Miracle's Pain

12 2 0
                                    

Ito na ang oras at araw na ina-abangan ng lahat.

Ang oras na makikita kita na nakaayos at nakasuot ng magarang damit.

Ang oras kung saan masasaksihan nilang lahat ang pagmamahalan natin.

Ang oras kung saan makikita kitang nakangiti ng walang halong pag-aalala.

Ang oras kung saan sasalubungin mo ako at hahalikan sa mga kamay.

Ang oras na makikita ko lahat ng sumusuporta satin.

Ito din ang oras at araw na nagluluksa ang puso ko.

"Si sky ba nandyan na? Baka naman indyanin ako nun?!"
Pag-aalala ni Lory.

"Ano ka ba, chill ka lang. Kilala ko si sky, malamang nandun na yun. Mas excited pa yata yun satin eh." Pagpapatawa ni Ari.

"Miracle.. You look so beautiful todaaay! Awe, mas lalo yata akong maiinlove sayo"

"Lokaret ka ari. Hahaha"
"Oh! Nandito na tayo!!"
Sigaw ko sa mga kasama ko.

Mag-uumpisa na ang seremonya sa simbahan. Nakita ko na yung mga brides maid. Ang gaganda nila. Pati si Sky, ang gwapo. Bakas sa mukha niya na excited siya na kinakabahan.

Papasok na ako. Huli akong pumasok.
Lahat ng bisita nakalingon sa pagbykas ng pintuan ng simbahan.
Naglakad ako sabay ng kantang paborito at madalas kantahin sakin ni Sky.

Hawak ko ang damit na sobrang ganda at puti.

Oo, Hawak ko ang gown ni Lory.

Habang naglalakad kami patungo sa altar. Nakita ko amg bakas ng pagaalala sa mukha ng mga kaibigan namin ni Sky.

Paano ba naman kasi, dinaig ko pa ang bride sa pag-iyak.

Maganda si Lory. Dala niya ang isang bouquet ng bulaklak na kulay rosas. At dala niya din ang magiging anak nila Sky.

Nakatingin sakin si Sky. Nakita ko na lumuha ang mga mata niya at ng makarating kami sa Altar, niyakap niya ako ng sobrang higpit at sinabi ang salitang nagpadurog na naman ng puso ko. "I'm sorry, miracle. I'm sorry for breaking your heart"

I pretend na okay lang ang lahat.
Na wala na yun. Na kalimutan na natin ang nakaraan. Pero, kasi sa totoo lang hindi ako okay. Ang sakit sobra na makita mo yung taong minahal mo ng sobra na ikakasal sa ibang babae.
Ang sakit lang na dapat AKO yung nasa kinatatayuan ni Lory ngayon.
Ang sakit kasi hindi natupad ang pangarap namin dalawa.
Ang sakit na masaksihan ang pag-iisang dibdib nilang dalawa.

Gusto ko tumakbo.. Gusto ko sumigaw.. Gusto umalis sa lugar na 'to.

Hindi ko napansin ang pag-agos ng luha sa mga mata ko, Habang nagpapalitan sila ng "I do father" na salita. Hindi ko natiis at hindi ko alam kung anong sumapi sakin, at nagwalk-out ako sa harap.
Nakita ko 'yung mga tao na nakatingin sakin.
Nakita ko 'yung tingin ng mga taong minsan ng sumuporta samin dalawa ni Sky na nag-aalala sakin.

Sumisikip na yung dibdib ko. Hindi ako makahinga ng maayos.
Nagbblurred na yung paningin ko, at paglabas ko sa simbahan.
Humagulgol ako ng iyak..

"Bakit, bakit sobrang sakit?"
Tanong ko sa sarili ko.

Nakrinig ko na may sumisigaw ng pangalan ko.
Hindi ko pinansin at nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad. Ang alam ko lang kasi ngayon eh, ang sakit ng nararamdaman ko.

"Ang tanga mo talaga mira" Bulong ko sa sarili ko.

Tinawag nanaman ang pangalan ko at paglingon ko hindi ko na alam ang nangyari.

(Pls Read and Vote)

Author's note:
See you on the next part.
This story is mine.
Thank you for reading
@jayseeyou.

Pait Ng TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon