Allen’s Pov
Nangyayari na ang dapat mangyari !
Ngayon I will have my first date with Zoe at ngayon hindi ko na palalampasin pa ang pagkakataon na mapalapit sa kanya at mahulog sa aking bagong katauhan.
Ako ang mastermind sa pagpatay kay Johnny ako at si Noriel ang may pakana kung bakit sumabog ang kotse ni Johnny bago pa man makalapit sya kay Zoe. Aaminin ko, pangit ako ngunit mayaman, walang nagkakagusto sa akin at lagi akong binunully sa paaralan. The same as Johnny mayaman pero gwapo at ang tanging pinagkaiba lang naming dalawa ay masama ang ugali nya!
[FLASHBACK]
Inimbitahan ako ni Johnny na uminom ng alak para makapag- usap kami ng mahinahon tyungkol kay Zoe, kasi may plano akong ligawan si Zoe at magpapatulong sana ako sa kanya. Ngunit bigla na lang akong nagulat noong sinabi nya na sila na pala ni Zoe!
“Pre! Bakit mo naman ginawa yun! Diba alam mo naman na gusto ko sya!” sigaw ko sa kanya sabay tungga ng alak na iniinom ko.
“Ha? Eh paano ka naman magugustuhan ni Zoe eh ang panget…”
Bago pa nya madugtungan ang sasabihin nya ay sinunggaban ko na sya ng isang malakas na suntok sa mukha.
“Pagbabayaran mo ito Johnny! May araw rin ang mga taong katulad mo! Akala ko mabait at mabuti ka yun pala sobrang sama ng ugali mo!” sigaw ko sa kanya.
Nakasalampak si Johnny sa sahig at habang ako’y diredirestong naglakad papaails ay sigaw sya ng sigaw ngunit di ko na sya pinansin pa.
Huh! Inagaw mo sa akin si Zoe! Humanda sya sa matindi kong pasabog!
Lumipas na ang tatlong araw at sa akas ga-graduate na si Zoe sa high school at syempre pati na rin ako. Pero sa likod ng mga nangyayari kasiyahan sa bulwagan may nakatago kaming pasabog ni Noriel sa lahat. Dumating na si Johnny malayo pa lamang sya’t inaabangan na sya ni Zoe sayang –saya ito ng biglang
(BOOM)
Sumabog ang kotseng minamaneho ni Johnny, humahangos si Zoe para iligtas si Johnny ngunit huli na ang lahat paniguradong sunog na ang katawan ni Johnny sa loob ng nagliliyab na kotseng yun!
“Jerry si Johnny!” hagulgol nyang wika sa akin. “Iligtas natin sya!huhuhu.
Nagpasimple naman akong pupunta sa kotse at pasimple ko ring pinindot ang remote upang sumabog ang huling bomba.
(BOOM!)
Napaatras ako at nagwika kay Zoe.
“Zoe! Umuwi na tayo ng pamilya mo! Baka mapahamak pa tayo dito.”
“Paano si Johnny! Jerry! Hindi ako aalis dito hangga’t hindi sya naililigtas!” sigaw nya naman sa akin.
“Tatawag ako ng pulis!” sigaw ko sa kanya.
Kinuha ko ang CP ko at kunwati akong tatawag sa pulis ngunitsa totoo lang pinailaw ko lang talaga ito.
“Hello! Emergency po ! may nagliliyab po ritong sasakyan, kailangan po naming ng tulong!” arte kong sigaw sa cellphine ko.
Sinira ko na ang CP ko at hinila ko papalayo si Zoe sa nagliliyab na kotse ni Johnny.
“Halika na Zoe!” pagmamadali kong sabi kay Zoe.
Hindi makagalaw si Zoe para syang lantang gulay na nakatitig sa nagliliyab na kotse at maya- maya pa bigla na syang nagcollapse sa braso ko.
Buhat- buhat ko si Zoe habang dumadaan papaalis sa sunog at tanging namumutawi lamang sa bibig ko ay…
BINABASA MO ANG
DSLR Camera Love Story
Novela JuvenilCamera captures all memorable stories in our lives wacky man o awkward sinauna man o may 360 effect yan, kasi mararamdaman mo pa rin ang kahalagahan ng isang picture dahil sa mga memories that show in the picture. Minsan nga nasasabi natin na sana...