Nagising si Mona dahil sa maya't mayang paghalik ni Felix sa pisngi niya. The sun had already risen. Tumila na ang ulan, pero sobrang lamig pa rin ng hangin. She held on tighter to him, still wanting to doze off. Pero bumangon ito. Pati siya, kasama.
"Your father will kill me," he said as he took her hand.
"He can't kill you. Alam ni daddy na malulungkot ako."
Ngumiti si Felix saka hinalikan ang tuktok ng ulo niya. They walked to the main road, hand in hand. They rode the tricycle to her home, still holding hands. Ramdam niya ang panlalamig ng kamay ni Felix nang makarating sila sa bahay niya. Nasa labas ang daddy niya, naghihintay.
Tumayo ito mula sa inuupuang bench nang bumaba sila ng tricycle. Awtomatiko niyang hinarangan si Felix sa takot na atakihin ito ng suntok ng daddy niya.
"Pumunta kang kusina. Mag-uusap tayo," her father told her.
Tumango siya. "Ako lang, Dy?"
"Oo."
"Pa'no sya?" She motioned to Felix.
May tinawag ang daddy niya. Nang dumating ang tinawag, may dala itong isang bilao na puno ng rock salt.
"Lumuhod siya diyan nang dalawang oras."
She scowled at her father. "Dy!"
"Dalawang oras o hindi ko siya patatawarin."
"It's okay, I can take it," Felix told her. Bumitaw ito sa kanya at saka lumuhod sa asin. Mabuti na lamang at nakapantalon ito. She knew how painful it can be. Lumuhod na siya sa munggo dati, for 15 minutes. Iyak siya nang iyak noon. Hindi naman na naulit pero iniwasan na niyang galitin ang daddy niya mula noon. Sobrang sakit sa tuhod at mangalo. Halos hindi na nga siya makatayo noon pagkatapos. Tapos si Felix, dalawang oras paluluhurin sa asin?
Ayaw niya itong iwanan, pero nangako ang daddy niya na patatawarin ito pagkatapos. She hopes that he can endure those two painful hours. Siya naman ay pilit na kukumbinsihin ang mga magulang.
--
Her father led her to the dining area, which is just next to their indoor kitchen. Nandoon ang mommy niya, at ang mga kapatid niya. Pinaupo siya ng ama sa kabisera. Ito naman ay sa katapat noon umupo.
Huminga siya nang malalim habang nag-iisip kung ano ang mga isasagot sa mga posibleng tanong ng mga ito sa kanya. It was her dad who spoke first.
"Buong magdamag kayong magkasama sa koprahan?"
Tumango siya. She knew what they were thinking. Two adults, alone in a hut, in the middle of a heavy rain... but it didn't feel right to do anything but talk. They just talked and slept. Kahit siya, hindi niya naisip na ganoon lang ang mangyayari. People in books and movies seem to solve every conflict with sex. As if it's a magical soap that wipes the slate clean. And maybe it does work for some people, but she felt like it would be wrong to sort out their problems that way.
"Nagkausap na kayo? Nagkapatawaran?"
Tumango siyang muli. Talking to him felt like ropes being loosened around her chest so she could breathe again. It's true that she hated him for leaving, but she loved him again for coming back. She admired him for being a good father to Angela.
Nalaman kasi niya na gusto pa ni Andrea na paabutin sa korte ang issue ng child custody. Andrea wanted to have sole custody of Angela. Magpapakalayo-layo ang dalawa habang si Felix ay nandito sa Pilipinas, sa piling niya.
She could only imagine how heartbroken Angela would be if that happened. If Felix didn't step in and chose to stay with her instead, baka kinain na rin siya ng konsensya. Baka iyon pa ang ikasira nilang dalawa.
BINABASA MO ANG
The Way To His Heart (The Starving Squad #3)
General FictionMona likes Felix. Mona has liked Felix ever since she met him. She knew that he's way out of her league, but she still took a chance. Inunahan na niya ang hiya dahil lampas na sa kalendaryo ang edad niya. Pero kahit minamadali na ng mga magulang at...