5

66 6 3
                                    

5 days ago

Patricia

"Thank you so much Ate Patty! I owe you! Laters!" Coleen said then gave me a flying kiss tapos tumakbo na papuntang building niya.


I start to drive again. 

Si Coleen talaga, kung kelan male-late na tsaka pa nag-pahatid. She's lucky I don't have work today, buti na lang na-cancel ang meeting ko sa isa sa mga magpapa-ayos ng interior ng bahay nila.

And it was very odd na hindi siya sinundo ni Kyle. Parang personal driver na nga ni Coleen si Kyle e, kahit saan si Kyle ang naghahatid sakanya, kaya lagi ata naka-leave ang family driver nila.

My phone rung, and I took a glance. I smiled when I saw his name. Inayos ko 'yung bluetooth sa tenga ko then answered the call. 

"Can I invite you for a dinner?" He asked.

Ako naman parang tangang naka-ngiti habang nakahinto sa tapat ng stop light.

I bite my lips, I really don't want to make him notice na kinikilig ako, because when that happens, tuloy-tuloy niya akong pakikiligin, baka mabaliw na ako kapag ganun!

"Bakit? Is there an occasion or something?" Why did I even asked? 

"Kailangan ba may occasion para ayain kitang mag-dinner?" Eh most of the time, he'll just ask me for a date randomly. 

He's the kind of boyfriend na hilig makipag-date, kahit saan pa man. But mostly, on a dinner. Iba-ibang restaurant na ang nakainan namin sa ilang beses kaming nakapag dinner sa labas.

But, even if numerous times na kaming nakapag-date, the spirit was still there. Hinding hindi ako magsa-sawa.

I giggled. "Okay, Davey."

"Stop calling me Davey, it's not appropriate to call me with that cute name. So, stop or else-"

"Or else what?" 

"Or else I'll be pushed to show you the reasons why." He chuckled.

Nanlaki ang mata ko, at pinaandar na ang kotse dahil nag-green na ang light.

"Okay, okay." He's still laughing. He's such a pervert! "Goodbye, see you later." He said then ended the call.

Kahit kelan talaga, napaka-pilyo ni Dave.

But sometimes, hindi ko na siya maintindihan, may times na sobrang sungit niya, yung tipong kahit walang dahilan 'di na lang niya ako kakausapin. Which is so odd of him, dahil kahit sobrang stress o galit siya saakin kinakausap niya parin ako.

Siguro ganun na talaga kahirap 'yung trabaho niya, kasi simula nung siya na 'yung nagtake-over ng family business nila, bihira na lang kami halos magkaroon ng time sa isa't isa plus the fact na busy rin ako sa work ko.

But I'm happy he's still finding time, like now.

My phone rang and as soon as I saw Michelle's annoying face I answered the call.

Before I could even answer, "You better get your ass here now. No buts. Bella needs us." Sunod-sunod niyang sabi atsaka in-end 'yung call.

Kumunot ang noo ko at agad nag-drive papunta sa bahay nila Bella. What is it this time? Her parents? O si Jake? But I doubt it. I knew Jake, never pa niyang sinaktan si Bella as far as I know.

Pagdating ko sa bahay nila Bella tuloy-tuloy lang ako dahil dito kami halos laging tumatambay kaya kilala na kami ng mga maids dito.

"Asan po sila?" Tanong ko kay Manang Vergie.

Team sawiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon