Bago ko tuluyang pinikit ang aking mga mata, naririnig ko ang boses at sigaw ng mga taong nakapaligid sakin.
Mga taong walang ginawa kundi humingi ng saklolo at makitsismis.
Napatingin ako sa asul na kalangitan,
"Sky...."
At kasabay ng pagpikit ng aking mata.
-
-
-
-
-
-
-
-
-ARINNA'S POINT OF VIEW
"Bakit pa ako lalaban? Eh siya nga mismo hindi na ako kayang ipaglaban?"
Nalulungkot ako para kay miracle.
Hindi basta basta tong pinagdadaanan niya.
Ano kayang nangyayari? Kamusta na kaya si Mira?
Namimiss ko na siya."Ari, may mali ba sakin?"
"Ari, Okay lang ako. Huwag kang mag-alala.l, Cheer up!"
Siya talaga yung tipo ng kaibigan na di niya hahayaan na mag-alala ka sakanya. Gusto ko sya yakapin.
Gusto ko siya na magsalita ulit at sabihin sakin na "Cheer up babygirl"
Gusto ko makita yung maganda niyang ngiti kahit na nasasaktan siya.
Gusto ko marinig ang mga boses niya.Mira, please. Gumising kana.....
Oo, Tatlong buwan ng nakalipas simula ng maaksidente siya.
Actually, nakarecover na siya sa aksidente eh. Pero nagulat kaming lahat nang maisugod siya ulit sa ospital. Natagpuan kasi siyang nakabulagta sa Sala ng bahay nila.Mayroon siyang sakit..
Hindi ko alam kung ano pero sabi meron daw.Nabasa ko sa diary niya na may dinaramdam siya. Matagal na pero, kampante siya na baka wala lang.
Grabe na talaga pinagdadaanan niya ngayon. Kamusta naman kaya si Sky?
Teka, kilala niyo ba sila sky? At anong meron sa kanila ni Miracle?
Ikukwento ko sainyo lahat, readers.
First meet up
Actually, Si Sky at miracle ay nagmamahalan.
Bago ikasal si Sky, magdadalawang buwan na din silang hiwalay ni Miracle.
Nakipaghiwalay si Sky kasi nakabuntis siya ng ibang babae.
Pinakamasakit sa lahat, ay yung gagawin kang bridesmaid sa kasal ng Ex mo. Ang sarap lang hilamusin at pagsasampalin ng mura tong impaktong lalaki na to. Imbitahin ba naman si Mira? TANGINUMIN MO. Nanandya ba to?
At ewan ko ba naman, sandamakmak na katangahan at kashungahan nitong kaibigan ko at pumayag.Kesyo mahal ko kasi siya Ari.
Hype na pagmamahal na yan. Ba't kailangan pa mahalin yung taong alam mo naman na binabalewa't sinasaktan kana? Worth it ba talaga sila bigyan ng pagmamahal?
Bakit ba sky pangalan nito? Dapat Hell eh. Mukhang impyerno ang kalandian eh.
Bakit ba pinatulan to ni Miracle? Tangina lang talaga. Pumatol ba naman sa fuccboi.Hayyysssss!!
Pero, nung mga panahon na sila ni Sky, nakita ko yung totoong Miracle.
Nakita ko kung paano siya naging masaya sa piling ni Sky.
Kaya lang, masakit kasi kapag ginawa mong mundo yung taong alam mo naman na panandalian lang ipapahiram ng tadhana sayo.
Bakit ba kasi kailangan makaramdam ng pag-ibig sa opposite sex eh, kung di rin naman sila magkakatuluyan.
Bakit ba kasi napaka-pait ng tadhana.
Bakit ba hindi nalang magkatuluyan sa totoong buhay?
Bakit ba kasi ang hilig natin gawing hobby ang magmahal sa taong di naman talaga tayo mahal. Sa taong option lang ang tingin satin.
Bakit ba kasi ganun?(Pls. Comment/Vote!!♥)
BINABASA MO ANG
Pait Ng Tadhana
RandomIto ay isang storyang hango sa totoong buhay. Storyang pati langit at lupa ay humahadlang. Storyang hindi lahat ng nagmamahalan ay nagkakatuluyan. At hindi lahat ng nagmamahal ay minamahal. Storya kung saan walang milagro sa pagitan ng may pag-as...