ko ang baril at sa binti niya tumama.
"Di mo dapat ginawa yun!"-Christian. Tinutok niya ang baril niya sakin. Di ko binaba ang baril ko dahil alam ko ang gagawin niya. Kinalabit ko ang gantsilyo ng baril ko at ganun din kasabay ng sa kanya. Dumiretso sa ulo niya ang bala ng baril ko habang sa tagiliran ko naman tumama ang bala ng baril niya.
"Shit!"-ako. Madami dami na rin ang nawalang dugo sakin. Umiikot na ang paligid ko. Naglakad ako hanggang sa makapasok na ko sa kotse ko. Kaya ko pa naman mag drive kaya nagmaneho ako hanggang sa bahay. Itinago ko ang baril sa drawer ng kotse ko. May mga mantsa na rin ng dugo ang driver's seat. Lumabas ako ng sasakyan at paikis ikis akong naglakad. Di ko na yata kaya. Maraming dugo na ang nawala. Nilagyan ko ng hard pressure ang tama ko sa tagiliran para di na lalong dumugo pa. Bumigay na ang katawan ko pero isang boses ako narinig ko.
"AETHAN!"

Property of Miss Cold Mafia Where stories live. Discover now