First step

20 0 0
                                    

Grieve. Mourn. Cry hard. Let it all out. But don't let yourself be eaten by your emotions. 

So, ayon na nga nalaman mo na, nahuli mo pa na niloloko ka lang niya, na hindi ka naman pala niya mahal, nanag sawa na siya sayo, na may iba na siya, kaya tama na. Itigil mo na 'yan. 

WAG NA WAG MO NA SIYANG HABULIN PA, KUNG AYAW MONG MAGMUKHANG TANGA.

Okay lang naman na umiyak ka, magmuk-mok, uminom at magpakalasing, pero wag mo naman gawing kawawa ang sarili mo to the point na aabot sa hinahabol mo siya at nagmamakaawa kang balikan ka niya.

Wag tanga bes, may matinding rason kung bakit ka niya niloko at kung bakit nag-break kayo. Kaya wag mo na isiksik yung sarili mo dahil hindi kayo para sa isa't-isa! 

Minsan, mapapaisip ka na bakit kahit siya 'yung nanloko, ikaw 'yung nasaktan, pero ikaw parin ang bumabalik at hinahabol habol siya. 'Yun ay dahil minahal mo siya at hindi ka niya talaga minahal. Kaya please iiyak mo na lang lahat yan. 

Ibuhos mo sige, umiyak ka ng isang baldeng luha, kumain ka ng sampung galong ice cream, ngumawa ka hanggang mawalan ka na nang boses. Pero wag na wag mo sakanya ipakikita ang mga 'yan. NEVER. WAG.

It's always like this:

Magbe-break kayo.

Magagalit ka.

Iiyak ka.

Sisisihin mo 'yung katangahan mo dahil niloko ka niya tas minahal mo siya.

Tapos makakatulog ka kakaiyak.

Pagkagising mo, mamimiss mo siya at iiyak ka nanaman.

Marerealize mo na mahal mo talaga siya kaya babalikan mo siya.

KAHIT ALAM MO NAMAN NA NILOKO KA NIYA, NAGSAWA NA SIYA, AT MAY MAHAL NA SIYANG IBA.

Please, magkaroon ka naman ng kahit konting awa sa sarili mo, please isave mo naman ang natitirang dignidad mo diyan. 

You may not have saved your relationship with him, but please atleast save yourself.

You deserve better. 

You are better than what he left behind.

You are more than what he had lost interest to.

So cry, and cry but don't let yourself drown into your emotions.

You deserve someone much better. You deserve the best.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 26, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Team sawiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon