Vital statistics (as of today)
Bust: 36
Waist: 32
Hips: 45
Bumuntong-hininga si Mona. Pinisil-pisil ang extrang laman sa bandang tiyan. She can look at her body and sigh. Minsan, sa disappointment. Minsan naman, sa relief. Mabagal kasing magbago ang numero ng vital stats nya. Hindi kagaya ng timbang na ilang kain lang, nagyo-yoyo na.
Hindi niya alam ang timbang niya ngayon. She doesn't check it.
Isinuot niya ang itim na shirt na may logo ng bakeshop at denim jeans. Dikit na dikit sa balat ang t-shirt niya. Medyo sikip sa bandang dibdib. Nangungumusta na rin ang mga braso niya. Pwede nang pala-pala.
Pero mas malala ang pantalon niya. Sikip na sa bandang tuhod. Nang hilahin niya iyon pataas, pakiramdam niya'y pupulikatin ang mga hita niya sa sobrang sikip! She grunted and pulled the pants down.
Kumuha siya ng leggings sa aparador at iyon ang isinuot. Mahal siya ng leggings. Palagi niya iyong maaasahan. Hindi siya pinahihirapan sa pagsusuot. Ang problema, maiksi ang shirt niya pra sa leggings. Kita ang puson at ang... para siyang walang suot pang-ibaba.
Check ang leggings pero mali ang shirt. Hinubad niya iyon at naghanap ng mahabang isusuot. Nakakita siya ng isang long shirt na kulay green. Malambot at see-through ang tela noon tapos may bulaklaking design. Hanggang siko ang manggas at hanggang gitna ng hita ang haba. Naghanap siya ng tube top para ipaloob doon.
Now, instead of running shoes, makakapag-doll shoes pa tuloy siya para lang bumagay sa outfit.
She looked in the mirror and frowned. "Beh, mukha ka namang a-attend ng binyag," sabi niya sa sarili. Pero wala nang oras. Kailangan na niyang pumasok.
After giving her hair a last minute brush and herself, a quick head to toe check in the mirror, she ran to her car and head off to work.
--
Pagkarating ni Mona sa shop, nandoon na ang ilan niyang empleyado. She trained them to be early. If they can go to work earlier than her, may dagdag ang mga ito sa sahod. Kaya naman ganadong-ganado ang mga ito.
"Good morning, Monay!" nati ng isa sa mga baker niya, si Tatay Ben. He's a 66-year old man who grew up baking bread. Kapitbahay nila ito dati sa Quezon. Nang magustuhan niyang maging isang baker, kinuntrata niya ito kaagad. Nang malugi ang panaderya ni Tatay Ben, nag-apply ito sa shop niya.
Ito na ngayon ang head baker niya. Ito ang kaunahan sa trabaho, nagma-manage sa kitchen prep team na naghahanda ng mga ingredients sa umaga.
"Morning, Tay!"
Hinalikan niya sa pisngi si Tatay Ben. Ito na ang nagsisilbing tatay niya kapag nandito siya sa Manila. Malayo kasi ang pamilya niya. Bihira lamang siyang makabisita dahil sa trabaho.
Pumunta siya sa opisina para magpalit ng uniform. When she went out, binati naman siya ng manager ng bakeshop para i-check kung ayos na sila roon. They'll be opening the store in an hour. Na-bake na ang mga dapat i-bake for the first batch of goods, thanks to Tatay Ben and his team.
Her focus now would be the orders for the cakes and cupcakes. Specialty niya ang paggawa noon. 'Yon talaga ang inaral niya. Siya ang punong-abala sa pagdi-decorate ng mga iyon sa bakeshop. May isa siyang main sculptor na gumagawa ng cake toppers at nag-aayos ng skeleton ng pang-dekorasyon kapag malalaki at unusual ang cake na ipinagagawa at isang pastry chef na mahilig mag-experiment kagaya niya.
The store manager, Angie, headed to the front of the store to check on the display cases. Ayaw na ayaw kasi nitong nakakakita ng alikabok sa mga lalagyan. Palagi ring sinisigurado na tama ang label na ilalagay.
BINABASA MO ANG
The Way To His Heart (The Starving Squad #3)
General FictionMona likes Felix. Mona has liked Felix ever since she met him. She knew that he's way out of her league, but she still took a chance. Inunahan na niya ang hiya dahil lampas na sa kalendaryo ang edad niya. Pero kahit minamadali na ng mga magulang at...