"Nervousness"
Zoe's Pov
Inihatid na ako ni Luke sa bahay namin. Dahil sa pagod hindi na ako nakakain ng hapunan at nakatulog na ako agad.
Dong! Dong! Dong! (Tunog ng Kampana)
Kring! Kring (Alarm ng Cellphone)
Oh Taho!!..... Oh Isda Jan!!!! ......
Beep! Beep! Broom! Broom!( tunog ng mga sasakyan sa kalsada)
AHHHH........ (naghihikab) umaga na pala! Grabe parang pagod na pagod pa rin ako kahit nakatulog na ako ng matagal, sobrang layo ba naman kasi Quiapo To Boracay tapos Boracay to Quiapo. At ang nakakainis pa dun ang baba pa ng bayad nila, pero libre naman ang pamasahe namin kaya di na rin kami lugi. Tig-3000 kami ni Luke, yung sa akin ibinigay ko kay Mama para makabili na sya ng mga rekado sa mga ititinda nyang pagkain sa Carinderya sa palengke. At mayroon na rin kaming masarap na hapunan.
Nag- inat ako at bigla akong napahawak sa tiyan ko.
Groungwwlll..! Groungwwwlll!
"Aray ang sakit!"
Oo nga pala dahil nakatulog na ako kaagad kagabi di na ako nakakain. Yan tuloy umaangal na ang alaga ko sa tiyan xD.
Lumabas na ako sa kwarto, by the way ipinagmamalaki kong ang bahay namin ay tiyaga at sipag na gawa ni Papa. Maganda naman kahit gawa lang ito sa kahoy.
Ang ingay sa labas! talong- talo ang boses ni Mama sa pag-iingay! Actually wala kaming orasan at ang tanging alarm clock lang namin ay ang nag-iisa kong Cellphone kaya kapag minalas-malas at hindi nakaset paniguradong late kaming lahat! Pero ngayon dahil Summer naman di ko na kailangang mag- alarm ng madaling araw, depende na lamang kung may nahagilap kaming raket ni Luke.
Narinig ko si Mama kanina nakikipag- usap sya kay Aling Nella, nagbayad rin ata sya ng mga utang namin sa Sari- Sari Store ni Aling Nella. Kilalang- kilala ko na ang boses ni Aling Nella dahil araw- araw ba naman syang naniningil sa amin. Maggo- good morning pa naman sana ako kaso nakasakay na si Mama sa tricycle ni Papa at nakaalis na sila, kaya si Aling Nella na lang nabati ko sayang -saya sya ngayon dahil nakabayad na rin kami.
Nasa sala na ako at sa lamesa ay may nakalahad ng Almusal. Gutom na Gutom na ako.
Nom! Nom! Ang sarap ng pandesal samahan mo pa ng mainit na Kape !
Hmmm.....
*Burp*
Busog na ako ^_^
Si Tsin-Tsin naman ang aking nakababatang kapatid ay nahihimbing pa sa pagtulog. Nine Years ang tanda ko sa kanya, kaya 10 years old pa lang sya. Pinabayaan ko na lang syang matulog pero sinabi kong pupunta na ako sa Carinderya ni Mama.
Luke's Pov
Magcocollapse na talaga ako sa pagod pero buti na lang kapag nakikita ko yung mukha ni Zoe nawawala ang pagod ko! at lalo na nung ako ang nagsuot ng garter sa paa nya. Sabi ni Lola kapag daw ganun kung sino daw ang makasambot ng Bouquet sya daw ang sunod na ikakasal at sa Garter din naman, kaya kapag sila ang parehong nakakakuha they're meant to be married. May chance na siguro akong ikasal kay Zoe! Pero paano? Ngayong pa na bakla naman ang tingin nya sa akin?
BINABASA MO ANG
DSLR Camera Love Story
Novela JuvenilCamera captures all memorable stories in our lives wacky man o awkward sinauna man o may 360 effect yan, kasi mararamdaman mo pa rin ang kahalagahan ng isang picture dahil sa mga memories that show in the picture. Minsan nga nasasabi natin na sana...