Pahina 8

3 0 0
                                    

Nang mabitawan nito ang kutsilyo ay hinawakan namin ni jm sa braso ang babae ay kinuha naman ni andrei ang kutsilyo saktong dumating si joshua kasama ang isang lalaki.
"Nang gugulo ka nanamn. " sabj nito
"UMALIS NA KAYO HABANG MAAGA PA!!!!!! Bwahahhaah KUNG HINDI MAGAGAYA KAYO SA KANILA.!!!!" Sigaw nya habang binibitbit ng lalaki yung babaeng yun. Sinarado ni joshua ang pinto at ni lock na nya ito.
"Sino yun.? At paano nakapasok dito yung babae na yun.?" Tanong ni andrei
"Ewan ko bigla na lang tong sumugod di ko alam kung saan nanggaling." Napagawak na lang si jm sa batok nya. Ako rin ay hindi makapag salita nakatulala lang ako.
"Tok!! Tok!! Tok!!" Nagulat kami ng biglang may kumatok sa pinto pumunta ako papalapit sa pinto pero bago pa man ako makapunta ay nadapa ako bigla kasing may humarang sa paa ko.
*Booggssshhh*
"Aray!!!!" Napahawak ako sa binti ko sakit ng pagbagsak ko
"Par okey ka lang.?" Tanong ni jm
"Anong nangyari par.?" Tanong naman ni joshua
"Okey lang ako". Tumayo ako kahit medyo masakit tinaas ni andrei ang carpet nakita naming parang may nakikita syang iba kaya tinitigan namin ito.
"Ano yan par.?" Tanong ko
"Ewan ko buksan natin para magkaalaman." Sabi nya. Nakakia kasi kami ng isaparaang pinto pababa pero di namin alam kung ano ba ito
"Tara buksan natin.!" Sabi ni andrei at bubuksan n sana nya kaso
"Tok!! Tok !! Tok!! " biglang may kumatok sa pinto kaya di na namin napagpatuloy ang pagbukas sa bagay na iyon
"Sino yan.?" Tanong ni jm
"Ako po ito sir.!" Sabi nung lalaki sa pinto.
Binuksan agad namin ang pinto.
"Okey lang po ba kayo sir.?" Sabi nung lalaki.
"Ah opo okey lang po kami matutulog na po kami.?" Sabi ko
"Ah ganun po ba ako po ang may ari ng hotel na ito at ang babae po na iyon ay pinadala na namin sa hospital siguro ay nabaliw sa sobrang haba ng nilakad." Paliwanag ng lalaking may ari ng hotel na ito.
"Ah ganun po ba ano po ba ang itatawag namin sa inyo.?" Tanong ni andrei
"Ah oo nga pala ako si Mr. Bryan Brent Bryan na lang itawag nyo sa akin pwede ba kayong lumabas para makapagimbistiga ako kung saan nanggaling ang babae na iyon." Tanong nya tumango na lang kami. At lumabas.
Sinarado nya ang pinto nakita kong may hawak syang susi ewan ko kung para saan pero may nakalagay na "unjace" at nakadesign dito ay kotse hmm siguro susi yun ng kotse haha...... mga ilang minuto lang ay lumabas na sya.
"Pasensyahan nyo na po at natagalan." Sabi nya
"Okey lang pwede na po ba kaming pumasok.?" Tanong ni andrei.
"Ahh oo pwede na maya maya ay magbubukas na ang swimming pool at pwede na kayong maligo." Sabi nya at dirediretsong umalis.
"Salamat po" sigaw ko pero mukhang di nya narinig madami sigurong tinatrabaho kasi nung unang punta namin dito ay pamangkin nya lang ang humarap sa amin.
"Tara na at mag almusal na tayo." Sabi ni joshua
"Teka par nasaan si petter.?" Tanong ko kanina pa aksing pag gising ko wala na sya.

Horror hotelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon